Maaari nang malinawan ang matagal mo nang itinatagong katanungan sa iyong buhay. Para sa mga questions mo na maaaring masagot i-email lamang sa makabagongpablo@yahoo.com
Ito na ang unang limang question na nabasa ko sa aking mahiwagang elektronik mail. Nawa po ay makapulutan niyo ng aral.
ANG UNANG TANONG!
Sino ang unang tao na naka-kita ng alimango sa tabing dagat at naisipang kainin ang mga ito?
ANG SAGOT!
Ewan ko kung bakit naisipan ng taong ito ang tanong na iyan, para bang wala na siyang maisip sa buhay na maaaring itanong. Oo nakakatakot nga naman ang itsura ng alimango para kainin. Sa totoo lang paps di ko masasagot ang tanong mo dahil di ko alam, para mo na rin kasing tinanong kung sino rin ang unang kumain ng baboy, kabayo, isda, daga, palaka, manok at kung ano ano pang nilalang sa mundong ibabaw. Scary din naman ang mga hayup na aking nabanggit kong titignan mo pero bakit kinakain pa rin ito ng mga tao?
ANG IKALAWANG TANONG!
Ano ang pinakamagandang palusot pag nahuli ka ng ermat o erpat mo na nag titikol o nag pipinger sa kwarto mo?
ANG SAGOT!
"Dad kesa naman mag drugs ako!"
ANG IKATLONG TANONG!
Paano mawawala ang buni ko? Ano ang pinaka magandang anti-buni cream?
ANG SAGOT!
Bakit mo naman gustong mawala ang buni mo? Minsan lang iyan dumating sa buhay aalisin mo agad. Alam mo pag may buni ka there is no dull moment I swear di ka maiinip sa buhay. Maaari pang ma develop ang multi-tasking skill mo. Kamot while watching t.v, kamot while texting, kamot while cooking at kamot while sleeping. See there is no dull moment, eventually mawawala rin yan in lapse of time. Nadevelop na ang multi-tasking skill mo naka tipid ka pa sa anti-buni cream!
ANG IKA-APAT TANONG!
Paano bumili ang bulag ng gitara?
ANG SAGOT!
Una pumunta siya sa guitar store kasama ang kanyang nag mamahal, kapamilya. Pagkatapos banggitin lamang ito "pag bilan nga ng gitara" yung may tunog.
ANG IKA-LIMANG TANONG!
Some months have 30 days, some months have 31 days. How many months have 28 days?
ANG SAGOT!
Isa. Febuary. JOke lang. 12 months po. lahat po ng months may 28 days yun nga lang iba hanggang 31
**special shout outz po kay teban ,kris at omanizzle para sa mga katanungang iyan! Nawa ay naliwanagan kayo.
lols... ang kulit.. hehehe
ReplyDeleteandaming tanung at sagot..
ako din ba pwedeng magtanung?
hehehehe
yun ang tanung ko..
kitakits
ps.pakiboto naman si ako kosapogi Bilang filipino blog for the week..lol salamat po!
sure po. .:)
ReplyDelete