Monday, July 26, 2010

Araw arawin mo ang sarap!

Scene 1:
Counter:Can I get two regular palabok please!
Paps: Ilan pong palabok?
Scene 2:
Counter: One combo palabok please!
Paps: Regular?
Counter: Combo po.
Paps: Regular?
Scene 3:
Counter: Can I get 1 fries?
Paps: Banana Lanka o Peach Mango?
Counter: French fries po. Hindi pies
Paps: Kala ko nga rice eh.
Scene 4:
Bagong Workmate: Kuya San makikita yung ice cream?
Paps: Sa freezer yata.
Bagong Workmate: (Pumunta, bumalik) Kuya di ko makita!
Paps: Di ko din alam kung san e. Pumasok ka sa pinto, tas may pinto pang isa di ba?
Bagong Workmate: Ah dun sa isa pang pinto?
Paps: Oo. Yun ang freezer, chiller lang yung isa.
Bagong Workmate: Ahhh... (Pagbalik) Kuya di ko makita!
Paps: Di ko din talaga alam kung san yung ice cream. Sa Seafood City ako naka kita ng Ice Cream eh. Sa seafood city ka na lang kumuha baka mas mabilis pa nating makita.

Scene 5:
Counter: I have one palabok cater pack.
Paps: Hala paano yun.....
8===D
Mag iisang buwan na ako sa trabaho. Nag eenjoy naman, mas gumagaan ang trabaho kapag mga nakangiti ang mga kasama mo pero pag naka simangot bumibigat lalo. Medyo malungkot din kapag nakikita kong di nag kakaunawaan ang mga magkakatrabaho pero siguro normal lang sa isang samahan na mayroong hidwaan at grupo grupo pero sana wala, sana isang one big happy family. Kapag naman napapagalitan at nasisigawan ng bossing, isipin lang kung bakit ka napagalitan, hindi naman sila magagalit kapag tama ang ginagawa mo.
Marami akong natututunan sa trabaho- mga bagay na ni minsan eh hindi ko nagawa sa talambuhay ko. Pero may mga ayaw din ako tulad ng amoy piniritong manok na ako, palaging bumababa ang zipper ng pants ko (hindi lang ako ang may problema diyan) at ang pag sugod ng isang barangay ng sabay sabay. Nakaka inis din kase minsan isang tao lang bibili ng family pack - kalakas naman niya kumain. Isa lang tao lang siya ha family pack! yung iba naman isa lang siya oorder ng cater pack! Fuck! cater pack! Fuck! Eh yung niluto ko minsan e kasya lang sa isang cater pack.
Dahil sa medyo health conscious ako iniiwasan ko ang pagkain noon sa fast food ng madalas dahil ayon sa pag aaral eh may masamang epekto ito sa ating katawan, noon yun hindi na ngayon everyday na akong kumakain sa fast food 50% off ba naman ang mga employees e, abay araw arawin mo na ang sarap.

45 comments:

  1. sa Jollibee ka papz? akalain mong may jollibee pla jan hehehe.. ang cute nung mga dialogue...lalo na ung icecream part..glingan mo pa sa trabaho para sa future nu ni tetebols..apir

    ReplyDelete
  2. hayyy... sana magkatrabaho na rin ako like you.

    ReplyDelete
  3. araw arawin talaga ang sarap :))

    ReplyDelete
  4. hahaha thanks to fastfood chains tumaba ako atlas!wahahaha 5kilos din ang nagain ko..hihihih share lang..^_^

    scence four--like!^_^

    ReplyDelete
  5. nakakatuwa naman yung mga scenes lalo yung ice cream.. lol ;)

    ReplyDelete
  6. Naalala ko nung kabataan ko:

    AKO: PABILE! PABILE! PABILE
    Tindera: Ano yun? (nainis sa lakas ng boses)
    Ako: Pagbilhan nga po ng ICE BUKONG TIG-SASAIS
    Tindera: Heto na
    AKO: Magkano po?
    Tindera:Syete

    hahhaha!
    Ingat paps

    wlaa lang nasabi ko lang!

    ReplyDelete
  7. benta ang dialog ah.
    Lagi din ako sa fastfood kahit nag-aaral pa lang ako. hahaha.
    Matindi ang pagkahilig ko sa fries ng Jollibee, di ko alam kung bakit sa fries ng Jollibee, at hindi ko din alam kung bakit fries pa. pwede namang chicken o kaya bee.

    ReplyDelete
  8. naka relate ako...
    once upon a time eh crew ako sa kfc...
    panalo ang mga sagot linya mo paps! haha
    i agree nakakainis after ng shift mo eh amoy manok ka na!

    ReplyDelete
  9. Parang nakakaexcite na tuloy magtabaho. Ang dami nagiging experience. Haha. Bute walang nagagalit na customer kapag sinasagot mo ng ganun? Nakikiepal. :)

    ReplyDelete
  10. ayoko narin mag fastfood dahil ayoko ng tumaba pa. Gusto koring maranasang mag trabaho sa fast, makapag part time nga

    ReplyDelete
  11. gustong gusto ko talaga ang fries sa jollibee, nagdedebate pa nga kami ng barkada ko kasi mas gusto nya daw fries ng mcdo.. pero wala eh, mas masarap talaga ang fries ng jollibee.


    0ne regular fries please.


    fries po, hindi pies :D

    ReplyDelete
  12. Hahaha.. ang kulet ng response mo sa mga costumer buti di sila nagalit ng bonggang bongga hehehe..

    akala ko sa last statement mo eto ang sasabihin mo eh..

    "8/10 people said they will seriously NEVER eat McDonalds again after watching this .."

    ay mcdonalds pala yan...
    buti nalang kay jabe ka hehehe

    ReplyDelete
  13. @cityboy: hanggang ngayon nag gueguess ka pa din kung san ako work

    ReplyDelete
  14. @yakee: hoy ikaw pala yan. oo naman para sa amin talaga ni bebe ko ang lahat ng ginagaw ako

    ReplyDelete
  15. ganyan din ako dati noong jolliboy pa ako. papasok ako sa skul na amoy chickenjoy ang pantalon tapos amoy yumburger ang bag!

    teka paps, explain cter at family pack. 'di ko naabutan 'yan.

    tsaka trabahong kabayo rin ba jan?

    ReplyDelete
  16. @karen: konteng sipa lang yan makakahanap ka rin

    ReplyDelete
  17. @superjaid: ganun nakakataba pala fast food. nako po.

    ReplyDelete
  18. @drake: hahaha. parang coke nga yung pepsi ha

    ReplyDelete
  19. @munting bisiro; gusto ko ang fries ng mcdo. =)

    ReplyDelete
  20. @yow: hindi naman ako nakikipag deal sa customer, dun sa counter.

    ReplyDelete
  21. @jepoy: nako. di pwede mag facebook dun

    ReplyDelete
  22. @ming: isa ka pa. hanggang ngayn nanghuhula ka pa rin

    ReplyDelete
  23. @defenilla: fries pa rin ng mcdo masarap

    ReplyDelete
  24. @poldo: hay yang youtube na yan, baka jollibee lang gumawa nyan. hahaha

    ReplyDelete
  25. @nobenta: gash , matagal ng may cater pack at family pack... sinabi ko bang sa jobeee ako. ?

    ReplyDelete
  26. aw, sorry naman paps. buong akala ko eh sa jollibee ka! hehehe. san ka nga ba?

    ReplyDelete
  27. @nobenta: hahaha,. ganun. eh basta ala akong sinasabi kung san ako. malay mo tama ka. malay mo rin mali. :)

    ReplyDelete
  28. oo ako nga to..anu dun ako sa lumang blog o sa bagong blog huhuhuhu

    ReplyDelete
  29. hehe. naku, papz. hindi na ko gagawi sa fast food kahit kailan! ang ilang kilong kolesterol na dulot ng isang value meal ay ang huling kailangan ko upang dumagdag sa aking tone-toneladang kolesterol sa katawan.

    hehe. nag-enjoy ako sa nabasa ko. balak ko rin sanang magtrabaho sa fast food. kaso, mukhang hindi applicable dahil sa akin pa lang, mauubos na ang paninda nila. hahaha! XD

    muling bumibisita. ipagpatuloy mo ang kwento ng buhay.

    ReplyDelete
  30. @yakee: anong dun ka sa luma sa bago

    ReplyDelete
  31. @rcyan: welcome back po. matagal kang nawala

    ReplyDelete
  32. hahahah! bida talaga ang saya! bagay na bagay ka jan paps! diba may rotation sa mga fast food? kelan ka magiging maskot?

    ReplyDelete
  33. mahirap daw mag suot maskot, 15 minutes lang daw itatagal

    ReplyDelete
  34. @sub: wish ko maging maskot ako... kaso may maskot ba kami

    ReplyDelete
  35. @abou: di ko alam.... wala bang fan sa loob yun?

    ReplyDelete
  36. kawawa naman ung new workmate, nalito kung san ice cream.

    ReplyDelete
  37. waahhh hanep ang dialog nakakaaliw,,,naligaw ang new workmate san makikita ang ice cream ang adik hahaha,,,
    ok lng mangamoy pritong manok bili nlng ng perpyum pag ka sweldo mo hehe,,jokes lng~~

    ReplyDelete
  38. @khanto: ako din e. nawawala pa rin kung san kukuha ng stocks

    ReplyDelete
  39. @unni: walang talab na yung perpyum e... yung damit ko kinapitan na ng amoy ng manok

    ReplyDelete
  40. nakakatawa. lalo na ung scene 4. :D

    ReplyDelete