Friday, June 15, 2012
PASUKIN MO
Noong kinder ako, sa unang pag kakataon gusto kong ma-stress at mag umiyak nang makita ko ang teacher kong nakasalamin at may hawak na stick. Ang alam ko kase nun pag may stick sigurado may hit. Trauma ang dinudulot ng mga stick na yan para sa mga kids, may mga pag kakataon na kapag hindi ka makasagot sa tanong ng titser e biglang papaluin nya ng malakas ang black board o ang mesa nya, o ang desk mo o mismong ikaw, sa puwet, sa kamay sa mukha, duguan. At mawawalan ka ng ganang pumasok dahil takot na takot ka kapag nakakakita ka ng titser o kahit marinig mo lang ang salitang "titser".
Isang araw, may surprise recitation ang titser. Irerecite mo ang alphabet. Surprised kami lahat o ako lang ata. Dahil sa mahiyain ako at matatakutin, gusto ko na umiyak nung mga panahong yun. Kabisado ko naman ang A B C D E F G hanggang Z, kaso baka pag ni recite ko yun e pakanta, baka pag tawanan ako ng mga kaklase ko. Lalo akong naiyak nung kailangan i recite mo siya ng pa A BA KA DA E GA HA LA MA NAN. Ganyan??? hindi ko alam yan Naknang tokwa. Hindi tinuro sakin ni nanay yan!
Dahil sa hindi naman kami kayamanan at mayayaman talaga ang mga kaklase ko e na kaka stress din kapag nakikita ko ang mga gamit nila. Umiilaw na sapatos, may gulong na sapatos, pencil case na bakal na may 4th floor, bag na all in one parang bahay na, 62 crayons na ibat ibang kulay may pang tasa pa sa tagiliran, mechanical pencils hindi mo na kailangan tasahan, baunan na may heater laman fried chicken. Kapag may fried chicken o hotdog ka nun ikaw na, ikaw na talaga.
Dahil hindi ko na alam san papatungo tong kwentong ito. Ang gusto ko lang sabihin sa mga adults, be good to kids dahil stressful ang environment sa school. Salamat.
Pasok na ko.
Thursday, May 31, 2012
YUNG PAYONG KO
Kani kanina lamang nasa dyip ako, sobrang lakas ng ulan sa labas (Salamat naman at hindi umuulan sa loob ng dyip), may isang babae sa labas na pumara ng dyip na aking sinasakyan. Agad na huminto ang dyip upang isakay ang babaeng mala dyosa ang kagandahan. Basang basa siya sa ulan! ang sarap niyang tingnan! wet look na wet look! heavy mga pre! Pag pasok niya ng dyip lahat ng nasa loob naka tingin sa kanya, tila lahat ay naakit sa kanyang kagandahan. Maganda ang basang buhok, puting basang blouse, maikling basang palda, matang punong puno ng pag asa at saka mukha siyang mabango. Haayyy..
Naupo siya sa bandang gitna habang marahan niyang itinutipi ang kanyang payong na basang basa. Salamat at naimbento ang mga payong na kahit nakapayong ka ay tatagos at tatagos ang ulan at mababasa ka pa rin. Dahil kung hindi siya naimbento, wala sana sa harap namin ang ganitong klaseng dilag.
Hindi pa nag tagal patuloy pa rin ang pag sulyap ng lahat sa kanyang kagandahan habang siya naman ay abalang abala sa pag pupunas niya ng basang katawan. Para kaming mga kutong nag tetake- turns sa pag sulyap sa kanya para wag lang masabi na sinabay sabay namin siya. Pag di na naka tingin ang isa, ako naman. Pag tumingin ako sa malayo, siya naman, tas ako naman ulit.
Kinalkal niya ng kinalkal yung shoulder bag niya, kala ko kung anong hinahanap. Mag tetext lang pala, sobrang sarap panoorin ng pag kalkal niya. Tapos, nung nakuha na niya yung phone nya text na siya ng text siya ng text siya ng text. Tapos nag kalkal na naman ng bag niya, tapos nilabas niya ang wallet niya. Nag labas ng isang daang buo, di niya alam kung magkano ang bayad. Anak mayaman nga!
Lahat kami gustong marinig ang boses niya. Malamang sa alamang, para sigurong anghel ang boses niya.
Nang biglang . . . (den den den den - sawnd epeks)
MAMA! MAGKANO HANGGANG MONUMENTO???
Hutang na loob mas malaki pa boses sakin!! may lawit ang tokwa! Wag na nating pag usapan yang may lawit na yan! nakakainit ng ulo e, baha na nga, sasabayan pa niya. Payong na lang pag usapan natin, dahil ang payong magagamit mo yan ano mang panahon, taginit man, tag ulan at tag yawat. Sabi na nga ba e, duda ko sa babaeng yan kaya ako tingin ng tingin, wag kase kayo bibili ng payong na mumurahin pupulmunyahin kayo niyan e!! Pag hinangin yang payong na yan wasak yan! Bili ka ng bili ng murang payong tumatagal ng isang buwan, edi kada buwan bili ka ng bili!! Yung payong ko, sobrang tibay nun kahit hanginin bumabaliktad pa pero di nasisira.
Fibrella FTW (libreng adbertisment ah).
Sunday, May 13, 2012
NAPIKOT?
Kung ilalaglag naman ang bata, pupunta sa Quiapo para mag hahanap ng pampalaglag, pero bago pa man makahanap ng gamot pampalaglag, malalaglag na ang bata dahil sa sikip sa LRT, kunsumisyon sa dyip, sobrang init na panahon at napaka putik na daan. Subalit 0.2% lamang ang nalaglagan ng bata dahil sa gantong dahilan, yung iba, hindi talaga nalaglaglag dahil sa tinding ng kapit ng bata.
Boyfriend: Putcha naman! minsan ka na lang maging positive! sa pregnancy test pa!!
Girlfriend: eh anong gusto mong gawin ko? ilaglag ang bata?
Boyfriend: Ang negative mo talaga!
Ito ang maganda sa aming mga kalalakihan. Hindi kami nabubuntis. Pwede kaming makabuntis - hindi ito parang susi na hanapin mo kung sino ang match mo na pede mong mabuntis. Kahit sinong babaeng hindi baog pwede naming mabuntis. At sa aming mga kalalakihan, hindi basta basta bumababa ang aming market value, tumanda man kami, mag ka asawa at anak man kami, mataas pa din ang aming market value. Hindi katulad ng mga babae, kapag nabuntis at nanganak naluwang ang kwan tapos nalosyang, tas nag mukhang matanda, tas tumaba ng tumaba, ayun walang ng arrive. (Oooppsss.... walang personalan - kablogstugan lamang)
Ang gusto ko lang talagang sabihin, dapat igalang ang mga babae. Hindi yan disposable na gamit, na pagka-gamit itatapon, kapag nabuntis mo abay panindigan mo! huwag mong taguan! dahil baka ituro nila sa kung sinong poging walang muwang ang magiging baby nyo, baka ituro sakin ang baby ninyo! Edi napikot ako! Ang dapat sa mga babaeng nabubuntis, dapat MINAMAHAL, INAALAGAN at HINDI SINASAKTAN dahil hindi tulad nating mga lalaki, kahit lumipas ang isang daang taon, hanggat may pera tayo at tumatayo pa si manoy mataas pa din ang ating market value.
Friday, April 27, 2012
SA ISANG MILYONG TAO
Dito naman tayo sa gawing kaliwa. Tingnan mo si ateng mataba, panay ang tingin sa kanyang relo, tig 150 pesos buy one take one sa bangketa yung relo. Bumubulong bulong, yung bulong palakas ng palakas, nakakatakot, panay ang reklamo. "Ano ba yan! sakay ng sakay! puno na nga e! yan ang nakaka trapik e! Hindi pa siya nakuntento. Sumisigaw na talaga siya sa driver.
Ateng Mataba: Ano ba! Sakay kayo ng sakay! ang sikip sikip na!Driver: (Walang imik)Ateng Mataba: Yan ang hirap sa inyo e! Wala kayong paki alam sa mga pasahero!Driver: (Walang imik)Ateng Mataba: Ang hina hina pa ng diskarte mo sa pag mamaneho! trapik na nga di mo pa diskartehan na mapabilis tayo!Driver: (Walang imik)Ateng Mataba: Ang hina mo dumiskarte!!!!Driver: Diskarte ba kamo? Ang dami mong satsat! Ikaw kaya ang dumiskarte dito! (Tumayo) hinamon si matabang babae na imaneho ang bus.Ateng Mataba: (Walang imik, sabay tumingin sa malayo)Driver: Oh ano hindi ka makapag salita?Ateng Mataba: Kapag ako napa anak dito sa kunsumisyon, idedemanda kita!Paps: Ay anak ng tokwa kala ko mataba lang!
Pagkatapos ng dalawang oras na biyahe ng bus, dapat 30 minutes lang talaga yun pero dahil na trapik ka 2 hrs ka nag byahe isang oras na lang sana nakarating ka na sa batangas. Sasakay ka na ngayon ng MRT o LRT. Heto na naman po tayo. Tatayo na naman po tayo. Makikipag basagan betlogs na naman po tayo sa milyong milyong taong makakasabay natin. O ayan nakasakay ka na. Tingnan mo yung mama sa harap mo. Ang laki ng katawan, kalbo, mabalbas, malakas ang dating, mala derick ramsey ang approach. Nag ring yung telepono niya. Biglang nag salita. "Hellew, wapakels aketch. oo teh gorabells ako diyan"
Pagkatapos ng MRT. Sasakay ka ng dyip. May mga batang palubi na mamamalimos. Ang iba sa kanila, pupunasan ang tsinelas mo ng maduming basahan. Ang ilan sa kanila may iaabot na sobre at kakantahan nila kayo, kung minalas malas pa may dala pang tambol na sintunado. Ang ilan sa kanila, mamatay na ang nakakababatang kapatid sa gutom. Tapos ang isa sa katabi mo. Bubulyawan ang mga bata at kung di pa nakuntento tatadyakan pa nila ang bata palabas. Pakiusap ko lamang po, wag na natin silang saktan sa emosyon at pisikal, dahil bago pa man sila makatungtong sa ating dyip na sinasakyan, malaking hirap na ang kanilang pinag daanan.
Sa isang milyong taong nakasalubong mo. Wala ni isa sa kanila ang naisip mo kung ano ang iniisip nila. Kung ano sila, kung ano ang pinag dadaanan nila sa buhay. Kaya sa sampung tao na kilala mo sa opisina o paaralan, wala tayong karapatan na husgahan ang kanilang pag katao dahil sa sampung taong kilala mo, wala sa kanila ang talagang alam mo ang pinagdaanan nila sa buhay.
At ilan sa kanila, iniisip kung ano ang iniisip mo. - Paps
Thursday, April 12, 2012
Virgin ka pa ba?
Friday, March 30, 2012
Anyhow, inihaw, Nakakabobo
Saturday, March 24, 2012
Ways People Solve Their Problem
1. They laugh at it. Tinatawanan na lang ang problema, isa ito sa pinaka mabisang paraan para gumaan gaan ang problemang nararamdaman. Habang iniisip mo ang problema, mas lalong lumalaki ang problema mo. Kaya bakit hindi mo na lang tawanan ang mga ito?
2. They ignore it. Sabi nga ni Bobby McFerrin sa kanyang kantang Don't Worry Be Happy, wag mo alalahanin ang problema, just be happy. Iwasan ang problema lilipas din yan!
3. They confront it. Nilalabanan ang problema. Sinusubukang harapin ang problema sa abot ng makakaya.
Maaaring malalampasan mo ang problema sa pamamagitan ng pag gawa sa tatlong bagay na ito. But how will you handle problems too big for you and stays there almost everyday? Makakatawa ka pa ba? Maiiwasan mo pa ba? Sa palagay mo mahaharap mo pa ba?
Iyak tawa ka na lang ba kapag nasa harapan mo na ang problema? Eh pano kung ang problema mo ay yung mukha mo? Ano nang gagawin mo? Choose the best answer.
a) wala na, uwian na
b) taya sa lotto, pag nanalo, belo
c) photoshop mode on
Kung hindi naman mukha ang problema mo, yung sa mas maayos na problema naman pag usapan natin. Ano na ang gagawin mo? Yung tipong di ka na makatawa, di mo na maiwasan, di mo na kayang harapin, yung konting tumbling na lang babagsak ka na, yung di ka na makahinga, ano na ang gagawin mo?
Para sa akin, hindi kasi natin pwedeng iwasan ang problema. Maya't maya ang dating nyan. Ngayon cool na cool ka, mamaya cool na lang, bukas bukul bukol ka na. Di na kaya ni Simsimi ang problema mo, wala nang pinatutunguhan usapan nyo, ano nang gagawin mo? Kain na lang ng overrated magnum? Post picture sa fb eating magnum? GM kung gano kasarap ang magnum? ano naa nga..??
Ano nga kase?? Puro ako ano. Anyhow, inihaw. Ang masasabi ko lang, kapag wala si Papa Jesus sa buhay mo, life is like in a downward spiral mode. Paikot ikot na lang ang buhay, ang end up, bagsakan, kangkungan, nothing, totally worthless. Kahit ano pa ang natapos mo, na achieve mo, without God it's nothing. Going back, ang problema hindi natin pwede yan iwasan, di pwedeng tawanan na lang, at di natin kayang harapin ng mag isa. Hindi ba mas masarap, kapag meron tayong Papa Jesus na mapag susuplungan ng problema?
PABLONG PABLING. WOW AKO BA ITO?
:D