Thursday, May 5, 2011

Whatever 11 twenty eleven

Noong taong 2009 walang naka tama sa Whatever ten ng Ka-blogs-Tugan kaya ngayon inihahatid ng ka-blogs-tugan.blogspot.com ang Whatever 11 Twenty Eleven. Simple lang ang mechanic ng game. Magbibigay ako ng 11 facts patungkol sa akin, isa doon ang hindi totoo at huhulaan niyo lang naman kung alin doon ang hindi totoo at sabihin kung bakit yun ang napili niyo.Ang unang tatlong taong makatama ay magkakamit ng ka-blogs-tugan shirt.
11 Facts about Pablong Pabling alin ang hindi totoo
1. Nagkaroon ako ng kulugo sa hinlalaki sa paa noong elementary ako, dala dala ko ang kulugo na iyon hanggang sa hayskul, sabi ng ermat ko tuluan ko daw ng kandila para mamatay ang kulugo, ilang beses ko ginawa yun pero walang epek. Wala na ang kulugo ko ngayon, hindi dahil sa pag patak ko ng kandila kundi dahil ginamitan ko ito ng matalim na nail cutter.
2. Ang pinaka mababang grade na nakuha ko sa talambuhay ko ay 74 ito ang kauna-unahang bagsak na grade na nakuha ko, HEKASI ang subject. Masakit pa sa loob ko dahil mamula mula ang kard ko at ang pinaka mataas naman na gradong nakuha ko ay 98 Chemistry naman ang subject.
3. Noong bagong dating ako sa Amerika sabi ko sa sarili ko ang unang unang bibilhin ko para sa sarili ko ay SLR. At pag nakabili na ako noon ay pwede na akong umuwi ng Pilipinas. Ngayon may SLR na ako kaya bago mag buwan ng hunyo eh nasa PILIPINAS NA AKO wuhoooo..
4. 5'10 na ang height ko. 11 pa rin ang size ng sapatos ko. Kayumanggi ang kulay ko. Matindi pa rin ang paniniwala ko sa sarili ko na kasama ako sa mga kalalakihang tinatawag na "Tall, Dark and Handsome" at ganon kakapal at ka konpident ako.
5. Nagtatrabaho ako ngayon sa isang padalahan ng pera. Libo libo ang perang binibilang ko araw araw tapos isang beses na short ako ng $300. Inabot ako ng 30 minutes sa pagbibilang ulit ng pera. Noong binilang ko ulit, hindi pala ako short. Iyon pala mali lang ang bilang ko 100 x 3 is 300 hindi 30.
6. Hindi ako pala-inom na tao. Isang beses pa lang ako nalasing dito sa Amerika. Sa sobrang kalasingan nakabasag ako ng gamit nung ka trabaho ko at pinabayaran sa akin yung nabasag na iyon sa halagang $70. Simula noon, hindi pa ulit ako nalasing hanggang ngayon.
7. Kapag Tuesday at Thursday 9:30 am ang pasok ko. Pag Monday - Friday - Saturday 9 am. Laging napapa aga ang pasok ko kapag tuesday at thursday at lagi naman akong nalalate kapag monday - friday at saturday. Hindi ko maintindihan minsan kung bakit ako nagkaka gayown.
8. Palagi akong nasasabihan ng klasmeyt o co-worker ko na parati daw akong mukhang bagong gising. Hindi ko alam kung maganda ba yun dahil fresh looking ako o dahil mukhang mabaho pa hininga ko at may tuyong laway pa ako sa pisngi. Lagi rin daw parang dinaanan ng bagyo ang buhok ko.
9. Hindi ako nahihirapang manligaw, hindi dumadaan sa punto na nag papahirapan pa ng ligaw. Kase ako ang nililigawan ko e yung may gusto na sa akin kaya wala nang hirap pa. Kung ayaw mo wag mo ganon lang yaon. May tatlong babae sa loob ng isang klasrum ang nagsabi na sa akin na "Kamukha mo ex ko" - yung isa sinabihan ko ng "You want to be my ex too?"
10.Early person ako, yung tipong hindi ako na lalate sa lakad ng barkada o basta hindi ako na lalate pag may kausap ako ng gantong oras. Kaya naman simula nung high school ako e naiinis talaga ako sa mga taong late palagi. Kaya kung ang lakad ay 6 pm dapat sabihin sa kanya 2 pm para at least 6:30 nandun na siya.
11. Takot ako mag drive noon sa freeway. 65 mph dapat ang takbo doon. Sabi ko saka na ako mag freeway kapag suicidal na ako, ngayon panay na ang freeway ko. Siguro nga suicidal na ako.
O Ayan mga katuga. Humula na. :)

PS: Ang Ka-Blogs-Tugan Shirt ay nagkakahalaga ng 300 pesos - binibenta ko rin ito sa mga die hard fans ng kablogstugan (kung meron man diyan). Available ang white & black - Girl at Boy Kablogstugan.
Hindi rin pwedeng manalo ang hindi naka like sa FB ng Ka-blogs-tugan. Sa mga mananalo makakatangap kayo ng message ko sa blog nyo ng
"pare paki email mo ang address mo padadala ko premyo mo" o kaya pag babaeng bebot ang nanalo i aabot ko ang premyo ng personal.

*contest runs till may 15 2011*
dahil sa hindi pa sapat ang bilang ng mga mananalo
inuurong ko ang patimpalak na ito
hanggang sa may 30 2011*

70 comments:

  1. -hula ko number 9. sana tumama. wahihihih

    -Khanto
    ayaw gumana ng login ko

    ReplyDelete
  2. arzy pabs - may iba pa bang color yang shirt? thanks :)

    ReplyDelete
  3. sobrang dalang ko na makapag bloghop buti nalang may pakontest sana lang may doubleXL para kay Jepoy. Anyweis ang hula ko eh number 2. HIndi ako na niniwalang nag ka 74 ka. Naniniwala akong matalino kang bata. Kasi lahat ng humor blogger matatalino. Like me ang talino ko. LOL

    Ciao!

    ReplyDelete
  4. @khanto: Hindi ko alam kung dapat ako mag bigay ng comment kase baka mag ka idea ang mga iba pang huhula, pero hmmm... tandaan mo pre sa mga pogi walang mahirap... yun nga lang di naman ako pogi :)

    ReplyDelete
  5. @rommel: available po ito sa kulay na black and white lamang. :)

    ReplyDelete
  6. @jepoy: yan naman ang gusto ko sa iyo e.... mataas ang ihi mo sakin. este mataas ang expectations mo sakin. :D oo meron hangganga triple X L

    ReplyDelete
  7. thanks, arzy.. i'm interested with the white..
    so pano ako makaka order?
    are you going to leave your email address here or what?
    one size lang ba yan? o size differs ba?
    hai! pasensya na.. thanks, arzy

    ReplyDelete
  8. ang hula q ay # 5...dpat 270 lng ang short mo kung ang bilang mo sa 300 ay 30...

    ReplyDelete
  9. Kasinungalingan ang number 2. Haha.
    Kasi, TAMA si Jepoy, mukhang matalino ka, walang humor blogger na bobo. Kayo naa!
    At isa pa, mas madali ang subject na HEKASI kesa sa Chemistry. Haha. Dahil ang tanga tanga ko din sa hayop na Chemistry.

    ReplyDelete
  10. hula ko no.7....kasi taliwas sya sa sinabi mo sa no.10..ibig sabihin di ka nalalate! dabahhh?!

    ReplyDelete
  11. @rommel: mag join ka muna sa contest malay mo makatama ka, edi free na ang shirt mo. :)

    ReplyDelete
  12. @marvin: matalinong bata. kaso e pano kung hindi lang naman 100's ang pera, may 20's pa 10's and 5's :D

    ReplyDelete
  13. @yow: eh pano kung tamad sa history.... ? :D

    ReplyDelete
  14. @iya: iba ang lakad ng barkada sa lakad sa trabaho... aba nakanaks nag iisip ang mga katuga :)

    ReplyDelete
  15. ayoko sanang makihula pero gusto ko mag comment..wehehe

    9 siguro..pero in fairview paps kamuka mo ang "the one that got away ko" XD

    OT: bagong bihis tayo ngayon ah...me like it!

    ReplyDelete
  16. hula ko din #8... kasi pag TDH ka at may confidents ka, eh di ma porma ka db? hmmmmmm...

    ReplyDelete
  17. @tabian: so valid ba ang sagot na yan o hindi? totoong sagot ba yan o comment lang lolols

    ReplyDelete
  18. @nieco: so hindi ka naniniwala na tall dark and handsome ako. ay nako

    ReplyDelete
  19. okay, sabi mo arzy eh.. i would choose number 1..

    ReplyDelete
  20. pwede makisali? :)

    I choose number 2. kasi ang pagkakaalam ko ayaw mo ng math pero gusto mo ng history subject. hula ko opposite! and its so ironic kasi nagtatrabaho ka ngaun sa padalahan ng pera. haha!

    ReplyDelete
  21. @rommel: toinks hindi valid ang sagot mo, kase walang reasonn.. .:)

    ReplyDelete
  22. @anonymous: aba nag iisip ka talaga ah,,, :)

    ReplyDelete
  23. nakihula lang, kung tatama ako bigyan mo nalang ako ng tshirt...hehe
    walang bawian kung nagkataon..

    ReplyDelete
  24. hula ko ay number 3. hahaha. wala lang hula ko lang.. kasi matagal k n jan. hnd k pa din nakakabii at hnd k p din umuuwi.haha

    ReplyDelete
  25. wahahha.. na sa tate ka na pabs so meaning maginaw at ma chlorine ang tubig (LOL) so hindi na dark, puti na siguro. ^____^

    ReplyDelete
  26. ang hirap hulaan pero feeling ko number 11. kasi di ba kapag nagsisinungaling tayo, we want to make it konting words as possible. kasi kapag madaming words parang mas madaming lies.

    ReplyDelete
  27. BTW nice yung new look. parang mag-asawa yung blogs natin hihi! *kilig*

    ReplyDelete
  28. @kikilabot: okay first number 3 na sagot owkeiii

    ReplyDelete
  29. @nieco: so tall white and handsome ang katotohanan ano

    ReplyDelete
  30. @yelai: oo nga ano magkapatid nga. owkei first #11 guesssss..

    ReplyDelete
  31. anong magkapatid? mag-asawa nga e.

    ReplyDelete
  32. Arzy Pabs, sige.. Number 1 hula ko at ito ang reason ko.. it's quite impossible naman na pinaabot mo pa ng hanggang high school ang kulugo mo na wala kang ginagawang remedy para alisin yun.. Knowing you and your situation in the classroom (girls' apple of the eye), impossible na hindi ka nahiya o nag isip na alisin agad agad ang kulugo mo.. well, wala lang.. kailangan ng reason eh.. arzy, pabs.. :))

    ReplyDelete
  33. Since mahal kita, bibili na lang yata ako:) pero para sa spirit ng pacontest mo,manghuhula muna ako bhe.Feeling ko number 4, hindi ka kalakihan in terms of height pero iba ang malaki sayo sabi mo nga:)

    ReplyDelete
  34. like 'teh Paul, I wanna buy a shirt as well.

    ReplyDelete
  35. like 'teh Paul, I wanna buy a shirt as well.

    ReplyDelete
  36. e wala namang akong fb panu ko makakasali? di ko malike yung fanpage. pero ang hula ko e number 3, kase hindi ka pa photoblogger. lolz.

    ReplyDelete
  37. @romme: aba - bakit yung iba may kulugo pa din kahit matanda naaaaa

    ReplyDelete
  38. @hetz: nako umayos ka ng sagot, walang reasonn..

    ReplyDelete
  39. @ate paul: nahiya naman ako, kung ano man yang malaki na yan ahihihihihi

    ReplyDelete
  40. @vinvin: manghula ka muna parekoyy

    ReplyDelete
  41. @bulakbolero: may tao palang hindi nag ffb... :)

    ReplyDelete
  42. Arzy Pabs, talaga namang may ganun kasi ang kulugo wala namang pinipiling edad ng tao yan.. pasulput sulpot yan.. Pero kung may kulugo ka for years na (elementary to high school), grabe na yan.. Proper hygiene na ang kulang sa iyo.. Pero, I bet talaga na pinaabot mo ng ganun ang kulugo mo.. Kasi, you don't look unhygienic naman.. At minus, minus, minus pogi points yang kulugo sa mga boys..

    ReplyDelete
  43. hi... pwedeng humula? everything is true... 11 facts nga diba? :) i'll pm u my email add para sa prize ko. hehehe :)

    ReplyDelete
  44. ayy! may ganun?? reason2 pa.. naman.. haha. basta number 6 na lang.. sabhn nlng natin na hnd ako naniniwlang hnd kna nalalasing ngaun?? hehe.. macfarm ko!! pagipunan mo na hahaha.. mwahh ^_^

    ReplyDelete
  45. NUmber 6 tingin ko.. Kasi mahilig ka sa Sex haha joke.. kasi tingin ko malakas ka uminom hehe..

    ReplyDelete
  46. number 9 din sa akin.. hahaha

    ReplyDelete
  47. @anonymous - eh pano naman yung last statement na alin dun ang hindi totoo? of kors sasabihin mong 11 facts to cover up ang isang hindi fact. okay sige i admit dapat 10 facts lang. lols

    ReplyDelete
  48. @homer: yah mahilig ako sa sex,,, Lols

    ReplyDelete
  49. @hetz: okay sabi mo e. pero pramis mataas ang tolerance ko sa alkohol. :)

    ReplyDelete
  50. ang reason eh... may nasabi ka minsan sa blog mo pero di ako sure ha... na torpe ka raw.. pero di ako sure.. hahhaa

    ReplyDelete
  51. Arzy Pabs.. late bloomer ka diyan? eh late bloomer pa ba yung elementary ka nagka kulugo?

    ReplyDelete
  52. uhm.. number 11 na lang!! hahaha.. suicidal ka ba?? weh.. namatay kana sana.. hekhek

    ReplyDelete
  53. sagot ko number 3...hula lang...hehehe...
    kasi parang sa kalibre mo, maxadong mababaw na dahilan ang SLR dahil kaya mo nmn yan mabili kahit andito ka sa pinas...

    di ba pwede pabirthday mo nlng ung tshirt? hahaha...jox! :p

    ingat sa paguwi kaibigan!:D

    ReplyDelete
  54. kaasar naman di pala napost ung pinost ko kahapon..hehe..
    anyway, hula ko number 3...wala lang, maiba lng..hehehe :D

    ReplyDelete
  55. rommel: wala naman akong sinabi na umabot hanggang 4th yrr

    ReplyDelete
  56. @anonymous: yah tama ka nga sa facts pero siempre sasabihin mong facts lahat yun to cover up ung isang hindi totoo dun.

    ReplyDelete
  57. @hetz: pano ako malalasing kung di naman ako umiinom

    ReplyDelete
  58. @chhilax: relaxx lang dude. oo nga di nasave mga comments ng nakaraan

    ReplyDelete
  59. andito na rin lang ako eh pwede ba akong mag-join sa contest mo? medium ang size ko pag nanalo ko. Number 1 ang sagot ko kasi i dont think na masokista ka para gawin yun, sakit kaya nun madugo pa, saka di naman siguro papayag ang mother mo na gawin mo yun syempre magwoworry cya na baka mainfection ka... tama ba?

    ReplyDelete
  60. Arzy Pabs, of course it would still be of a year or more.. though you have not said that it was until your fourth year of high school that you had that wart (kulugo), still it would be of a year or more based on your word that "from elementary to high school", that wart was with you the least would be a year (except if that wart popped from march of your elementary grade six to june of your first year high school).. And to think of your personality, I couldn't sense that you would let your wart be with your body for a year or over a year..

    ReplyDelete
  61. @erotika: ang kulugo ay kulugo lamang, malayo sa puso... at saka masokista po ako.

    ReplyDelete
  62. @rommel: nagkakulugo ako i think grade 5 natanggal ko nung 1st year.. mga ganyan siguro . lololz

    ReplyDelete
  63. Arzy Pabs, whatever.. my answer will still be Number 1.. your kulugo is making its moment here..

    ReplyDelete