Wednesday, June 10, 2009

ANG MGA NANALO SA WHATEVER TEN

Bago ko sabihin kung sino o sino sino ang nanalo. Nais ko muna mag pasalamat sa lahat ng nag laan ng panahon para basahin at mag post ng hula nila sa post ko na ito. Ang iba sa kanila ay sinuri pa ang buo kong pagkatao at kinailangang basahin muli lahat ng previous post ko para lang makakuha ng idea. Hahaha.

Hinirapan ko talaga ito, pinagisipan ko ito eh iyan ang sinusulat ko habang brownout sa lugar namin dito kahapon. Ang pinakamaraming sagot na nakuha ko ay 1, 2 ,3. Tiglilimang tao ang sumagot niyan.

Kung sagot mo ay 1. Mali ka. Totoong 5'9 ang height ko at 11 inches ang paa ko. May nag sabing ako daw si Mcdonalds. Hahaha.

Kung 2 naman. Mali din po. Totoong ako ang inilaban sa quiz bee ng teacher ko dahil nagkasakit ang totoong contestant, hindi man kapanipaniwala dahil mukha akong barumbado pero totoo po yaon.

Kung 3 naman. Totoo yan. Walang halong kasinungalingan. Mag search kayo. HAhaha.

Ang numbers 4, 6, 7, 8 ,9 ,10 ay totoo din po.

Kaya ang tamang sagot ay
number 5. Totoong nag trabaho akong outbound agent at nag bebenta ng kung ano ano at may kota pero hindi po ako tinanggal ng bisor ko sa trabaho dahil hindi ako nakaka kota (ang lakas ko mambola ng kleyente I swear lols). Ako po mismo ang nag resign dahil kailangan ko mag focus sa pagaaral at makapag tapos.

kaya ang nanalo ay si. . .
(drum roll please)

TEN TENENEN!

WALA PO! WALANG NAKAKUHA NG TAMANG SAGOT.
(Tanging number 5 at 9 lang ang walang sumagot.)


dahil sa walang nakatama, ibinabahagi ko ang award na ito sa lahat ng sumusunod, maraming salamat sa pag sagot at pagsbasa, sana ay tanggapin niyo ang award na ito ! limited lang ito kayo lang talaga. At subukang gumawa ng whatever ten masaya po pala ang ganito hehehe.

You are tagged!

cayy cayy - kahit ilang beses na nag palit ng boto hindi pa rin tumama maraming salamat. Excited na rin ako sa whatever ten mo kung may 11 ka ngang daliri. Lab u po kaibigang blogger.
kylito
- na maganda ang bagong template pero hindi rin tumama ang guess. Opo totoo po na naisali ako sa isang pelikula kadudaduda.
Yza
- bago rin ang template. Kala ko ikaw na ang makakahula. Ang organizer ng grand eye ball ng mga bloggers. Sama kayo! Bisitahin niyo siya sa blog niya.
Rey Jr
- na tiga batangas, aking nakilala sa filipino blog of the week. Nanalo siya. ang laki ng paa ko no!
Stupidient
- isang taon lang talaga ang itinagal ng seryosong girlpren ko. Mukha ba akong torpe.
YJ
- natawa po ako sa sinabi mo. talagang may formula? masukat nga kung totoo. hahaha. Nakakatakot na kung size 13 ang paa ko hahaha
Homer - na gumawa na rin ng tagged niya. Wahahay! gusto ko sana tumama pero yung premyo sa iba na lang. Hahaha check niyo ang prize niya. At nag research pa siya sa mga posts ko. Opo nag bago na ako ng high school, malapit ko na isulat ang ika apat na yugto pag di tinamad.
Waleeey
- wahahaha . napatanong tuloy ako sa mga kabarkada ko kung ano size ng paa nila at kung normal bang magka 11 inches na paa. hahaha
Dhianz- maraming salamat sa paniniwalang matalino ako at mukhang artistahin. hahaha. nice din po ang blog mo maraming salamat
Miss Gee - totoong hindi ako naka kain dahil namatay ang aso ko. Si brownie- kakaiba ang name niya noh.
Kheed- wahaha naisip ko ring gawin yang 9 ang babers pero maiiba ang tagged ni badoodles. At parang napilitang seven na lang ang hula.
Chorva
- naniniwala kang barumbado ako at bopols. hahaha. wag ka mag titiwala kay madam auring number 1 na kwentong barbero yan.
jelai - hahaha puno nga ako ng ka blogstugan pero pa minsan minsan nag seseryoso din ako. Ingat lagi diyan sa mindanao. Ang baril. wag papagutom, wag papawis.
kosapogi
- hindi po talaga ako nahilig at natakam sa chocolate. totoo po yan. may pag ka allergy ako diyan. ingat lagi sa lugar niyo. Malamig diyan ang jacket. At parekoy may hangganan ang pagtulong.
hari ng sablay
- expression na nang pinoy na dumudugo ang ilong nila tuwing nakaka rinig ng inglis. kung yun ang reason mo kung bakit number 4 ang sagot mo. Iyon ang tinatawag lang na mabubulaklak na salita para magduda ka. Hahaha i lab u parekoy. Ganda ganda pa ng site mo.
collen
- hello po.salamat sa pagbisita at paghula. exlink? haha
chikletz
-ganda talaga ng bago mong layout, pa beach beach ka na lang diyaan. enjoy your vacation po

ps: kung mas gusto niyo ung award na nasa baba ok lang po iyon kunin.

--- kox. hinahantay ko ang sagot mo di ka dumaan. ibinabahagi ko din ang award na ito sa iyo.

=== nasagutan pala ito ng bebe ko siya lamang ang bukod tanging nakasagot. dapat lang kundi outside the kulambo siya. Hindi siya nag cocomment dito kaya hindi sya pwede manalo.

MARAMING SALAMAT TALAGA kayo ang tunay na mga hari at reyna ng
ka-blogs-tugan.
wit wit.

29 comments:

  1. ang masasabi ko lang....

    ABA MALAY kO!!! basta nagresearch ako. :D haha.

    toinks.
    saka teka bakit ako naging organizer, pasimuno lang inaantay ko pa c marlon xa magoorganize.
    (haha tamang ipasa sa iba?:D)

    salamat ;p
    pag dika pumunta sa eb tadjakan kita:D

    ReplyDelete
  2. Naks at talagang unang una ako sa listahan.
    Bala ka kung ayaw mo maniwalang 11 ang daliri ko [[:

    Pero alam mo, sasagutin ko na sana ung 5 kaso baka banatan moko at sabihing minamaliit kita [[:
    geh salamat, yayakapin ko na tong award at ibabato sa page ko.Labyu 3 kaibigang babey :)

    ReplyDelete
  3. Ay onga no, di ko nakatagpo dito si kox.Kala ko makakatama sya eh [[:

    ReplyDelete
  4. tsk! walang winner... buti na lang nahulaan nang labs moh.. dapat lang.... wehe... salamat dyan sa award bah yan... and hmm... sige kapag tinopakz eh magawa yang tag na yan... parang aliw lang eh... galing moh... kc walang nakahula...*apir* but i'm proud kc tama akoh na totoo ang #2 and #3. i kinda have a feeling na totoo ang number 1 pero mas makakatotohanan ang #4-#10. aysowz ang dme pang sinabi... hehe... salamat dyan.. ingatz! Godbless! -di

    ReplyDelete
  5. @ yza - ikaw lang ang kausap ko pag dating sa eyeball na yaan. excited na ako jan pero feeling ko tayong lang talaga ang excited kaya ikaw na lang ang organizer hahaha. ako ang aatend. hahaha

    @ cayy cayy- maraming salamat. talaga bang 11 ang daliri mo. ayus lang naman yan. cute nga di ba. Gawa tayo ni papa Jesus. yey nagbabakasyon ata yang si kox. haha salamat sa pag tanggap ng award

    ReplyDelete
  6. @paps- gaga. :) haha c reyane pupunta yan. c saul din saka c mommy peach, c marlon impossibleng indi. c fruitcake kahit di pa umoo yan, mapipilit yan. c cayy din (wag ka na umangal!) magseset na ko ng date announce ko sa saturday kung kailan. :) pero one month ahead para masabihan lahat at makapagprepare un gustong magprepare. tansya ko mga 20 plus cguro minimun na pupunta. ;) wink!

    ReplyDelete
  7. haaaaaaa? may EB?
    taena pasali.. sana nxt year na maganap yung EB na yan para makasali ako..lols

    sa award, salamat po!
    appreciate it!

    ReplyDelete
  8. @yza sino po sila sana makilala ko din sila hahahahahaha....

    @ kosa umuwi ka na dito para makasama ka sa eb dali!

    ReplyDelete
  9. tnx po sa award!

    hehe..nakihula hula lang ako pero my award na din ako!

    ReplyDelete
  10. nyahaha!!! ganun! sabi na eh! haha!!! :P sya sya!! sige na akala ko ba bukas pa?! naunahan mo pa ko! haha!! wow may EB haha!! nice nice!!

    ReplyDelete
  11. sabi ko na nga ba eh, yun talga hula ko 5. ewan ko bat 4 yung nasulat ko,typo error lng yun paps pro 5 tlga hula ko,lols

    wala kasing sumsagot ng 4 kaya yun pinili ko,diko lam wala din plang 5,haha

    salamat sa award,labyu 2..

    ReplyDelete
  12. paps! hindi ako makapaniwala na syam nga ang totoo sa mya yan..

    salamat sa award, pakiss! hehe

    ReplyDelete
  13. @dhianz : salamat salamat sobra po

    @collen : oo naman exlink haha

    @ homer: baka wala ako bukas eh kaya ginawa ko na haha

    @ hari ng sablay: sasabihin ko sanang malapit ka na kaya lang baka mahulaan mo na

    @kheed: kheed now you know haha

    ReplyDelete
  14. Malalaman mo rin bukas kung totoo ba mga pinagsasasabi ko [[:
    Dapat super suspense

    ReplyDelete
  15. Haha! Sayang hindi ako nakasali! Gusto ko pa namang makakuha ng award...

    Next time na lang po.

    Hehehe...

    ReplyDelete
  16. Haha!

    Shet talaga. Nahuli ako. :)

    ReplyDelete
  17. salamat sa award na ito. haha :) natuwa lng ako na may 11 inches kng paa. alam kong hirap sa sa pag hahanap ng sapatos. haha. bisitahin mo whatever 10 ko :)

    ReplyDelete
  18. hahahahaha thank you thank you.... next time share ko sayo formula hahahahaha

    ReplyDelete
  19. di ko gets to.bwhaha. slow ako!haha

    ReplyDelete
  20. Sayang naman! Critical thinking pa naman ang pinagana ko. Kinilatis ko mabuti bawat salita na ginamit mo at sabi ng right brain ko..masyado common ang brownie kaya aun naging sagot ko! Anyway salamat!

    ReplyDelete
  21. salamat sa award paps! nahirapan ako dun ah! hahah!

    ReplyDelete
  22. bilis naman matapos, sabi ko sayo babalik ako tatanong lang sana muna ko kay madam auring e.

    busy kasi kaya di nakapagbasa, sana pala tsinambahan ko na lang, ahek!

    ReplyDelete
  23. @cayy cayy: nagpalit na ako ng hula

    @rcyan: dahil mahal kita kapamilya kunin mo po ang award kung gusto mo po

    @acrilique dalas dalasn ang pagbukas puro shirley!

    @iamloved: nakahula na ako..oho laki paa

    @yj ahahaha tinuro na ata ni hari ng sablay

    @rj naguits. ingliserong bata!

    @ms. guided: minsan hindi kailangan gamitin ang talino para makasagot ng mga walang kwenta taong. naks parang b.o lang ako

    @kylito. welcome po

    @tonio: nang gugupit si madam auring

    ReplyDelete
  24. haha! akala ko ako na ang nanalo kasi may award ako.. langya lahat pala meron. haha! salamat salamat! yay!

    ReplyDelete
  25. aw.. sori! naging busy kc ko.. sori talaga! di ako nakasagot sa mga tanong nyo.. :( nxtym! :)) salamat sa award! :)

    ReplyDelete
  26. hehehe. cge, gawin ko ito para sa yo. ;)

    ReplyDelete
  27. @chiklets: hahaha walang nakahula eh

    @kox: ayus lang huli man daw at magaling huli pa din

    @reyjr: maraming salamat. pasagot nga

    ReplyDelete
  28. bakit wala ako sa paps awardee..huhuhu.

    ReplyDelete