Tuesday, June 14, 2011

FISH VERSUS DOGS

10:48pm
6.14.11
Habang sinusulat ko ito may grupo ng mga hindi malalayang aso ang nag tatahulan sa labas, may nakatali,may naka kulong, sakto din naman ang pag text ng housemate ko na pag lumayas daw ang mga kapitbahay dadalhin niya daw ako sa Disneyland. Sinagot ko lang ng "Okay lang na lumayas sila basta isama nila mga aso nila". Ewan ko ba, noon may pagkahilig ako sa aso pero ngayon wala na yata - simula ng ma encounter ko ang grupo ng mga asong ito, ewan ko kung mga ulol e, pano kase tuwing umaga nag papalakasan sila ng tahol parang mga aso, hindi ata nila alam na natutulog pa si Pablong Pabling. Kung sino man siya - naiistorbo siya. Actually 10:48 pm pa lang - hindi pa dapat sila nag tatahulan, may time slot sila from 6 to 9 am dapat ang tahulan nila pero what the heck iniinvade na rin nila ang slot ng primetime. Pero sila rin ang kawawa - mauubusan sila ng tahol sa regular tahol time nila bukas ng umaga.
Sa palagay ko mali ang sinabi ko noon na it's okay to eat fish they don't have feelings , binabawi ko na. Sa totoong buhay mas masarap mag alaga ng mga isda - hindi okay kainin ang fish mas okay silang alagaan. Dapat it's okay to eat dog cause they're noisy paking bitch. Bakit masarap alagaan ang mga isda?
Una - dahil nasa tubig sila wala kang maririnig na ingay, di tulad ng aso. nakopo.
Pangalawa - hindi mo kailangan linisin ang tae nila mag hire ka lang ng janitor fish
kakainin nya yung mga tae ng among fish. May mga tamad na janitor fish so hire a good one - and importante i check mabuti ang resume ng iha-hire, and do background check.
You don't want to spend money from somebody who's not doing anything. Naging theme song na ng janitor na yan araw araw ang Lazy Song ni kumpareng Bruno Mars.
"Today I swear I'm not doing anything, I just want to stick in my wall, dont feel like eating my amo's poop so leave your poop at the floor, cause today I swear I'm not doing anything, nothing at all" Pipito pa yan. You're fired dude.
Pangatlo - hindi mo kailangan linisin ang ihi nila kase di mo alam kung umihi sila
Pang apat- hindi mo malalaman kung gutom sila, kase wala silang reklamo at facial expression
kung gutom sila - mapabusog o gutom same lang mukha nila.
Ngayon nasa sa iyo na yun kung maaalala mo silang pakainin.
Pang lima- its okay not to pet them cause they dont have feelings, they dont even care about you actually, so you don't have to care about them too. Walang pansinan kumbaga.
I kwento ko lang saglit yung kapitbahay kong kumain ng anim na balot- nilagay lang sa mangkok- namatay agad. So iniisip kong hagisan ng tig aanim na balot tong mga asong to. Pero masamang pumatay - kaya tiis tiis na lang muna.
Saka papa Jesus - totoo po ba na all dogs go to heaven? Please papa Jesus mag isip isip tayong konti dito - sana all fish go to heaven na lang.
Napalayo na ata ang gusto kong i-topic ngayon - napunta na sa aso at isda letse. Gusto ko sana i kwento ang sari't saring emosyon ko sa pag babalik ko sa Pinas pero saka na lang,hindi naman importante yun, sa totoo gusto kong maluha sa mga oras na ito, at who cares ba mas importante tong usapang aso at fish na to at isa pa wala na po tayong oras. At saka congatulations kay (insert drum roll here) - tama ang hinula niya -number 5 ang kwentong barbero. Ang short ko ay hindi 300 dahil kung 30 ang bilang ko sa 100x3 hindi ako mashoshort ng 300 kundi $270 lang. Congrats isa kang tunay na kablogstugan henyo. Panalo ka katugang Marvin. Panalo ka ng isang tumatagingting na ka-blogs-tugan shirt.

30 comments:

  1. here fishy fishy! ayoko ng fish walang interaction, eesnabin ka lang..

    dapat kasi may paskil sa tabi ng aso "SILENCE PLEASE"..hehe

    ReplyDelete
  2. Oo nga napaka-walang emosyon ng isda. Tulog, gising, buhay, patay, pare-pareho lang ang mukha. May kaluluwa kaya sila?

    ReplyDelete
  3. @tabian: subukan natin yan, o kaya sulat ako ng noisy sa papel

    ReplyDelete
  4. try mo kayang pakawalan isa isa? they only want their freedom you know!

    lol
    yan ang trip ko gawin ngayon sa aso ng kapitbahay namin eh..ingay! Pagnagising lola ko sa ingay nila! sows patay ako..haha pagagalitan ako kung bakit gisisng pa kooo! lol

    ReplyDelete
  5. btw 3am na ngaun..mali naman ang time stamp ng comment ko Papsi!

    ReplyDelete
  6. betsinin mo yung mga aso o kaya chocolate (sa tuta lang pala epektib un).

    hehehe. grabe lang yung janitor pis na kumakanta pa ng lazy song. lols. sibakin na sa trabaho :p

    ReplyDelete
  7. at least ang isda laging gising, walang makakapasok na magnanakaw- sa aquarium nila, gudlak nlang sa bahay mo

    ReplyDelete
  8. Haha. Nagiging themed blog na to ah? Puro kahayupan. Baboy, aso, isda. What's next? Haha

    Sayang. Mali pala ako, dapat pala ginagamitan ng critical thinking. Hihihi.

    ReplyDelete
  9. alam ko kapag gutom na ang fish ngumanganga sila eh . hahahaha.

    ReplyDelete
  10. parang naging mainitin ulo mo dito sa pinas paps ah! hehehe... chill lang :P

    buti ung aso ng kapitbahay namin deds na! bwahahahaha!

    ReplyDelete
  11. mahirap mag-alaga ng isda kasi 'di mo alam kung natutulog ba sila o hindi. laging nakamulat. mamaya adik pa sila. mahal magtustos ng pang-droga.

    wala lang. parang adik lang. \m/

    ReplyDelete
  12. @popsy: naman wala naman ako karapatan magpakawala ng mga asong ire- so 4am ngayon nagising ako dahil sa mga tahol ng asol

    ReplyDelete
  13. @khanto: tama. sibakin na yang tamad na yan.

    ReplyDelete
  14. @anonymous: wala din namang silbi ang mga asong - nakatali at nakakulong.

    ReplyDelete
  15. @yow: ahahaha. oo pre kailangan nun.. oo nga e nagiging hayup na akp. hayupp

    ReplyDelete
  16. @soon: depende kung gusto mo sila pa ihiin. isipin mo na lang umiihi sila, pero wag mong isipin na liquid ang ihi nila - kase dapat parang utut natin un - dapat pag umihi sila may mangyayarit mangyayari - nakikita mo yung mga bula? un yung ihi nila

    ReplyDelete
  17. @kikilabotz: hindi rin ahhh.. may mga fish na taglibog lang kaya naka nganga

    ReplyDelete
  18. @chilax: hindi naman... medyo nga siguro nakakainisssss kase eeeee

    ReplyDelete
  19. @nobenta: gusto ko mag lumpasay sa kakatawa sa comment mo..... tama mahal mag tustos ng adik - pero okay na yan tahimik naman tong mga adik na to

    ReplyDelete
  20. Bakit kaya yung aso namin kapag tinatalon yung tao kumakapit sa binti, parang nakayakap. kakaiba yun eh. sira ulo yata.
    maganda nga yung isada alagaan kaso takot ako sa isda. >:D

    ReplyDelete
  21. idol pashare. post ko lang sa fb wall ko. thanks.

    ReplyDelete
  22. @jae: mapagmahal lang yung aso niyo, ikaw naman... sabagay nakakatakot nga din talaga ang mga isda, tititigan ka...

    ReplyDelete
  23. @reyney: sige lang brad. walang problemaaaaa

    ReplyDelete
  24. hahaha kahit nga ako nagsisis why i choose dog over the fish... nauto kasi akong they are man's best friend... may best friend bang nangangagat pati amo.. shit....

    ReplyDelete
  25. wew... mas okie naman na ung fish...kht walang reaction,. kesa nmn sa aso.. kht di need mag react nag rereact :))... pasawai na aso ^^

    ReplyDelete
  26. @anonymous: hello anonymoues welcome sa ka blogs taugan.

    ReplyDelete
  27. ANG GUSTO MU TALAGA HUMADA!!!!!!!
    WALANG KWENTANG BLOG!!!!!

    HARDYLAINE NG PEXBALL

    http://pinoyexchange.com/forums/forumdisplay.php?f=74

    ReplyDelete