Tuesday, December 6, 2011

Silent Killer

Hindi ako sumasakay ng FX ng madalas. Sumasakay lang ako pag kailangan lang. Tulad kanina. Bukod sa nakakahilong air freshner ni manong driver ay ang pamatay eksenang utot ng kung sino man sa amin ang umutot sa loob.

Mga uri ng utot:

1.Careless Whisper - walang tunog pero boom na boom, nakakagulantang ng sambayanan.

2. Colors of the wind - ito yung utot na pag lumabas may kasamang friends, tapos maiiwan sa salawal ang friends. mag isang susuungin ni utot ang mundo para mag kalat ng lagim.

3. Wings beneath my wings - ito yung matagal ng itinago sa loob, saka lang nailabas. Hindi mo malalaman kung utot sa unang limang segundo pero pag tumagal mapapa "putek sinong umutot?" ka.

Sa palagay ko yung tumira samin kanina sa loob ng FX ay yung wings beneath my wings. Walang kumikibo nung una - pero nung umalingasaw na isa isang nag takipan ng panyo sa ilong. Hindi ko masiyadong natiis ang amoy, mababa ang tolerance ko sa ganito e. Lalo sa kulob na lugar tulad neto, tulad ngayon, sa loob ng FX. Sinabi ko na lang sa loob ng FX - "mga kapatid pagtulong tulungan na natin, wag niyo naman takpan ilong niyo, pano natin mauubos agad ang amoy?"

Rumesponde agad ang manong tsuper na hindi rin kinaya ang amoy. "Walang hiya naman, sinong umutot?" (Sabay pinatay ang aircon at binuksan ang bintana). - agad na nag sunurang magbukas ng bintana ang mga pasahero.

Nakarating kami ng matiwasay sa aming patutunguhan ng walang nahuhuling suspek. Dahil sa ako ang unang nagsalita sa insidente, may babaeng masama ang tingin sakin palagay ko ako ang itinuturo niyang salarin. "Ate wag mo ko tingnan ng ganyan, inosente ako dito."

"If it's never our fault, we cant take responsibility for it. If we cant take responsibility for it, we'll always be its victim."

11 comments:

  1. hahahah, sabi kasi ng mga pamahiin, na ang unang kumibs, sya daw guilty.... dapat tinitigan mo din ng masama si ate. :p

    ReplyDelete
  2. dapat talga magkaroon na ng kulay ang utot para malaman kung sino ang salarin. utot mong blue. mas mabaho ang utot kapag walang tunog. \m/

    ReplyDelete
  3. @khanto: huwag ganon. baka mag halo ang balat sa tinalupan.

    ReplyDelete
  4. @nobenta: tama. dapat mag colors of the wind na lang. isa isang icheck ang mga salawal ng bababa. kapag nahuli bitay agad dapat

    ReplyDelete
  5. @chingoy: kuya! wala akong kasalanan dito. :)

    ReplyDelete
  6. wala...tawa lang ako ng tawa dito..hahahaha...
    buti na lang talent ko ang magpigil ng utot.. :p

    pero seriously, mababa rin tolerance ko jan.

    ReplyDelete
  7. @chilaxx: patay. mahirap na talent yan. malakas yan pag lumabas

    ReplyDelete
  8. haha mahina rina ng tolerance ko sa ganito nakuu

    baka si ate ang salarin?

    ReplyDelete
  9. hahahahahahahaha..... natawa talaga ako ng bongga papsikels.... you already! ^_^

    ReplyDelete