Tuesday, February 2, 2010

GRANMA & PAPS 2


Nakakapunta pa naman ng banyo ang alaga ko, kaso minsan hindi lang talaga umaabot sa banyo. Yun bang isang step na lang nasa banyo na siya lumabas na ang huklubang sandamakmak na mamasamasang jerbaks (pasintabi sa mga kumakain). Mabaho ang tae ng matatanda, mabahong mabaho. Noong unang mga araw kong ginagawa ang paglilinis walang linis akong ginawa na hindi ako sumuka, iniwan ko nga ang matanda sa banyo saglit para sumuka ako. May air freshner naman kaso hindi talaga kaya ang lakas ng powers. Pero eventually nasanay na rin ako sa amoy niya.

Dati pinag pepray ko kay papa Jesus na pag ako ang naka duty wag sana lumabas ang limpak limpak na jerbaks. Hindi pala maganda ang panalangin kong iyon kase ang boring wala akong nililinis. Mas gusto ko na ngayon na tuwing pupunta siya sa banyo sana may jerbaks, yung amoy mga parekoy wuhooo nanunulasok, nanununtok. Exciting! Adventure! Ka boring boring naman kase pag puro wiwi lang siya wala akong nililinis.

Ambilis pa niyan tumakbo papuntang banyo pag natatae hindi naman umaabot. Buti na lang naka saklolo ang mga kaibigang diapers.

23 comments:

  1. halang hiya, kumakain pa naman ako ng kare kare na saksakakn ng lapot habang binabasa ko to,,,paps add kita sa blog roll ko ha..

    ReplyDelete
  2. cant imagine panu mo nililinis mga jerbaks.. hehe

    ReplyDelete
  3. bakit puro KATAEHAN ang kinukwento nyo ni glentot!hahaha

    Ano ba ang meron sa tae? O baka "Araw ng mga tae ngayon", hehehe

    ReplyDelete
  4. Haha ang solusyon diyan eh itali mo na si Lola sa inidoro... Para hindi na nya kailangan tumakbo... Tsk tsk parang hindi ko kaya ang ganyang challenge, kaya bilib ako sa iyo isa kang Bagong Bayani!!!

    @Drake aanagal ka pa eh isa ka sa mga dinescribe ko dun.

    ReplyDelete
  5. hahaha.
    kaya yan! konting practice pa!
    masasnay ka rin!
    huh?!
    nasasanay ka na nga pala noh!?
    goodluck nalang...

    ReplyDelete
  6. boring kung wala nang tae... bwahahahaha!!!

    mabuhay ang mga tae! (me ganun?!)

    ReplyDelete
  7. @bosyo: hahaha ganyan nga kulay ng nilinis ko. i miss kare kare

    @karen: simple lang. :) lika turuan kita

    @drake: malay ko. ngayon lang ako nag kwento ng tae lols

    @glentot: hahaha good idea

    ReplyDelete
  8. @kosa: sanay na sanay na po lols

    @chingoy:boring super lols

    ReplyDelete
  9. watda. atat ako sa post na 'to kaya tinigil ko muna ang pag-kain para tapusin lang ang pagbabasa ng entry na to. perpek sa lunch ko. haha

    ReplyDelete
  10. hahaha..sanay na ako jan..trabaho ko yan dati..perineal care ang tawag jan hahahaha..ayos lang yan paps kmukha mo na si ate shawie..hehehe..caregiver...we care for you papz hahahah...

    ReplyDelete
  11. Its ok..at first oo mahirap but sooner para na lang syang pagkain na msrp ulit-ulitin hhaha..kc naransan ko rin mag alaga ng matanda e.. Tc napdaan lng sana silipin mo rin blog ko..Api baleyntyns po!

    ReplyDelete
  12. @soei: sorry naman. hahaha sana na enjoy mo

    @rico: i care about my job sir. hahaha

    @jam: ill be there. haha

    ReplyDelete
  13. utang na loob... ni hindi mo nga ako nagawang ibili ng panty liner tapos yan pinapalitan mo ng diaper?

    :) CHAROT!

    gogogo lang Paps... para sa future natin yan hahahahaha

    ReplyDelete
  14. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  15. Ooops. Ano ba ang ginawa ko't nabura ko ang sinulat ko? Ay, peste nga yawa!

    Paps,

    Magtapos ka na agad ng iyong Nursing para ikaw na lang ang mag-uutos sa mga nursing aid, ang laki pa ng suweldo mo.

    But, honestly, I am so proud of you for doing that job. Not everyone will have the heart to do that, and you've done it. Hats off ako sa iyo, wala kang kinatatakutan. Isa kang tunay na Ginebra San Miguel drinker – ang tunay na lalaki. Keep your down to earth existence. That's one admirable character in a person. Bravo!

    ReplyDelete
  16. @yj: hahaha. baka diaper mabili ko sa iyo.

    @coolcanadian: kinikilabutan naman ako sa post mo. hahahaha

    ReplyDelete
  17. @Paps

    Mas exciting kung kakainin mo ang tae ni Granma. Siguro yun ang part 3 hihihihi

    ReplyDelete
  18. @jepoy: hindi naman ikaw. ako. hahaha

    ReplyDelete
  19. @paps, ayan nag-comment nako. tae tae ka. hahaha. ang maganda nyan, habang pinapalitan mo diaper nya na punong-puno ng tae, habang sinusuot mo na sa kanya ang bagong diaper, yung tipong isasara mo na lang, biglang bubulwak ang bagong batch ng fresh, hot and steamy na... ano pa e di tae.

    -isnab

    ReplyDelete
  20. ang baboy ng suggestion ni jepoy! haha

    ReplyDelete
  21. @jepoy: pwede, tapos ibrodcast sa utube :)
    @paps: tae naman, bulwakan ng bulwakan haha, sana me pasabi kung kelan bubulwak para redi sa pangyayari :)

    ReplyDelete
  22. @isnab: salamat at nag comment ka. :) aktwali nangyari na yun. hahaha. tapos na lahat back to first step ulit kami haha

    @city: ganyan na ata talaga yan si jepoy. haha

    @anthonyL bulwak talaga haha

    ReplyDelete