Sino ba naman ang gustong mabuhay sa Maynila? Kung meron lang naman tayong karapatan na pumili kung saan natin gusto manirahan, nanaisin mo bang tumira sa Maynila? Dito kase sa Maynila - palalanghap sa iyo lahat ng lumalabas sa tambutso ni manong tsuper. Pasisinghot sa iyo ang baho ng tambak na basura at palulusungin ka sa baha na may kasamang ihi at dumi ng aso ng kapitbahay niyo. Dudukutan ka sa Quiapo at palalakarin pauwi ng hubot hubad. Mabibingi ka sa ingay ng mga nag tatahulang mga nakataling aso na kumakalam ang sikmura. Isama mo pa sa ingay na iyan ang umiiyak na bata, maghapong pag vivideoke, pag bibingo, at pag aaway ng mga lintek na kapitbahay. Ganto ang sitwasyon dito sa Maynila.
Sa totoo lang, mamatay ka lang talaga dito. Kaya yung mga kababayan natin diyan na nasa probinsiya na nangangarap makarating ng Maynila, huwag niyo na po pangaraping tumira dito. Sa palagay ko, mas ligtas ang buhay niyo diyan. Isa pa lumolobo na talaga ang populasyon namin dito, sa sobrang sikip ng Maynila akala mo lagi kang nakikipag patintero sa mga tao sa lansangan. Napakasikip dito.
Dagdag na rin natin ang mga gintong nagkalat sa lansangan. Kung saan saan pinadudumi ng mga walang hiyang amo ang kanilang mga alagang hayop. Ipapalanghap sa iyo ito at kung mamalasin makakajackpot ka pa sa pag tapak nito. Sa totoo lang parang hindi na ako makahinga dito.
Gusto ko nga minsan makalanghap man lang ng sariwang hangin. Pero paano naman eh pag labas ko ng bahay - itim na usok ng tricycle, jeepney at bus ang unang unang bubungad sa akin. Napakasarap. Good morning sa inyo~!
bakit ang mga nasa probinsya gusto sa manila... ayaw ba nila ng cleaner air...
ReplyDeletegumala ka na dito sa Cebu! hehehe
ReplyDelete@khanto - minsan gusto din namin lumanghap ng maruming hangin..lol XD
@khanto: baka nag sawa lang din sila sa malinis na hangin
ReplyDelete@tabian: ay gusto ko yan. :D penge pamasahe
ReplyDeleteay pabs, i agree. no offense mean sa mga taga manila. pero dahil sentro xa ng komersyo, tingin ng tao, maraming oportunidad doon.
ReplyDeleteako, masaya na dito sa Cebu. Pasyal nga kayo minsan. sabi ng mga officemates kong galing dyan, mas masaya talaga dito. at cheap pa ha. eheheh
tama ka dito, di na talaga healthy ang tumira dito sa maynila... :D
ReplyDeletePaps: Na-mi-miss mo lang ang SAN BERNARDINO. Huwag ka nang mapeste. Tutal, babalik ka rin naman sa San Bernardino, all righty? :)
ReplyDelete@nieco: ayan ayan pag sabihan mo po sila. :D
ReplyDelete@artie: ryt kaya tara nat umalis.
ReplyDelete@cool canadian: baka nga na miss ko lang ang amoy sa states. ;)
ReplyDeletepapsikels.. and2 kpba pinas? pasyal ka dito launion.. punta tayong baguio.. sagot mo ha?? hahahaha.. im back ulit.. sa tumblr na ako laging nguupdate...nkktmad na sa blog.com eh..hehehe... mwah! ^_^
ReplyDelete