Friday, March 30, 2012

Anyhow, inihaw, Nakakabobo

Bumili ako sa turo turo kanina. Alam niyo naman dito sa Pinas, uso dito yan. Kung hindi turo turo ang meryendahan, tusok tusok. Anyhow, inihaw. Bumili ako ng palabok sa turo turo kanina. Sumandok si ateng tindera ng palabok, sa kanyang pag sasandok may isang noodle na lumawit mula sa plato, dumikit ito sa mesa. Biglang tumingin sa akin si ateng tindera kung nakatingin ako sa ginagawa nya, sabay ng kanyang pag tingin sa akin ang pag balik niya ng noodle sa aking plato. :C Kitang kita ng dalawang mata ko ang pag dikit nito sa mesa at kitang kita ng mata ko kung paano niya isinagawa ang pag babalik ng noodle na iyon. Patay malisya si ate. Diretso niyang tinapos ang pag gawa ng palabok ko, nilagyan nya ng sauce, chicharon at kung ano ano pang kwan. Nung iniabot na sa akin ni ate. Sabi ko, ate alin sa mga noodles na ito ang dapat kong iwasan? Napa nganga siya :C

8==D

Nag paload ako bago umuwi dahil nawala ang maintaining balance ko na piso para tuloy tuloy ang sulit na kaligayahan sa unlitxt20. Alam niyo naman dito, mayayaman lang ang naka plan sa buhay, prepaid na ang iba, minsan napapakamot ako sa ulo, napaka hi-tech ng phone sabay waley load. Anyhow, inihaw. Sabi ko sa tindera. Paload po ng sampung piso lang (para mag ka maintaining balance lang ako) isinulat ko sa notebook niya ang number ko at ang halagang sampung piso. Inabot ko ang 50 pesos para sa aking bayad, sinuklian ako ng 30 pesos. Sabi ko kulang pa po ng sampung piso. Sabi niya 20 ang niload ko. Sabi ko Halalala?

8==D

Uso din dito ang pag commute dahil sa maraming rason, tulad ng, una mababangga ka sa gitgitan, pangalawa makakabangga ka dahil sa gitgitan, pangatlo makakapatay ka dahil sa biglang mga taeng este taong tumatawid ng bigla bigla. Anyhow, inihaw hindi patungkol diyan ang gusto kong ipahiwatig, ganto kase yun. BAKIT IBA IBA ANG BAYAD KO SA PASAHE SA DYIP ARAW ARAW? Minsan trese, minsan trese singkwenta, minsan dose, minsan onse, minsan nga kinse , pare pareho lang naman ako ng pinanggalingan at binababaan. Saka lagi ko naman sinasabi pag nag babayad ako, mama bayad po isang estudyanteng pogi na nag aaral ng mabuti!

8==D

Nag taxi naman ako minsan ala una ng gabi. Naka idlip ako sa taxi, pag gising ko napatingin ako kay manong, halalala manong gising gising rin! (Sumasabay daw ba ng idlip)

8==D

Noon namang nauso si vice ganda, wala nang matinong kausap. Tapos nauso si boy pick up, wala na lalong matinong kausap. Pero netong dumating si Simsimi, nako wala na! wala na talaga!

Hayyyy. Nakakabobo

27 comments:

  1. Nag-enjoy naman ako sa post mo.. Kaloka naman si ateng nagtitinda ng pansit palabok at si ateng nagloload.. Pero mas nakakaloka ang mga banat mo! :)

    ReplyDelete
  2. wahahahah.

    yung pamasahe sa jeep, totoong walang definite na bayad. Kainis.

    ReplyDelete
  3. hahaha nakakabobo nga.nagbabalik sa blog mo paps

    ReplyDelete
  4. nakarelate naman ako dun sa pamasahe dati inaaway ko pa yung konduktor, pero tinamad na ko, wala din naman, nagbibigay pa din ako ng dagdag haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. sayang naman po ng effort mo, sabay ikaw din talo. :D

      Delete
  5. hahaha! kakatuwa naman yung post mo.. kasi nakakrelate :)

    ReplyDelete
  6. natawa ako sa halala. pero na over power ang tawa ko ng intriga. galing ng pagkakasulat ng linyang 'to oh, "estudyanteng pogi na nag-aaral ng mabuti" WINNER! haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat ester yaje! welcome po sa kablogstugan! :D

      Delete
  7. simsimi???? pa update naman,,,hahahahahahaha

    ReplyDelete
  8. haha galing talaga ni pablo.

    Sino si pablo sa simsimi

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey you! salamat po cherubrock at welcome sa ka blogs tugan!

      Delete
  9. hahaha... nako po...

    ReplyDelete
  10. yuck yung noodles. kadiri kayo pareho. kinain mo rin yun for sure. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

    ReplyDelete
  11. sa totoo lang paps, di ko rin maintindihan kung magkano ba tlaga pamasahe...hay!

    ung sa load nga buti ganun lang ginawa sayo e, ako nagpaload ng 50 pesos para unli internet niload sakin 2 30pesos. aun abonado pa ako..hehe

    ReplyDelete
  12. kadiri naman si ate tindera ng pansit at talagang madaming magulang na nagloload naranasan ko na yan eh pero kapag kasalanan nila kinukuha ko ang dapat kong sukli. haha =D

    ReplyDelete
  13. It's more fun in the philippines! :)
    Hahaha :) d

    ReplyDelete