Umorder ng saging con yelo yung kaklase ko sa Manong Pepe (yung bagong fastfood resto dito sa Pilipinas sister company daw ito ng Joyibi) ako naman umorder ako ng halo-halo. Sobrang init kase pag hapon kaya pasensiya naman kung bakit ganyan ang mga orders namin.
Nung dumating na yung saging con yelo sa kanya medyo na badtrip siya nang konti kase ang order niya ay saging con yelo. Ang binigay kase sa kanya "Saging na may yelo na may gatas na may sago" taena di naman daw siya omorder ng "saging con yelo con sago" hahahaha.
Yung isa ko ding kaklase omorder ng mais con yelo nabadtrip din kase may kasamang pinipig yung order niya. Hahaha. Kaya naisipan ko sa susunod na order ko kailangan espisipik. . Try mo omorder ng halo-halo (ate ayoko nang may yelo ha may ubo ako) o kaya naman fried chicken (ate paki alis na lang nung manok allergic po ako dun)
Iba talaga! hahaha parang ang mga pilipino kakaiba din kung sumagot parang gustong masaktan.
Kumain ka na ba?
- Busog pa ako
Nandiyan ba nanay mo?
-Bakit po
Anong oras klase mo?
- Mamaya pa
Saan ka galing?
- Lumabas po
Paano mo ginawa yan?
-Madali lang
Anong oras na?
- Maaga pa
Saan ka na?
- Malapit na ako, wait lang
o di ba ang lalayo ng sagot. Kaya matuto tayong sumagot ng tama. Lolz. Ganyan din kase ako sumagot eh pero pramiz sasagot na ako ng tama. Ayaw ko masaktan lolz.
Special shout outz to my classmates na init na init kaya omoorder nang may yelo sa pagkain. *derek* *dingdong* *flora* Lolz. Hindi ko ibig sabihin diyan tinolang may yelo.
No comments:
Post a Comment