Hindi ako aware about sa earth day. Narinig ko lamang sa radyo na patayin daw ang kuryente from 8:00-9:00. Para san? Malaki ba ang matutulong nito sa atin? Hindi ko ma gets talaga ang purpose nito. Para malaman ba kung united pa ang Pilipinas at kung magkakaisa bukas? Nakaka init ng ulo. Pero hindi naman ito sapilitan kung sino lang ang mag paparticipate. Pupusta ako mga 70% lang ng Pilipino ang lalahok sa earth day. Ang pilipino pa nakoh.
Kaya iniisip ko at makikiramdam ako sa mga kapamilya kung papatayin ba nila ang kuryente bukas. Kung papatayin nila bubuksan ko, mainit di ba? saka paano tayo makakapag aral niyan kung walang dakilang ploresent light. . Paano tayo makakanood. . .
O kaya sige pag binuksan ko ilaw tas pinatay ulit nila. . . mag iisip na lang ako nang mga bagay na pwedeng gawin habang walang kuryente. . .Sabagay saglit lang naman ang oras, eh minsan nga kung mag brownout dito eh half day walang kuryente nakasurvive naman ako. One hour pa kaya?
Kaya sige go go go kapamilya! Sama sama nating patayin ang kuryente bukas from 8:00-9:00. Save the earth!
No comments:
Post a Comment