Friday, June 3, 2011

Standing Next To Poverty


Nandito na ako sa bansang aking sinilangan, ang lugar kung saan maraming taong nakatayo sa "Bawal Ang Tao Dito" - lugar kung saan maraming tumatawid sa "Bawal Tumawid Dito Nakamamatay" at lugar kung saan madaming saleslady na naka stockings sabay high heels at full makeup.

Ngayon ko lang napagtanto na madali ka pala talagang mamatay dito sa Pilipinas dahil sa sistema ng gobyerno. Potaena ayoko talaga pag usapan ang gobyerno eh kase nakakaubos ng oras, para kang nag ubos ng oras sa pag hahantay ng mga sasakay sa dyip. Patigasan ng sikmura e, hanggat di puno ang dyip niya di siya aandar. Pagkatapos ng matinding pag hahantay na iyon ay ang pag hihintay sa trapik. Kung nilakad ko na lang sana nauna pa ako ng tatlong minuto. Kaya habang nag aantay sa trapik dito mo pwedeng gawin ang mga bagay na hindi mo magawa dahil baka ma late ka - kaya wag ka na magtaka kung may nangungulangot sa tabi mo - yung iba diyang walang manners pag katapos mangulangot pahid agad sa ilalim ng upuan, sa hawakan, sa dingding, sa likod mo, yung iba naman may pinag aral bibilugin muna saka pipitikin, pag sinuwerte ka sa iyo papunta yung pinitik niya.

Nakakapanibago - mahirap pala talaga mabuhay sa "Third World Country" nagkalat ang mga batang lansangan, asong ulol, gagong jeepney driver at mga sigang ipis. Kung susuwertehen ka dudukutan ka ng mga batang iyan, kakagatin ka ng asong ulol at wala kang laban kase pag pinatulan mo ang asong ulol mas ulol ka pa sa kanya yun nga lang loser ka may rabis ka na, ibababa ka ng jeepney driver sa kung saan ka niya gusto ibaba (kahit wala ka pa sa destinasyon mo) at hindi matatakot sa iyo ang mga ipis na yan. Sama na rin natin dito ang nagkalat na tae (pasintabi po sa mga tumatae este kumakain) sa kalye at kanal.

Kanina lamang e may dalawang babaeng gusgusin na sumakay ng dyip, ayaw sila isakay ng drayber sabi nung babae -" mag babayad kame koya anong akala mo samen walang pera?" sagot nung drayber "hindi ang babaho niyo e" hindi ko malaman kung matatawa ako o gusto ko sapakin tong drayber e, sariling kapwa niya e minamaliit niya. Sabagay mukha nga namang mabaho yung dalawang dalagitang bungal na iyon. Pinilit pa rin nilang sumakay - maharot silang dalawa kala mo mga nakatira ng rugby. Habang umaandar yung dyip pinag mamasdan ko sila - yung isa nakatingin sa malayo habang nililipad ang buhok na parang alambre na sa tigas, kung sinuswerte e lumilipad din ang mga kuto nun, nagugulo ang kuto kingdom habang mabilis ang pagtakbo ng dyip. Habang pinag mamasdan kong maigi yung buhok nung babae kung may nalipad ngang kuto sumigaw yung kasama niya - "Si koya o tinititigan ka, may gusto ka koya sa kaibigan ko no - birgin pa yan koya! sabay tawa ng malakas, nakita ko tuloy ang bungi niyang ipin. Ngumiti lang ako at pinakitaan ko ng pacute tekniks. Kinilig ata ang bruha - kinindatan ako pabalik. Ay potsa mama para. Bago ako bumaba - nakita ko ang tsinelas niyang magka ibang pares, nadurog ang puso ko.

- - -
"Announcement of winner ng Whatever Ten 2011 up next"

*If you like this post share it on FB*

49 comments:

  1. iba ang kamandag ni paps!!!

    ReplyDelete
  2. @en: oo - mas madaming attracted na rugby girls sakin kesa sa mga hot chicks

    ReplyDelete
  3. welCum back pare.. at syempre, kakarating mo lang, pabling mode na agad! at pati si ate di mo pinalampas...hahaha...

    ReplyDelete
  4. Hahahaha! Kamusta naman ang kuto kingdom, napatigil lalo dahil sa titig mo!

    Hello nga pala!

    ReplyDelete
  5. pacute talaga ha!!kung sa akin ka nalang mag pacute?! hahaha! may twitter ka ba? add me @iyakhin

    ReplyDelete
  6. aaawww... kwento ng totoong buhay

    ReplyDelete
  7. Welcome back sa Pinas. Typical na buhay maynila yan. Haha. Di ka na lang sanay at matagal ka nawala.

    ReplyDelete
  8. aba nasa pinas! pasalubong papi. Ang wish ko lang sana maging blogger of the month din ako ahahhaha

    INgats!

    ReplyDelete
  9. @soon: yep, meron yung isang lisa kingdom

    ReplyDelete
  10. @iya: pasensiya na po wala po tayong twitter- kulang kase sa space diyan eee

    ReplyDelete
  11. @ate: salamat ate paul welcome home dinn

    ReplyDelete
  12. @shena: oo nga e... saka nako yung mga bata - tawid ng tawid kahet sannnnn

    ReplyDelete
  13. @yow: unti unti na ulit akong nasasanay yowww

    ReplyDelete
  14. welcome back paps. bakasyon mode ka ba dito o balik na for good?

    ehehe. iba ang dating mo sa chikas na kasama mo sa jipney. lols.

    ReplyDelete
  15. @khanto: mga 2 years dito na muna ako. :) oi si mhyksss

    ReplyDelete
  16. HAHAHAHA! (^O^)
    STEG. MAY TAO PALANG GANON.
    NAKAKATAKOT NA NAKAKATAWA NA NAKAKAINIS. HAHAHA.
    HAY GRABE,ADIK. XD


    KYOT NA KYOT YUNG KANTA SA BLOG. (^O^)

    ReplyDelete
  17. :)
    nyaha laftrip pero tumatagos mga sinabi mo..
    I will probably become a regular visitor.

    :))

    ReplyDelete
  18. @popsy: salamat popsy, magkatunog minsan ang pangalan natin tinatawag din nila akong papsi

    ReplyDelete
  19. Two (fucking) years ikamo? Alay katagal. Sana, diretso na muna sa citizenship bago ka magbakasyon nang matagalan.

    Tagal kong di nakabisita dito sa blog mo. Nagdi-direk kasi ako ngayon dito ng 2 TV shows: isang Hiphop (sayawang katakut-takot ito - kuto, ehge, HANIP pala sa galing ang mga kabataan. Bumata rin tuloy ako ng 20 years. He-he); at saka isang English drama for Filipino audience.

    Btw, saan ba ako puwedeng mag-download ng MAINIT NA TUBIG? Gusto kong masampulan ang acting mo ;)

    ReplyDelete
  20. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  21. haha oo nga, napansin ko nga eh..
    dapat kc nicsy, kaso nakikibasa ng blog ko ung mga kamaganak ko lol
    had to change everything!

    anyways, thanks for dropping by in my blog!
    :))

    ReplyDelete
  22. may mga bagay talagang s pinas lang meron.at yan ang mga hinahanap-hnp natin kapag tayo's nasa ibang bansa. pero kapag nasa pinas naman na, 'di na natin pinapansin!

    ReplyDelete
  23. Divgun singh sethi (wew hirap itype!) kala mo naman naintindihan nya ung mga post! lol

    ReplyDelete
  24. @cool canadian: kailangan ko na kase bumalik sa school, tumatanda na akong walang diploma. lol. wow astig na ikaw ah. nag dididrek huwawww. welcome back po sa kablogstugan!

    ReplyDelete
  25. @popsy: walang anuman po, and welcome to kablogstugan

    ReplyDelete
  26. @nobenta: oo nga nakakapanibago eee

    ReplyDelete
  27. @popsy: oo nga e. pero malay natin. lol

    ReplyDelete
  28. oi paps umuwi ka na pala...yipeee!

    welcome to the pelepens! yan ang pangbungad bati ng mga sigang ipis..hehehe

    ReplyDelete
  29. tabian: salamat.... okay na sakin ang bumati ang mga ipis wag lang ang mga saleslady- pili lang sirrrr

    ReplyDelete
  30. ahahaah kaya pala pabling. gets gets hehehe. pati dugyot ginamitan ng charm. makatunaw panty. yeah!

    ReplyDelete
  31. Paps nasa Pinas ka na pala! Tawagan mo lang kami kung kailangan mo ng kainuman LOL

    ReplyDelete
  32. Pare high heels suot ng mga saleslady. Haha! Ndi high hills

    ReplyDelete
  33. wow ayos tong blog mo! 40 comments! naks..haha :) ifafollow kita ha? view mo blog ko, it might interest you!

    ReplyDelete
  34. @anonymous: oo nga ano. hahahaha.. di kase ako nag gaganyoon.... salamat pare

    ReplyDelete
  35. @galita ko: actually half lang nyan kase ako ung half lol

    ReplyDelete
  36. Tangina. Nadurog din yata puso ko paps.

    ReplyDelete
  37. It hurts but this is the true common Manila street scene.

    ReplyDelete
  38. hahaha napaka realistic ng post mo na to :-0

    ReplyDelete
  39. Great and that i have a dandy provide: Where To Start With Whole House Renovation home addition contractors near me

    ReplyDelete