Sunday, April 11, 2010

DOKTOR PO

Hindi ako naniniwala na kailangan nating magkaroon ng utang na loob sa magulang natin. Bakit? Dahil hindi ko naman hiniling sa kanila na mabuhay sa mundong ito. Ginusto nila magka-anak at magkaroon ng poging anak kaya responsibilidad na nilang palakihin tayo at pagkagastusan. Pero hindi ko naman sinasabi na kailangan maging walang hiya at bastos na tayo sa kanila. Saktuhan lang. Kaya nga sumusunod pa rin ako sa kanila ng gusto nila akong pag narsingin - pero ngayon susuway na ako.

Ilang beses ako tinanong noong bata ako kung anong trabaho ang gusto ko maging paglaki ko - ang sagot ko lang ay piloto ng eroplano sa kadahilanang gusto ko makasakay ng eroplano. Noong lumaki ako ay nawala na rin ang interes kong maging piloto. Pwede naman pala makasakay ng eroplano ng hindi kailangan maging piloto.

Marami na akong mga highschool classmate na nakatapos ng kolehiyo, ayun tambay na sila congrats mga parekoy. Yung iba e hindi pumapasa ng board exam (hello sa inyo). Pero ako eto pa rin hindi pa alam kung kelan matatapos -huminto na ako sa pag aaral noon dahil sa ilang mga bagay bagay. Ngayon e nakahinto na naman ako dahil sa Amerikang ito- hindi ko na talaga alam kung kelan ako matatapos dahil desidido na akong mag doktor (Surgeon). Hindi ko alam kung kaya ng utak ko ito alam ko lang e 75% ng utak ko e naglalaman ng tubig at ang natitirang 25% ay hangin. Kaya papa Jesus please naman o pwede niyo na po bawasan ang size ng etits ko dagdag niyo na lang ho sa utak ko, ay wag po pala - bawasan niyo na lang itlog ko useless naman ho iyon e.

Nung highschool e naalala ko lang nag aral kase ako sa christian school- sabi kase dun sa pinasukan kong eskwelahan e masama daw manood ng sine kase lugar daw iyon ng makasalanan - so ayun kaming mag kakaklase e takot na takot twing nanonood ng sine para kaming gumagawa ng kasalanan tuwing nanonood ng sine. Natawa lang ako sa babae naming klasmeyt -14 yrs old lang ata kami noon, nang paupo na kami sa upuan e sigeng salita at parinig ng "amoy sperm amoy sperm". Pano niya alam amoy?

Lugar ng makasalanan? Hindi ba si Papa Jesus ang inaabot ay mga makasalanan?

26 comments:

  1. Nice magduduktor ka pala Paps!Ikaw na!

    Tungkol sa sinehan na yan, hindi ko naman alam na may kalaswaan palang nagaganap dyan sa loob nyan. Napanood ko lang sa Imbestigador na kay lalaswa nga pala dun.

    Buti na lang sa Greenbelt ako nanonood!(mayemen!!)

    Ingat

    ReplyDelete
  2. Tama ka, sabi ni Papa Jesus sya'y naparito to SEEK and save the lost! Kapag ikaw ang sikat ng surgeon wag mong kakalimutan na once upon a time eh may naging ka tropa kang Jepoy at ibili mo me ng bagong accoustic guitar, pwede yung fender sakin hokey?! God Bless!

    ReplyDelete
  3. wahahaha,,...Med ang gf ko..hirap magdoctor noh...24-hour duty na siya ngayon at super kakapagod na daw...wala na nga time sa akin..T_T..but ok lang. Kaya, Tol kung gusto mo ng buhay na nakakaumay sa stress, hala mag-medicine ka. Hehehehe..peace.

    ReplyDelete
  4. wow ok yan paps.....follow your dreams....

    wag kang ganyan mamaya magising ka wala na nga yung egg mo..hehe
    di mo na mdadagdagan ang lahi mong gwapo..hehe

    justin...

    ReplyDelete
  5. hahaha... sige tuloy mo lng ang ambisyon mo paps.. alam ko marami kang mapapagaling... (laughter is the best medicine)..

    ReplyDelete
  6. Surgeon na pabling?...feel ko yun ha?!!

    eniwey, san bang sinehan na yan at makitambay na nga rin lol! :D

    ReplyDelete
  7. @drake: mas malibog kaya ang mayayaman. lols

    @jepoy: hahaha. nasan na ba ang gitara mo? im sure kayang kaya mo bumli kahet san dosena pang pinakamahal na gitara

    ReplyDelete
  8. @mjo: ano ba ito pwede ba palakasin mo na lang loob ko? hahaha.

    @justin: hahaha oh no. oo nga ayaw ko magising ao ala nang eggs

    ReplyDelete
  9. @phrench: ayan nakkalakas ng loob shalamat

    @vonfire: walang specific lahat may nangyayari

    ReplyDelete
  10. Sundin mo lang kung anong gusto mo tapos panindigan mo at wag mag back down...

    ReplyDelete
  11. Sige lang, sundin mo ang nasa puso mo... at panindigan mo na din...

    Ang nagtatagumpay ay di sumusuko...

    go! =)

    ReplyDelete
  12. Wow, interisado ka pa lang magdoctor... Ano yung mga reasons mo kung bakit?

    ReplyDelete
  13. haha. natawa naman ako dito. Saan ka mag-med nyan?

    ReplyDelete
  14. hahaha.
    goodluck sa Doctor dream... sana eh masimulan na sa madaling panahon.
    hahaha. nasa tao na yan kung magiging masama o mabuti. kahit saan pa sya mapunta, Puso at isip ng tao pa rin ang basehan ni Papa Jesus..

    ReplyDelete
  15. @RJ: baka sa USC

    @kosa:tama puso at hisip

    ReplyDelete
  16. agree ako sa part na "Hindi ako naniniwala na kailangan nating magkaroon ng utang na loob sa magulang natin."

    pag naging doc ka na.... DocPabs ba itatawag sayo?

    ReplyDelete
  17. anong klaseng surgeon naman? hahaha! ang dami kong naiisip. whahaha!

    ReplyDelete
  18. Naku, gawin mo lang kung ano ang napsa puso at isip mo. At wag mong kalimutan na bawal mag-back out! haha. Kaya mo ya kuya Paps. ;D And sa mga sine na yan. Buti nalang at sa Sm and Ayala lang ako nanonood. Lolz.

    April
    Stories from a Teenage Mom
    Mom on the Run

    ReplyDelete
  19. @april: kala mo ba walang ganun sa sm at ayala?

    ReplyDelete
  20. Muntik na ko mahuli sa pagbasa.
    Lintek na affiliation. Amp.

    Yes! Isa din akong biktima ni Mang Narsing. Pero sowpar sowgood naman. Gusto ko na din ata magpahatak sa pagdudoktor pero kumakabig pa at nakakasuya na mag-aral. Haha. Buhay mo yan, ikaw ang manguna. Orayt!

    ReplyDelete