Saturday, March 24, 2012

Ways People Solve Their Problem

1. They laugh at it. Tinatawanan na lang ang problema, isa ito sa pinaka mabisang paraan para gumaan gaan ang problemang nararamdaman. Habang iniisip mo ang problema, mas lalong lumalaki ang problema mo. Kaya bakit hindi mo na lang tawanan ang mga ito?

2. They ignore it. Sabi nga ni Bobby McFerrin sa kanyang kantang Don't Worry Be Happy, wag mo alalahanin ang problema, just be happy. Iwasan ang problema lilipas din yan!

3. They confront it. Nilalabanan ang problema. Sinusubukang harapin ang problema sa abot ng makakaya.


Maaaring malalampasan mo ang problema sa pamamagitan ng pag gawa sa tatlong bagay na ito. But how will you handle problems too big for you and stays there almost everyday? Makakatawa ka pa ba? Maiiwasan mo pa ba? Sa palagay mo mahaharap mo pa ba?

Iyak tawa ka na lang ba kapag nasa harapan mo na ang problema? Eh pano kung ang problema mo ay yung mukha mo? Ano nang gagawin mo? Choose the best answer.


a) wala na, uwian na

b) taya sa lotto, pag nanalo, belo

c) photoshop mode on


Kung hindi naman mukha ang problema mo, yung sa mas maayos na problema naman pag usapan natin. Ano na ang gagawin mo? Yung tipong di ka na makatawa, di mo na maiwasan, di mo na kayang harapin, yung konting tumbling na lang babagsak ka na, yung di ka na makahinga, ano na ang gagawin mo?


Para sa akin, hindi kasi natin pwedeng iwasan ang problema. Maya't maya ang dating nyan. Ngayon cool na cool ka, mamaya cool na lang, bukas bukul bukol ka na. Di na kaya ni Simsimi ang problema mo, wala nang pinatutunguhan usapan nyo, ano nang gagawin mo? Kain na lang ng overrated magnum? Post picture sa fb eating magnum? GM kung gano kasarap ang magnum? ano naa nga..??


Ano nga kase?? Puro ako ano. Anyhow, inihaw. Ang masasabi ko lang, kapag wala si Papa Jesus sa buhay mo, life is like in a downward spiral mode. Paikot ikot na lang ang buhay, ang end up, bagsakan, kangkungan, nothing, totally worthless. Kahit ano pa ang natapos mo, na achieve mo, without God it's nothing. Going back, ang problema hindi natin pwede yan iwasan, di pwedeng tawanan na lang, at di natin kayang harapin ng mag isa. Hindi ba mas masarap, kapag meron tayong Papa Jesus na mapag susuplungan ng problema?


PABLONG PABLING. WOW AKO BA ITO?

:D

15 comments:

  1. b) taya sa lotto, pag nanalo, belo- hahahaha

    tama.... pag malaki na problem, di na pede si simsimi :p

    ReplyDelete
  2. simsimi?
    <--di gets. slow:D

    pero i agree! kapit lang kay Papa Jesus
    happy Sunday paps!

    ReplyDelete
    Replies
    1. search mo brader si simsimi.

      hey long time long time ah welcome back!

      Delete
  3. nadali mo Pareng Pablong Pabling.

    ReplyDelete
  4. agree. di lahat ng problema nadadaan sa tawa, limot at pagharap nito. kailangan ng guidance from God lagi. maliit o malaki man ang problema

    ReplyDelete
  5. @kosa: haha... you'll love simsimi.... devah paps? =P

    @Paps: yeahh i agree w/ yah... =) mas madali ang any problema basta kasama lang Syah...

    Godbless!

    ReplyDelete
  6. ayown oh!!
    ibang leveling ka na talaga paps pwede ka na maging motivational speaker/writer..hehehe

    pero kidding aside,optimism really helps, having a positive outlook despite the odds would definitely lessen the load..^___^

    ReplyDelete
  7. wow... pumaproblem advisory na... hehhee

    ReplyDelete
  8. AMEN! :))

    Haha, in fairness never pa ko finail ni simsimi..

    ReplyDelete