Thursday, April 15, 2010

Ro. . .ro . .ro..t (Aw)

"Ngayon lang ako naka online kakatapos lang ng rotation brownout dito e"
-galing sa kapatid ko (Caloocan)

"Bebe ko maya maya di na ako makaka online kase may rotation brownout 6-6 pa naman yun"
-galing sa bebe ko (La Union)

"Syet nakakainis di ko na save yung ginagawa kong layout nakalimutan ko may rotation brownout"
-galing sa kaibigan ko (Valenzuela)

"Punta kami SM mamaya may rotation brownout dito e"
-galing sa kaibigan ko (Maynila)

Ano na ba ang nangyari sa Pilipinas at may pa roterotation brownout na? Parang hindi ka cool kapag hindi ka nakaka ranas ng rotation brownout. Palagay ko nga tinataguan lang ako ng mga ito para hindi ako makausap e. Pwedeng pwede nang pang excuse ang "rotation brownout" sa maraming bagay.

Nanay: Bakit di ka nagsaing?
Anak: Nay rotation brownout (kahet hindi naman)
- - - -
Tatay: Nagawa mo na ba mga pinapatype ko sa iyo
Anak: Tay rotation - (kahet nag FB at Dota ka maghapon)
- - - -
Tatay at Nanay: Bagsak na naman mga grades mo! Uulit ka na naman next sem!
Anak: Tay Nay Rot rot....(may lumilipad na pinggan papalapit sa muka niya) SAPUL!

Sa tingin ko dapat walang rotation brownout dahil may negative effect din ito sa bansa natin. Dahil pag mainit, madilim, walang magawa dumadami ang mga bata. Parang bugtong dalawa ang pumasok tatlo ang lumabas.

Sabi ng katuga nating si YJ mabuti na lang daw at wala ako sa Pilipinas dahil kung nandoon daw ako e mas "hot" ang Pilipinas. Lols

21 comments:

  1. Natawa ako dun sa na sapul ng pinggan LOL

    Ganito kasi yan tutoy, ayon sa national grid ng pilipinas maraming power plant ang nag kaka problem dahil sa El Nino ngayon yung mga natitirang plant hindi kayang mag produce ng power para sa lahat, kaya para maka save nag kakaroon ng rotational power outage sa kung saan saang lugar. I pag pray mo nalang kay Papa Jesus na tulungan ang lupang hinirang para hindi lumala ang sitwasyon kasi you know it's kinda hot na here.

    kthanksbye

    ReplyDelete
  2. jepoy: natawa ako sa kthanksbye.. iisip ako solusyon para hindi nauminit sa pilipinas

    ReplyDelete
  3. Nagmama-engineer na naman si Jipoy Pikpik. Sya kasi ang dahilan ng pag-init ng Pilipinas.

    ReplyDelete
  4. @glentot: haha at dahil ba hot si jepoy kaya mainit sa pinas?

    ReplyDelete
  5. Dahil pag mainit, madilim, walang magawa dumadami ang mga bata.

    - so true... ahihi

    ReplyDelete
  6. hahaha... updated ka pabs kahit ala ka sa pinas ah. tama ka nga, may negative effect tlga ang rotating brownout... lumulobo ang population ng pinas.

    ReplyDelete
  7. Taga La Union pala bebe mo, ilokana ba?

    ReplyDelete
  8. @Nimrod: yes so true

    @phrench: korek. kase pag nandiyan ako gagawa din kami ni bebe ko ng kwan ice candy

    ReplyDelete
  9. @raymund: ilokana? hindi po ilokano po ako. loko lang hindi po ako taga La Union tubong caloocan po ako

    ReplyDelete
  10. ano pa bang bago e mula kay aquino hanggang kay arroyo e meron na yang pesteng rotation brownout na yan!...im sure isa ito sa mamanahin ng kung sino mang bagong mahahalal na presidente!...Kaasi met talaga ni Juan!

    ReplyDelete
  11. @vonfire: Kaasi nga talagah...

    ReplyDelete
  12. @vonfire: di ko alam ang rtation brownout dat i ko na experience

    @raymund: wala

    ReplyDelete
  13. nakakainis nga ang rotation brownout dapat wala yan

    ReplyDelete
  14. ewan ko sa mga tangang meralco. palagi na ngang may ganun. magdasal ka na sana may ganyan na rin diyan sa america para sila naman yung iisipan ka ng masama.

    ReplyDelete
  15. @caloy: ano naman kinalaman ng america

    ReplyDelete
  16. gumaganong banat si YJ? haha

    mag-cocomment sana ako ng deep at thought provoking at nakakaiyak kaso.. rotation brownout eh. lol

    ReplyDelete
  17. :D:D:D ahahaha aus kbadtrip talaga brwnout d2 kakapeste!

    ReplyDelete