Tuesday, March 31, 2009

Balanse Dapat!

"Ang pangit naman ng boyfriend niya ang chaka! mukhang taeng natapakan". Tangnang sanamabits yan paki-alaman ba? Nasa MRT ako narinig ko yung dalawang babaeng kolehiyala na nag mamasid dun sa dalawang magkasintahan sa MRT. Ang kawawa naman nung lalaki chaka na mukha pang taeng natapakan. Ganda kase nung babae tapos yung lalake mukhang hukluban, pero wala namang paki-alaman di ba? May mga reason iyan kung bakit nag kakaganun.

Hindi na bago iyan, highschool pa lang ako marami na akong nakakasalubong at nakikitang ganyan. Kung hindi pangit si babae si lalaki ang pangit, basta isa dun sa dalawang magkasintahang iyon may pangit. At trip na trip naman nating pag kwentuhan at pag katuwaan. Bihira lang iyong parehas pogi at maganda iyong magkasintahan pag nakakita tayo nang ganun di natin pinakiki-alamanan. Talo talo na pag parehas pangit yung magkasintahan, bagay lang.

Kaya nag isip ako ng mga rason kung bakit si sobrang gandang babae papatol kay sobrang pangit na lalaki and vice bersa.

1. Baka malaki (isang dipa) yung si manoy ni lalake alam mo na yun. Kaya satispayd si babae.
2. Baka mayaman si lalake o si babae, may yate parang si willie
3. Baka si babae magaling sa kwan, kahit anong posisyon gogogo!
4. Baka naman ginayuma lang
5. Baka matalino. . nerd, suma cum sa u.p at baka masarap magluto
6. Baka sawa na si babae sa mga pogi na playgirl at manloloko
7. O kaya naman baka sobrang sarap lang ni lalakeng magmahal.walang katulad na pagmamahal.

At kahit ano pa man ang rason wala tayong paki-alam sa kanila. Bulag ang pag-ibig sabi nila. Pag pinana ka daw ni kupido tiyak sapol ka. Saka maganda nga di ba balansehin natin ang mundong earth. Pogi sa Pangit, maganda sa Pangit. Kesa naman Pangit sa Pangit di mag tatagal papangit ang mundong earth, babaho ang paligid at dudumi ang mga ilog at dagat, aalis at mamamatay ang mga hayup at insekto. Kaya let's save the earth! Balanse dapat!

4 comments:

  1. nakakatawa naman to hehe, hmmm..

    sure ka bang sila na? baka naman..

    drayber lang sya ni babae.. o kaya bodyguard.. o cook o hardinero o exotic pet..

    hehehe :D

    ReplyDelete
  2. wala naman po sigurong driver na kaholding hands si among babae. . .

    baka meron din pala.

    ReplyDelete
  3. haha, natawa ko sa word na hukluban. naririnig ko rin sa friend ko yan eh.

    wawa naman yung lalaki, tae na natapakan pa. hehe

    ReplyDelete
  4. hmnn mrami ngsasabe para daw kmi mgkapatid ng hubby q..mgkamukha daw kc kmi eh..ibig lng sabihin gwapo hubby q..:)

    ReplyDelete