Friday, February 4, 2011

SA ARAW NG MGA PUSO

Sa darating na araw ng mga puso kahit nag iisa ako, paliligayahin ko na lang ang sarili ko. Eh ano naman ang gusto mo? Pilitin ko ang sarili kong magmahal ng taong hindi ko naman gusto. Iba kasi ang kamandag ko e, kumbaga hindi ako nag mamahal ng taong gusto ko lang, ang minamahal ko yung gustong gustong gusto ko. Kaya pag nag mahal ako, hindi ko lang mahal kundi mahal na mahal na mahal na mahal ko.

Nagkaroon na ako ng ex na ubod ng yaman. Kung maliitin ako ng magulang dahil ayaw sa akin eh para akong daga na nawalan ng salawal. "Hoy iho, anong kaya mong ipakain sa anak ko?" Ah eh Betlogs po. At kung tingnan ako mula ulo hanggang paa, parang gusto ko na lang maging lobo bigla, yung tipong ah okay nakita mo na ako pwede mo na tanggalin ang pagkakabuhol para lumipad na ako at mawala, o di kaya e paki tusok mo na lang ako ng karayom please as in now na.

Ex ko: Babes bakit pakiramdam ko, parang minsan ang taas taas ng love mo sa akin, minsan naman ang baba baba, parang di mo ako love.
Paps: Babes naman, tanging ang brief at panty lang ang tumataas baba, ang love ko sa iyo parang bra laging nasa taas. Matulog na nga tayo, kung ano ano kaseng iniisip mo eh.

Nakaka miss, ang mga panahon na mayrong nag mamahal sa iyo, may nagaalaga sa iyo. Yung tipong dadalhan ka ng meryenda sa trabaho o sa eskwela. Yung may mag tetext sa iyo ng "I miss you pa kiss nga mwah tsup tsup tsup" At lalong nakaka miss yung puyat na puyat ka sa gabi dahil kausap mo siya sa telepono, tapos kinaumagahan kasama mo rin naman siya.

Masarap maging in love, dahil masarap mag mahal. O yes. Hindi lang kayo ang singol mga katuga, pati ang inyong lingkod sa darating na araw ng mga puso ay sablay din. Hindi na bale mag iipon na lang tayo ng pera para naman kung dumating na ang taong mag mamahal sa atin e hindi lang panay facebook account ang mayron tayo, kundi maraming maraming bank accounts.

56 comments:

  1. single ka na paps?kailan pa?tagal mong nawala welcome back!

    ReplyDelete
  2. "..Paps: Babes naman, tanging ang brief at panty lang ang tumataas baba, ang love ko sa iyo parang bra laging nasa taas. Matulog na nga tayo, kung ano ano kaseng iniisip mo eh.." ---like!hehe parang facebook lang ..=)

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. ok yan ser.. good vibes lang parati, may date man o wala..

    ReplyDelete
  5. yon nag dapat kailangan madaming account di lang face book account para pag dumating na ang mamahalin madaming uubusin

    ReplyDelete
  6. Babes ang tawagan ninyo? Hehehe kyot.

    ReplyDelete
  7. nawala yung babes mo? ang sweet pa ninyo based sa naisusulat mo sa mga previous posts mo. di bale, magiging oks naman ang lahat.

    ReplyDelete
  8. hahahaha...aus! oks lng yan paps dame pa jan, sa ngaun, tama ipon ka nlang muna para pag may nanginsulto uli sau, isampal mo sa kanila ung pera mo! :D

    ReplyDelete
  9. Kung umibig ka pala ay sing lalim lang ng black hole.

    Hindi bale, hanggat walang shortage ng babae sa mundo, may chance ka pa.

    Hopefully, next valentines day, may kalaro ka na.

    ReplyDelete
  10. magpawanted ka ser, for temporary lang...kumbaga pang balentyns lang...hehe
    am a fan of your kulto! :)

    ReplyDelete
  11. kakalungkot naman Paps. feel ko tuloy magiging single din ako ngayong balemtayms. war kasi. pero okay lang, maganda naman ako.

    bat di mo try sa piling ko, papa paps? hahaha

    ReplyDelete
  12. Mabuhay ang SMP! Samahan ng Malalamig ang Pebrero. Pwede rin naman Single at Maligaya ang Puso.

    ReplyDelete
  13. sabi nila pag may nawala, mas higit pa un kapalit nun.

    im hoping for someone greater to come, hope for you too.

    im fortunate na i have wonderful friends that i can share my valentine with, for sure you have the same friends too.

    -emo reply.haha! nakarelate aq sa post mo. thanks!=)

    ReplyDelete
  14. aba ayos, nakita ko din sa ibabaw ng list ko ito.. maligyang pagbabalik sir. dito sa atin, may pasok sa v-day.. kaya ok lang hehehe. :)

    ReplyDelete
  15. yey! may post ka ulit,,,singleness is a gift,,,i pray na dumating din ung girl na para sayo,,,alam mo ba na pag dumating na siya, hindi na siya mawawala? :)

    para sa lahat ng single ngayong araw ng mga puso, cheers!!!

    -yna

    ReplyDelete
  16. IKAW NA! Ang pinaka-gwapong single dito sa blogosphere. *bow*

    I swear, maraming magkakandarapa na maging date mo sa Valentines after they read this. Kaya lang ang problema, BRA lang isusuot nila XD

    ReplyDelete
  17. mister boombastic rumantik! di bale kapag mayaman kana, lalong gugwapo ka. humnda ang mga tsiks!

    ReplyDelete
  18. TAMA! Bright side na lang. It's effin good to be singgol. Haha. Madaming nakakamiss sa syota pero magkakaroon ka ulit niyan, take time for yourself na lang muna.

    ReplyDelete
  19. @superjaid: di ko makonek ung sinabi ko sa prang facebooklang

    ReplyDelete
  20. @reina: opo in search ang inyong lingkod

    ReplyDelete
  21. @neneng: ngayon ka lang ata napadpad dito. welcome po sa kbt

    ReplyDelete
  22. @diamond: ubusin? kaw naman. ipunin na lang

    ReplyDelete
  23. @khanto: i know right. sinayang nya lang ako. lols

    ReplyDelete
  24. @chilax: hindi ako nanampal ng pera, kwan ko lang

    ReplyDelete
  25. @tabiann: papa wanted ka pa ba kung may pick up naman. lols

    ReplyDelete
  26. @echos: parang feeling naging single ka dahil single ako. bat ganun. lols kapal ko

    ReplyDelete
  27. @justin: ang talino mo pre... pebrero

    ReplyDelete
  28. @lhay: hahaha. nag emo ka naman diyan... yah ako wala pang plano sa valentines

    ReplyDelete
  29. @istambay: ganon may pasok sa valentines day. boring

    ReplyDelete
  30. @poot: hindi problema un pre. . . maganda nga un e. bra lang wuhoooo. kahet wala ng bra bra ok lng sakin

    ReplyDelete
  31. @super: gwapo na ako eh. ung yaman na lang

    ReplyDelete
  32. @yow: oo pre buntis na nga palad ko e

    ReplyDelete
  33. pare mas nakakamiss maging single.. pramis.. pag kinasal ka na, masasabi mo yan.. huhuhu..=(

    rammamadra.blogspot.com

    ReplyDelete
  34. Nainspired naman ako sau paps, nawawalan nako ng gana sa work ko e pero sb mo kelangan magpayaman para hindi puro fb account lang...

    ReplyDelete
  35. happy independence day pala paps! hihi, parepareho lang tayo. haha.

    ReplyDelete
  36. @ram: pre mukhang hindi maganda ang lovelife mo ah

    ReplyDelete
  37. @manong pepe: wag ka mawalan ng pag asa pre, hindi lahat may trabaho

    ReplyDelete
  38. @keso: haha independence day, yup independent tayo ngayon

    ReplyDelete
  39. joke lang.. masaya ako sa lovelife ko pero siyempre nakakamiss pa rin yung paminsan-minsang makipagflirt.. kaso di na nga pwede.. kasal na ko.. lab ko asawa ko!

    ReplyDelete
  40. masaya my kadate sa valentine's day. Pero wala nang mas sasaya pa kung kayo pa rin after that day.. Feels like hell! Nagdate nga kayo sa araw ng mga puso, sobrang hapy nyo at feeling nyo wla ng ktpusan ang hapiness na un..then,aftr 2 or 3days, aun, katapusan na ng mundo nyo.dahil lang sa nakwento mo ung past mo na dapat hindi na lang pero hnd mo kayang maglie kasi sakanya.. Darn! My world ends here.. *bitter*

    ReplyDelete
  41. hetz gusto ko yung banat na yun..

    ReplyDelete
  42. ram: hahaha...alin ang banat jan?? *slow* hahahahhahaha

    ReplyDelete
  43. ok yung daga na nawalan ng salawal. ahaha.. top10 rejection lines ng mga kababaihan from my blog. related dito. :-) http://where-there-is-love.blogspot.com/2011/02/top-10-rejection-lines-given-by-women.html

    i really admire you. new bloggers like me should follow your steps.

    ReplyDelete