Friday, November 25, 2011

Ang Maynila ay isang Malaking Garbage Bag


Manila was listed as one of 10 worst cities in the world to drive in.


"It is saddening that our city is said to be one of the worst cities to drive in the world, but we must understand that our drivers sometimes lack education. This is why we at the LTO continue to encourage our drivers on the road to learn. They should follow traffic rules not out of fear of getting caught but for everyone's safety," said Jayson Salvador, Chief of the LTO Public Assistance Information Unit. –VVP/JV, GMANews.TV



Para sa akin ang Maynila ay isang napakalaking garbage bag. Nakakatawa kung paano ipagtanggol ng mga pinoy ang Maynila sa comment section ng article na iyan. Hindi nila matanggap na ang Maynila ay kasama sa top 10 worst cities to drive in. Kailangan i-kumpara pa nila na di hamak na mas maganda pa ito sa ibang bansa.



TOP 8 THINGS WHY I HATE MANILA - oops sorry, pero pramis mahal ko ang Pilipinas.


1. Ang kinaiinis ko talaga sa Maynila unang una ay ang mga usok na nagmula sa ibat ibang sasakyan, bus, tricycle, jeepney, taxi at kung may chance lang makapag buga ng usok tong si pedicab sasali to sa bugahan eh. Parang pa astigan dito e mas maitim na usok mas astig ka. Mas may naibubuga kang itim na usok mas sikat ka. Kumbaga naglaro na naman sa isip ko kung bakit gusto nila ang itim na usok ibuga. "Ah ayaw mong sumakay sa jeep ko ha! eto ka ngayon!" (sabay bubugahan ka ng pagka itim itim na usok)


2. Pangalawa sa kinaiinisan ko ay ang traffic. Nagsasayang ako ng aking napaka importanteng oras sa napakawalang kwentang bagay. Kumbaga para hindi masayang ang oras ko habang nasa traffic dapat may magawa akong kapakipakinabang na bagay. Dahil hindi pwedeng mag laba, mamalantsa, magluto at maghugas ng pinggan sa dyip, isa sa pinaka epektibong pag ubos ng oras sa dyip ay ang pag tulog. Kung hindi ka naman makatulog dahil sa ingay, init at hapdi sa loob ng dyip isa pa sa kapakipakinabang na bagay ay ang pangungulangot. Kapag nakuha mo na ang napakahalagang kulangot (pasing tabi po sa mga kumakain) pwede mo na itong ipahid sa katabi mong upuan. Isang kaluluwa na naman ang makaka-alala sa itaas at sisigaw ng "hesusmaryahosep!" kapag napadikit sa binilog mong kayamanan - may kaluluwa ka na namang maisasalba.


3. Pangatlo sa ayaw ko sa Maynila ay sobrang ingay dito. Noise pollution. Busina dito, busina doon kahit hindi kailangan bumusina, bubusina. Nakakatawa nga kahit naka stop ang light - binubusinahan ng jeep yung kaharap niyang jeep. Pag sasakay ka ng jeep, bubusinahan ka rin. "Dito ka sumakay beep beep!" Isama mo pa diyan ang mga nagtatahulang aso ng kapitbahay na masarap pakainin nag tig aanim na balot na may tag tatatlong plastik ng betsin all at once.


4. Nadukutan ako sa recto kanina. Faj.


5. Napakadumi. Kahit san mo ilibot ang paningin mo puro basura ang makikita mo. Di lang basura - sabi nga ni Gen. Mc Arthur -"Philippines is a very rich country, cause everywhere I go I see gold". Gold - tae ng aso.


6. Kapag pumatak ang ulan. Babaha. Kapag bumaha, isasabay ibuhos ang tubig sa angat dam. Damn that.


7. Paunahang mabasagan ng betlogs sa LRT at MRT. Sobrang sikip.


8. Laging late ang mga ka meet-up mo. Parang sarap na sarap silang isabuhay ang "Filipino Time" expect mo na lagi na 30 minutes to 2 hours late sila - pero naiintindihan ko na kung bakit sila laging late. Either nabugahan sila ng maitim na usok mula sa nagmumurang tambutso kaya bumalik ng bahay para mag palit ng damit, o di naman kaya na traffic - natulog sa dyip at nakalagpas sa pag kikitaan niyo o di naman kaya umuwi ulit dahil nadikit sa kayamanang binilog ng katabi niyang biktima rin lang ng trapik, o di naman kaya dahil hindi nakatulog sa ingay ng nagtatahulang mga aso kagabi, o kaya nadukutan ng pera at kinailangang maglakad ng 2 years, o di naman kaya natabunan ng santambak na basura, o kaya nag hanap pa ng bangkang masasakyan dahil binaha sila sa harap ng bahay nila. Marami silang pwedeng irason sa iyo kung bakit sila late. At dapat handa kang makinig sa kanila dahil hindi nila naisip na pwedeng umalis ng mas maaga aga ng konti para makarating sa oras.


Yun lang naman. Other than that, okay naman na ang buhay Pilipinas. At hindi lang natatapos lahat sa hatred ito. Siempre bilang isang pilipino - dapat gawin ko rin ang mga bagay na makakapag pa buti sa ating bayan. Start with simple things like "pagtawid sa tamang tawiran at wag tularan ang mga taong nag tatapon ng kanilang basura sa malaking malaking garbage bag- ang lansangan ng Maynila".


You hatin? Peace. Peace. Peace :)

12 comments:

  1. Palaging pumapasok sa mga "TOP" ang Pinas ah.

    Pag galing kang province ma aapreciate mo ng todo todo ang mga usok na binibigay ng mga sasakyan sa Manila. Kasi pag uwi mo,dala mo lahat ng lagkit.hahahaha

    Subok na!

    ReplyDelete
  2. @matok, tama malagkit talaga..

    bagamat hindi naman ako tga-manila... pero kapg luluwas ka, mabibigla ka sa init ng panahon.. at parang magkakasakit ang pakiramdam sa init.. at parang hindi makahinga dahil sa usok ng mga sasakyan.

    ReplyDelete
  3. kahit ung mga foreigners na bumibisita dito - vacation man or work ang agenda, ung ang reklamo! Traffic, walang disiplina.

    buti na lng di pa ko nadikitan ng kulangot tuwing sumasakay sa dyip! baka wala kong maligtas na kaluluwa dhil iba masasabi ko! haha

    ReplyDelete
  4. yung number 8... so totoo.... super nakagawian na dito sa atin....

    ReplyDelete
  5. mas mahal ko pa rin ang manila kung mga drivers lang ang pag-uusapan dahil mas barubal sa saudi at sa china na pareho ko nang napuntahan.

    ReplyDelete
  6. pinakahayt ko ang no.8!! mahirap maghintay ah!!

    ReplyDelete
  7. Medyo guilty ako sa filipino time. Kaya I ain't hatin'. LOL. Ayoko nung traffic, usok at ingay ng Maynila. AYOKO! Bow.

    ReplyDelete
  8. chill lang pre :)
    hard to accept but we have to admit, tama mga sinabi mo. The reason I always choose not to buy a house in Manila.

    ReplyDelete
  9. oo nga ramdam ko yan dahil araw-araw akong nakikisalamuha dito, tapos "smoking-ban??" lang ya! kahit mag-smoking ban pa tayo eh "usok pa lang ng tambutso siguradong may cancer risk ka na"

    ReplyDelete
  10. I love what you guys are up too. Such clever work and reporting!
    Keep up the awesome works guys I've included you guys to my blogroll.

    Feel free to surf to my web blog ... dofollow edu backlinks

    ReplyDelete
  11. What a information of un-ambiguity and preserveness
    of valuable knowledge on the topic of unpredicted emotions.


    Check out my webpage :: rkmt.net

    ReplyDelete
  12. Very good blog post. I absolutely love this site.
    Keep it up!

    my web-site: hip hop beat making software

    ReplyDelete