Wednesday, June 10, 2009

Whatever Ten "Kwentong Barbero"

Ipinagpatuloy ito ng idolo kong blogista na si badoodles sa kanyang kwentong barbero. Hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon kaya sumalangit nawa siya (sabay katok sa kahoy). Susulat ka ng sampung bagay tungkol sa sarili mo. Siyam sa sasabihin mo ay totoo at isa ang kwentong barbero. Huhulaan mo ngayon kung ano ang kwentong barbero sa mga sasabihin ko. Game!

1. 5'9 ang height ko kaya ang size ng paa ko ay 11 inches. Nahihirapan akong makahanap at makabili ng sapatos sa mga sales dahil puro maliliit lang ang sizes ng shoes pag sale ang sapatos. Naniniwala din ako sa sabi ni hari ng sablay na kung malaki daw ang paa ng lalaki malaki din ang titi sapatos.

2.Isinali ako ng highschool teacher ko sa quiz bee. Dahil sa nagkasakit yung totoong contestant ako ang lumaban sa limang subjects. English, Math, Biology, Filipino at Computer subject. English lang ang naipanalo ko.

3. Nag aartista ako dati. Naisama na ako sa cast kung saan bida si Philip Salvador sa isang independent film na pinamagatang "Mainit Na Tubig" taong 2006 ito.

4. Labing walong taong gulang ako ng simulang magtrabaho. Uso noon ang call center, nag apply ako sa school job fair namin. Sa 80 na nag apply, isa ako sa walo na natanggap. Customer service representative agent ako at mga british ang kausap ko. Palaging duguan ang ilong ko kaya nag resign na ako pagtapos ng isang buwan.

5. Sinubukan ko mag trabaho bilang outbound agent sa isang call center sa Makati. Nagbebenta kami ng kung ano anong produkto sa mga taga esteyts. May kota kami buwan buwan. Tinanggal ako ng bisor ko sa trabaho pagtapos ng pitong buwan dahil hindi ko na mimeet ang kota ko.

6. May alaga akong aso, kakaiba ang pangalan ng aso ko "brownie". Namatay siya pagkatapos kong mag highschool. Labis akong nag dalamhati, sa sobrang pagkalungkot hindi ako naka kain ng hapunan nung gabing yaon. Naisip ko tuloy bakit tinawag na hapunan eh gabi naman ang kainan.

7. Youth leader ako sa church namin dati. Napaka aktibo ko sa gawain ni papa Jesus, nakanta pa ako sa simbahan at nag tuturo sa mga bata. Ngayon hindi na ako nakakapag simba.

8. Naka tatlong seryosong girlpren na ako. Ang pinakamatagal na relasyon ay isang taon. Torpe ako pag dating sa panliligaw.

9. Matagal na dapat akong naninirahan sa ibang bansa (sa esteyts) ayaw ko lang dahil ayaw ko iwan ang bansang Pilipinas. Dahil sa malapit na akong mag bente uno kailangan ko na maka alis ng bansa, matatagalan daw ang pagkuha sa akin pag lumampas na ako sa bente uno. Nagbago na ang isip ko gusto ko na pumunta sa esteyts asap.

10. Paborito kong ulam ang kare-kare. Allergic ako sa bagoong kaya tuwing kumakain ako ng kare-kare wala itong kasamang bagoong. Madalas akong pinag tatawanan ng nakakasabay kong kumain. Hindi rin ako mahilig sa chocolate. Sa hindi malamang dahilan nag kakaroon ako ng maliliit na bilog bilog sa mukha at sa likod pag kumakain ako ng chocolate.

Ngayon alin diyan ang kwentong barbero?

itina-tag ko po lahat ng reader ng ka blogs tugan. Gumawa na rin kayo ng Whatever ten niyo. Ang lahat po ng makakahula sa hindi totoo sa mga sinabi ko ay makakatanggap ng award ng ka-blogs-tugan (nakaka excite ba haha) at i fefeature po natin sila sa susunod na post kasabay ng tamang sagot.

Maki-hula na walang mawawala. Ito ang award ng makakahula. Salamat sa inyo.



38 comments:

  1. 3? LOL
    speakless ako.tatawa nalang ako [[:

    ReplyDelete
  2. sa palagay ko yung 3! eheheh! tama ba? eeeeeeeee! ne xcite tuloy ako! nayhaahha!

    ReplyDelete
  3. sa palagay ko yung 3! eheheh! tama ba? eeeeeeeee! ne xcite tuloy ako! nayhaahha!

    ReplyDelete
  4. 3! hahaha!
    but i searched it on google. Mainit na tubig with Philip salvador exists. hmmm

    3 pa rin. hahahaha

    ReplyDelete
  5. mahuhulaan ko rin yan pabling mahuhuli din kita. actually guys eliminate niyo na un no. 3 kasi talagang nandun xa sa film na yun. :)

    ReplyDelete
  6. nc. nakakatuwa naman ito pablo
    wahahahaha may spoiler!. oo eliminate niyo na yung 3. wahahaha

    napapasisip ako ah parang morse type lang sa quiz waahahaha. - jed

    ReplyDelete
  7. 2 or 8 lang pinagpipilian ko cgurado na ko dun sa iba eh... takte kasi nacchallenge ako hulaan. :D lol. wag lang ako mapahiya. :p clue naman pabling!:D

    ReplyDelete
  8. @anonymous. -keme nagpapahula xa eh. para naman akong adik gustong hulaan :D

    ReplyDelete
  9. tiba tiba ka nasa comments sakin paps un baboy ko ha! sa tingin ko 8.:) sa tingin ko lang. gusto mo lagyan ko ng justification kung bakit 8? :D kaso baka sabihin mo spoiler ako. toinks.
    :p

    ReplyDelete
  10. number 1...

    kasi kung ibabase ang sukat ng iyong tooooooot sa size ng paa mo, bale 6 1/2 inches... hahaha wag mo na itanong kung ano yung formula....

    so gusto kong isipin na mas malaki pa... gusto kong isipin na size 13 ang paa mo hahahaha

    kaya number 1 ako... NUMBER 1 ang hindi totoo...

    hahahahaha

    ReplyDelete
  11. 1 - 2 - 3
    ang iniisip kong barbers [[:
    Hangang kelan ba pwede magpapalit palit ng hula?
    Baka di nanaman ako umabot, katulad nung sa "ilovekablogstugan" sign T_T

    ReplyDelete
  12. tingin ko 3! wala ako maalala na indie film ni philip salvador na "mainit na tubig" haha!!

    Nagutom ako sa karekare mo! ayan nagcrave tuloy ako paborito ko din un (kung totoo to! haha!!)

    SAlamat! gawin ko mamaya..

    ReplyDelete
  13. hahaha

    natatawa po ako sa mga comments...

    alin alin alin ang naiba isipin kung alin ang naiba (pito pito)

    maging mapanuri, mapagmatyag, mapangahas,
    MATANGLAWIN!

    sana may manalo ng award ang hirap mag adobe hahahaha

    ReplyDelete
  14. 1. kasi OA nmn ang 11 inches. mcdonalds hello? haha :))

    ReplyDelete
  15. nung binabasa koh sya... sabi koh itz between 1,2, or 3 lang. pero 'ung 2nd. it can be true... u can be really pretty smart... and it doesn't sound as somethin' na imamake-up moh.. i can be right and i can be wrong... and hmmm 3rd... posible.. kc u got a look naman... and it doesn't sound as something na iimbentuhin moh... so i'll go for one... again i can be right or i can be wrong... that's my wild guess lang.. ingatz. Godbless! -di

    ReplyDelete
  16. hoooooy bat mo pinalitan un baboy sounds mo amp amp amp!:o

    ReplyDelete
  17. Para namang 9 ang barbers at isa lang ang tunay..

    pero sige para makasunod lang sa rules, pipili na din ako ng isa.. yung 7 na lang. haha

    ReplyDelete
  18. @iamloved ako si mcdonalds. hahahaha

    @Dhianz hmmmm...ashuashuashu kiligz ako dun ah haha

    @ms guided. makahula lang eh no

    @yza maiba lang ahaha

    @kheed. wahahaah galing ah. .hahaha pero totoo po isa lang talaga ang barbers diyan


    hahaha sagot pa!

    ReplyDelete
  19. parang ang hira nito paps

    teka... baka machambahan ko

    (madam auring mode)

    #2 ang FICTION

    hehee

    sana tama ako!

    ReplyDelete
  20. #3 hahaha! aw
    #7 hndi ako naniniwala. eh puno ka ng kablogstugan. hehe.

    ReplyDelete
  21. apiiiiir sa Number 8..lols

    pero sa no.10, mainggit at matakam ka nalang sa sarap ng chokolate..lols Baka naman ito ang kwento-kwento lang?

    ReplyDelete
  22. #4 sigurado ako dyan,

    dahil pag mali yan nagsisinungaling ka,lols

    ReplyDelete
  23. last hula NUMBER 2!! :P kelan ba deadline nito:?

    ReplyDelete
  24. @ chorva: mukha ba talaga akong bobo hahaha

    @ jelai: mukha din ba talaga akong masama hahaha. .

    @ kosa: ahehehehe hmmmm......ewan ko lang di pa ata natakam ng labis sa chokolate

    @ kylito: :) pwede pa magpalit ng sagot.

    @ hari ng sablay: pwede naman sabihing duguan ang ilong dahil expression na ito ng mga pilipino kapag nag iinglisan ang mga tao. :)

    @homer: mukha po ba akong bobo? (sabay pa cute at simangot) hahaha

    ReplyDelete
  25. "pwede pa magpalit ng sagot sayang talaga ang award. hahaha"

    ReplyDelete
  26. #2!ahehehe..nakisagot din tuloy ako sa pinapahulaan mo!

    ReplyDelete
  27. #1 kwentong barbero.. haha!

    #1 ay walang katotohanan!

    ReplyDelete
  28. @ collen bakit wala kang blog. haha. pwede pa magpalit ng sagot

    @ chikletz.. pwede pa mag palit ng sagot . hahahaha

    ReplyDelete
  29. 6 nalang.
    kasi mukang lahat ng nauna naming sagot mali lahat

    ReplyDelete
  30. Nagkalap ako ng ebidensya! haha!!

    HUBOG: Ikalawang Yugto-- Boy Bagsak,- medyo puro palakol ka sa subjects na science, math at 74 ka pa sa Hekasi..

    HUBOG: ikatlong yugto-- PAGTATAPOS: "Nakakahiya dahil wala man lang akong award na nakuha ni isa"

    Wala ka na-mention sa highschool eh, lahat ng yan sa elementary, hindi ko alam kung nagbago ka nung higschool pero siguro hindi ka naman ganun ka-wiz kid na lahat ng subjects eh sinalihan mo sa quizbee! haha!!!

    Kaya ayun NUMBER 2 pa din ang hula ko na FALSE HAHA!!!

    ReplyDelete
  31. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  32. ui ano un [[: may lihim [[:
    magiimbestiga nga rin ako [[:

    ReplyDelete
  33. 6 nalang talaga [[:
    nalulugaw ang utak ko eh.

    ReplyDelete
  34. okay po cayy cayy six.

    hhahaha six ka na talaga.

    isinasara ko na po ang tanong na ito ginagawa ko na kung sino sino ang mga nanalo. hahaha

    ReplyDelete