Kaklase: Sasali ako sa networking dun sa ate ko. Maganda kase ang kita dun e. Sumali ka na rin.
Paps: Ayoko ng networking, mahirap kase e.
Kaklase: Sige na, kahit mag member ka lang.
Paps: Ayoko talaga.
5 Hours ago.
Kaklase: Kuya. Bili ka naman nito oh! Maganda sa katawan to.
Paps: Ano ba yan?
Kaklase: (Pinakita sa akin yung mga brochures)
Paps: Hmmm... (Nasa isip ko lang kung ano ba ang mga ito) Nakakita ako ng pampa tseksi.
Magkano to?
Kaklase: Ah yan... bat yan pa napili mo? Mahal kase yan e.
Paps: Magkano nga?
Kaklase: Ang kuha ko kase niyan 1000 pesos per box. Pero pag tinubuan ko 1300 pesos, pero
dahil kaklase kita, 1250 pesos na lang.
Paps: Hayup! Kinuwento mo pa sakin magkano pinatong mong tubo. Ayoko na niyan.
- - - - - -
Malayo sa gusto kong i topic ang scenario na yan. Basta ang pangit niya lang talaga mag benta. Anyhow, inihaw. Eto na talaga. Game na.
- - - - - -
"Kung ano ang nasa isip natin, yun ang kadalasang nangyayari sa atin" Kung puro negatibo ang pananaw natin sa pang araw araw na buhay e magiging negatibong tao talaga tayo. Pano naman tayo hindi magiging negatibo eh kung ang buong kapaligiran ay negatibo?
99% ng balita sa radyo at telebisyon puro negatibo ang balita. Pag ang tatay gumawa ng mabuti sa anak hindi naman ito mai-babalita. Halimabawa, sa ulo ng mga nag babagang balita!! Isang tatay nagkanda kuba kuba sa pag tatrabaho para makatapos ang anak sa pag aaral! Anak nakapagtapos nga!!" Pero pag chinopchop nito ang anak niya. Mas ulo pa sa ulo nang nagbabagang balita.
Pag may mga babaeng nagkumpulan sa kanto o tapat ng bahay tiyak may tsismisan.
Pag tsitsismisan yung kapitbahay.
Tsismosa 1: "Alam mo ba yang si kwan kaya yan hiniwalayan ng asawa, napaka alat kase magluto, pano ko nalaman? Nung wala kase kaming ulam eh kase dinalhan kami niyan ng adobong manok hindi namin nakain sa sobrang alat."
Tsismosa 2: Eh ano na lang ang inulam niyo?
Tsismosa 1: Nagdildil na lang kami ng asin.
Tsismosa 2: Sus maryahosepsantisima. Maalat nga.
Ganun talaga mga katuga. Kahit ano ang gawin mong maganda sa kapwa mo, yung pangit lang talaga ang makikita sa iyo. Normal na yun. Pero pwede pa naman siguro nating mabago yun. Ganto ganto.. . eh kung ganto na lang sana.
Tsismosa 1: Tingnan mo yung mga nakasampay na puting damit. Kapuputi ano?
Tsimosa 2: Oo nga at mukhang malambot at mababango pa.
Tsimosa 1: Napaka husay siguro magkula niyan ni kwan.
Tsismosa 2: Kaya yan mahal na mahal ni kumpareng kwan. Laging naka ibabaw kay pare.
O di ba mas cool ang usapan? Mga katuga. Tayo na't maging positibo ang tingin sa buhay. Napansin ko din kase sa sarili ko, nabawasan ng konti ang pagiging masayahin ko nitong nagdaang araw kulang ata sa enerbon c. Parang ganto lang kase yaan, pag ang manok binabad mo sa toyo pag niluto mo nag lalasang toyo, pag binabad mo sa suka nag lalasang suka at pag binabad mo sa sukang may toyo at bawang, nag lalasang manok na may suka, toyo at bawang, alangan namang mag lasang ketchup *lul. Ibig kong sabihin kung ano ang pinag bababaran ng isip natin ngayon, iyon ang kinalalabasan ng pananaw natin ngayon.
Oryt?
tomahhh,,parang "the secret " lang yan, na kung ano daw vinivisualize mo e yun ang magmamanifest,So mas ok na diba maging positibo at masaya palage ang iisipin mo. miss na kita beh:)
ReplyDeletesana nga lahat nalang ng tao ganyan..e di sana di na uso ang war, suicide bombing at kung anu ano pa..nice post paps!:)
ReplyDeleteahahaha. check. mind over matter. psychology.
ReplyDeleteano kaya mangyayari sa kapaliguran kung puro good news ang nasa balita? siguro good vibes lahat at gagawa ng mabuti. :p
gusto ko yung last word mo papi..inspiring...nkakababad ka ata lately..hehehe
ReplyDeletethis is the classic you, papatawin ka muna tapos bibigyan ka ng aral ng buhay...
ReplyDeletesaludo parin ako sayo paps!
be positive ika nga ni robin.. haaha
ReplyDeleteWell said. Be positive nga dapat.
ReplyDeleteParang tanga naman pala yung kaklase mo. At teka, eh di nag-aaral ka pala ulit Paps?
Impairness paps may lesson learned na naman! Ang tingin ko sa iyo noon ay puro kalokohan pero iba itong post na ito ah, may puso at damdamin at higit sa lahat, may utak. Tama, madalas nga yung panget ang nakikita sa tao. Halimbawa sa office, araw-araw kang on-time dadating, minsan mas maaga pa, wala naman silang sinasabi. Pero minsan ka lang ma-late, mapapagalitan ka agad.
ReplyDelete@ate paul: kamusta na ikaww????
ReplyDelete@lhay: ang boring din siguro nun pag nag kataon. kamusta na kumareng lhayyy???
ReplyDelete@khanto: boring pag puro maganda ang balita
ReplyDelete@chilaxx: yehesss! kamusta ka na>
ReplyDelete@kikomaxx: ay inika ba niya yon?
ReplyDelete@yow: pano siya naging tama?? yep back to school ako pare
ReplyDelete@glentot: salamat naman sa utak
ReplyDeletehaha mganda un, kaya piliin ang bababaran? hahaha
ReplyDeletexlinks sir?.. :)
MUKHA MU ANG POSITIVE NA PANGET PABLONG BAKLA!!!!! BWAHAHAH!!!!!!!!!
ReplyDeleteHARDYLAINE NG PEXBALL
http://pinoyexchange.com/forums/forumdisplay.php?f=74