Hindi ko lubos maisip kung paano ang gagawin ko kapag buwan buwan akong kailangan maglagay ng pads sa brief ko - yung pads ba yung pang salo ng kulay pula na likido na lumalabas sa kwan ng hindi nila mapigil pigil. At saka isipin mo na lang pupunta ako sa suking tindahan -
Paps: Pagbilan.
Tindero: Ano yon?
Paps: Whisper with wings.
Tindero: Bakit meron ka ngayon.
Paps: Diyahe - pero meron pre eh.
O di naman kaya, kung nasa eskwela ka at hindi mo alam na magkakaroon ka.
Klasmeyt: Pre, may extra ka ba diyang pads.
Paps: Pre, meron din ako ngayon e. Isa na lang reserba ko.
Klasmeyt: Pahiram muna pre - baka tagusan ako e.
Paps: Eh kung ako naman tagusan, sapakan na lang pre.
Klasmeyt: Relax paps - nag tatanong lang.
Paps: Pasensiya na tol, meron lang ako ngayon.
Isipin mo na lang din kung saan lalabas yung kulay pulang yun sa amin.- Ewww.
Isa pa - hindi ko rin maisip, kung anong gagawin ko sa dalawang malalaking papaya na nasa dibdib ko kung sakaling meron ako nun. Panong gagawin ko kapag hindi pantay yung dalawang yun. Hindi siguro ako makakatulog sa kakaisip- kung paano ako matutulog ng nakadapa.
Isipin mo na lang kung ang mga lalake may boobs- nag babasketball sina Kobe Bryant - bunguan ng bunguan mga boobs. O isipin mo na lang si Manny Pacquiao - maga na boobs kakasuntok ng kalaban.
Bakit masarap maging lalake? Simple lang - hindi kami nagkakamens buwan buwan, hindi namin kailangan mag bra araw araw, magtali ng buhok, maglagay ng kung anong anong chemical sa mukha at balat, mag shave ng kung ano anong buhok sa kung saan saang lupalop ng daigdig, hindi namin kailangan mag dala ng bola sa tiyan ng siyam na buwan at ang pinakamasarap kung bakit masarap maging lalaki ay hindi namin kailangan bumukaka at mag-umiyak sa kama kapag nanganganak.
Mahirap din ang papel ng pagiging babae kapag nag asawa ka na. Biruin mo yun ikaw ang naka toka sa pagluluto ng pagkain ng asawat anak mo, ikaw ang mag lalaba ng damit ng asawat anak mo at higit sa lahat ang pinaka masaya ikaw ang naka toka sa pag lilinis ng bahay- Habang kaming mga lalaki ay naka upo, nanonood ng telebisyon at nagkakape. "Babes, pag timpla mo naman ako ng kape" "Ay pota naman o - ang pait ng kape mo"
Mga pareko'y naiisip niyo na ba kung bakit masarap maging lalake? Kaya tayong mga lalaki itanim natin sa ating isip na "dapat ang mga babae - hindi yan sinasaktan kundi minamahal"
*last year pa pala ako huling nag post busy po pasensiya na - salamat sa lahat ng nag e-mail, nag message na mag post na ako ulit - heto na babalik na ako ulit.
Parekoy pabs, ngayon lang po kayo naabutan.. galing ng inyong mga gawa at akoy napahangan.. medyo matagal tagal din kayo nawala.. cchhheeerrrzz parekoy
ReplyDeletewew.. yesh!!! nagpost na ulit si pabling!! ayiiiee... avid reader mo na ako paps! hakhak! tc ^_^
ReplyDelete@ISTAMBAY: SALAMAT SALAMAT. OO parekoy nag babalik loob na ako sa pag susulat.
ReplyDelete@hetz: salamat sa iyo.... wuhoo. sana nagustuhan mo
ReplyDeleteMasarap ba ang magiging lalake, Papa Paps? Bat di ko naeenjoy ang pagiging lalake ko? Ang alam ko lang eh MASARAP ANG MGA LALAKE.
ReplyDeleteEchoserita's latest blog post: Mata, Boses, at Tenga
At nagbalik ang Ka-Blogs-Tugan mo. Welcome back.
ReplyDeleteButi naman at naupdate na tong blog mo after how many years. hehe :)
yup nagustuhan ko naman po hahahahaha... nkakatawa na nkakaiyak na nkakabaliw na ewan.. nkakapraning paps! hak!
ReplyDeletepaps welkam back! Sulat ng sulat and happy new year pala!
ReplyDeleteMasarap kasi kahit maglandi ako ng maglandi...
ReplyDelete...hind ako mabubuntis. Choz!
Mapalalaki or dating lalaki, masarap ang hindi nireregla! Tuli lang ata ang pinakamasakit nating madadaanan sa buhay natin, e minsan may anesthesia pa.
ReplyDeletewelcome back sir paps.
ReplyDeletetama ka... mahirap isipin na nagbabasketball ang mga lalaki na tumatalbog ang mga papaya, melon, upo, kalabasa. hehehe.
weee... ang saya lang nito.. oo naman masaya ang buhay lalaki... walang iniisip na may wings...
ReplyDeletenatuwa naman ako sa post mo,,,nasa work ako bigla akong napatawa ng magisa sa cubicle ko,,,haha! keep on writing,,,sana mas madalas, pretty please?
ReplyDeleteyou write really good,,,malalim yet nakakatawa,
God bless you more,,,Happy new year Pablo :)
sa lahat.. ito ang pinaka-gusto kong post sa 2011. magandang pagmumuni-muni yan pabs. Sana tuloy-tuloy yan at sana maisip din yan ng ibang mga lalake hehehehe
ReplyDeletenamiss kita paps..welcome back!=)
ReplyDeletei must say na ayoko ang mga parteng yan ng pagiging babae pero magkaganun pa man eh masaya ako dahil naging babae ako..^^
"dapat ang mga babae - hindi yan sinasaktan kundi minamahal"
ReplyDeletehaha dapat lang!
@echos- hahaha. tama tulad ko masarap. lols
ReplyDelete@james: yeh last year ago. hahaha
ReplyDelete@hetz: salamat sa iyong pag suporta
ReplyDelete@jepoy: salamat parekoy... ikaw din sulat ka pa rin ng sulat hahaha
ReplyDelete@ms. chuniverse. hahaha nadali mo
ReplyDelete@will: tuli isang beses lang tapos tapos na
ReplyDelete@khanto:hahaha. helo musta men wuhoo
ReplyDelete@kikomaxxx: yup minsan w/o wings
ReplyDelete@yna: salamat sa encouragement....
ReplyDelete@klet: salamat . . mahaba haba pa ang 2011. .salamat salamat salamat
ReplyDelete@superjaid: ano nalaman mo na kung gano kairap ang pagiging babae hahaha. . . kaya lika na pa opera na kayo mga girls
ReplyDelete@neneng: siempreeee
ReplyDeletepanalo yung last line :)wish ko lang isang araw maexperience niyo yan..hahaha peace
ReplyDeleteweebee :D
HAHA. Tama yan pre. Ang mga babae minamahal at hindi sinasaktan.
ReplyDeletePero dyahe nga kapag babae ka kasi you really have to do all these stuffs. Hay.
hahaha solb na solb ako sa entry mo..naibsan ang lungkot sa di mo matagal na pagsulat..hehehe
ReplyDeletetol papz!!! welcome back po!!!
tuloy tuloy na sana pagpopost mo!!! happy new year!
wow welcome back parekoy! sa wakas after more than 2 months natuwa uli ako pagbukas ng blog mo...hehehe..araw araw ko kaya chinicheck to kung may update..hehe...
ReplyDeletebaka naman kaya ka di nakakaupdate dahil marami ka chikas ngaun..lol! ingat lage!
Ang pinakamasarap na parte ng pagiging lalaki: walang pila sa CR ahahahaha! Sa mga babae meron lagi...
ReplyDelete@hartless: wag na yung pagtulog lang ng nakadapa ang hirap isipin
ReplyDelete@ppot: yup kaya swerte talaga tayo
ReplyDelete@rico: salamat. congrats din pala sa nominasyon mo
ReplyDelete@chilax: nakaparekoy. sobrang busy sa buhay
ReplyDelete@glentot: natumbok mo
ReplyDeleteoi papz salamat..boto mo ko ha..wassup na sa u.s of A? hehehe
ReplyDeletehahaha... ang galing talaga!!! padaan lng pabs... hehehe
ReplyDeleteMasarap din maging lalake kasi pwede kahit saan at kahit ano pang gawin ayos lang walang "poise" na kailangang isipin... hehehehhehe... Isama na ang di pa rin halata kahit di na virgin... lol
ReplyDeletedear Papz... this post made me sad... may pagka gender biased. hindi ko na pahahabain to baka kung ano masabi ko....
ReplyDeletei love the last line though... redeeming factor ng post...
i miss you!!!
mahihirap maging lalaki, ikaw lagi taya sa date hehe nang gulo ng
ReplyDeletesan mo ba naiisip na lalabas un mens ng lalake kung sakali???LOL
ReplyDeletepaps, kamusta? may update ka pala.
ReplyDeletepatas na lang ang babae at lalaki ngayon. pinaglalaban na nila ang pagkakapantay ng karapatan. pero masarap pa rin maging lalake, kahit minsan katawan lang natin ang gusto nila.
i like you (: paps!
ReplyDelete@rico: meron pa ba
ReplyDelete@prench: sige daan lang ng daan. wag mo lang akong tatapakan
ReplyDelete@xpro: oo, walang makakalam kung virgin ka pa o hindoi. pero wala naman paki ang mga bbae sa virginity ng lalake
ReplyDelete@yj: hayaan mo babawi ako sa kabilang panig.
ReplyDelete@abou: hindi naman yata makatwiran iyon.
ReplyDelete@mac: sa pwet o sa dulo ng kwan
ReplyDelete@balentong: tamaaa.katawan lang natin ang habol nila
ReplyDelete@enjay: *blushes*
ReplyDeletenakakatawa naman blog mo saka ang galing ng tagalog.
ReplyDeleteako latest follower mo. sana pakibisita/follow din ang bagong blog ko kung ok lang.
http://momdaughterreviews.blogspot.com/
the best!!!! hahaha... astig pre! ahmmm... teka tinagusan yata ako. ahaha..
ReplyDeleteprobably,this is one of my favorite LOL>..cool at astig..
ReplyDelete