Sino ba ang mga Globe user dito? Taas ang kamay. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim aw syet ang dami. Ako rin eh globe user din, sabi nga nila "smart people uses globe" oha? Saka ang mga globe user mga elite yan inuulit ko elite . . . oo ka na lang. Marami kase akong kamag-anak, kaklase, ka trabaho na globe user kaya globe din ako. . .Smart sus. Nice naman talaga ang globe eh satispayd naman ako sa serbisyo nila, sa totoo lang malapit na ako ma inlab kay 2346 at 2977 oras oras may mga paalala sila sa akin, napaka concern talaga nila. Pramis. Di nila ako nakakalimutan, minsan nga naisip ko buti pa sila naaalala ako. (Sabay hinga ng malalim) Iyon nga lang, minsan na bubuwisit na din ako kase ba naman, hexcited na ako kung nag text si bebe ko sa akin, tapos ang mababasa ko lang "Gusto mo bang manalo ng sangkaterbang pera at cellphone?, Maari kang manalo dahil sa load mo kahapon!" . . hay badtrip kinuha ko pa naman ang selepono ko sa pinaka hilalim hilaliman ng aking napakalalim na bag.
Tapos nakalagay dun sa huli. Reply stop kung ayaw mo na maka tanggap ng adbertisment 2.50 per text, eh sa ayaw ko na talaga rereplyan ko na yun one time lang naman. Pag text ko ng stop meron ulit reply na "are you sure you want to stop?" Tapos text naman ako "sure" Engks. Invalid answer dapat daw "Yes". So another 2.50. Lols. Loko lang po. Baka magalit ang globe sa akin at di na ako pagamitin ng SULITEXT, UNLITEXT, UNYT UNLI CALLS suking suki pa naman ako ng mga iyan.
Dati noon wala pang mga unli text, kikiligin ka pag may nag text sa iyo ng good morning o kaya naman kumain ka na po? Kase alam mong pinag laanan ka talaga niya ng piso para lamang mapa hatid ang mensaheng yaon. Pero ngayon taena wala nang basa basa, pag gising sa umaga san tambak na messages so mark all tayo tapos delete. Pero pag galing sa bebe ko nise save ko pa yaan (nag papalakas ako kay bebe ko baka iwan ako eh).
May mga hindi rin akong gusto sa globe tulad nang. . . ah. . . eh . . . hmmm. . . wala ata ako maisip ah. . . teka. . . ahm. . . hmmmm. . . ah iyon . . . naalala ko na. . . KINAIN NILA YUNG 140 pesos ko na load! Di na nabalik bwisit na globe yan! badtrip hoy! naka ilang tawag ako sa customer service niyo puro i fofollow up! Taena! . . pero sige . . patatawarin ko na 2 years ago na rin naman yaon eh. Lols!
Kaya kayo mag globe na! Ma-aabot niyo rin ang mundo. Tulad ko. (naks pede na ba ako sa komersyal ng globe?)
napabisita..
ReplyDeleteheheh! dito sa davao halos lahat ng tao smart, so smart user din ako..ang nakakainis sa smart, pag naka unli service ka, laging delayed ang messages lalo na pag-gbi....pero over-all ok lang naman,,
hehe
ay nakoh ganun ba.. .
ReplyDeletesa globe kahit unlitext ka di po siya nag dedelayed. I swear . . .
(naks mahal na dapat bayad sa kin ng globe dito)
taas kamay,globe din ako paps! abot na abot ang mundo.mnsan mdyo hnd maabot dhil sa dlayed na mga mensahe.
ReplyDeleteay ganun na dedelay ang mensahe niyo . . . .
ReplyDeletebaka ako din minsan. . .di ko lang pansin :)
Globe hir. . . . apir!
ReplyDeleteai, parang ako lang ang smart(talk n'text)..
ReplyDeletekawawa naman, nyahah!
switch na kase. . ahaha
ReplyDelete