Monday, May 17, 2010

SUMAMER KA NA.


Dahil sa summer na summer na dapat yung topic e patungkol sa summer. Kaya naman pag usapan natin ang karanasan ko sa mga exchange gifts sa tuwing may christmas party. Noong elementary - natatandaan ko dapat hindi bababa sa halagang 50 pesos ang regalo mo. Madalas ako nakakatanggap ng regalo na may lamang candy sa loob. Tuwang tuwa ako kase sa pakiramdam ko e bonus na yung candies dun sa loob - iyon pala nung nagkaisip ako ng konte - halimbawa singkwenta pesos ang pinakamababang halaga - tapos may sampung pirasong candy - ibig sabihin nun 37 pesos lang yung halaga ng natanggap mo, limampito yung tampung piratong candy, yung natitirang 8 petot pambalot. Natalo ka ng otso petot.

Sa apat na bagay lang tumakbo ang mga na tanggap ko, alkansiyang may candy , alarm clock na may candy, wall clock taena wala ngang candy clock rin naman at face towel na may candy yehey. Paulit ulit na ganyan lang din ang natatanggap ko - yung isa ko ngang classmate nagkausap kami ng masinsinan lalaki sa lalaki talagang alarm clock lang natatanggap niya mula noon mag pahanggang ngayon, sabi ko sa kanya "hayaan mo pre may next year pa naman". Pagka malas malas niya sa buhay at least ako e different flavors may ibat ibang choices.

Sa tuwing inaannounce ang christmas party at exchange gift sa school nag ngingitian ang mga bata, ngiting ngiti sabik na sabik, yung iba nga hindi pa makatulog. Noon nung inanunsyo ang exchange gift sumigaw kami ng "a-larm clock! a-larm clock! a-larm clock! alam na!" Kaya nagkaroon ng pag ban sa pag reregalo ng alarm clock sa buong kapuluan.

Paps: Me exhange gift na namin, ano kaya magandang pang regalo?
Mommy: Alarm clock.

Isang beses e kabadong kabado ako kung ano kaya ang makukuha ko sa exchange gift- daming regalo sa mesa ano - so isa isa nang tinatawag monito monita - yung malalaki ang hinuhuli. Hindi pa rin ako tinatawag yes! malaki laki ata ang akin. Tatlo na lang natitira- di pa ako tinatawag - dalawa- di pa rin ako tinawag - yes jackpot akin pinaka malaki. Yung isang natira - hindi ako ang tinawag.

Dear Ate Charo,

Hindi ko malaman kung lalabas ba ako ng silid aralan ng luhaan o mag wawalang kibo na lamang, nakakahiya parang ako lang ata ang walang tanggap, pakiramdam ko parang binihusan ako ng malamig na tubig, hindi ko na makayanan hanggang sa nagsalita ang teacher at nagtanong kung sino ang walang natanggap, di ako umiimik may pag ka shy type ako e - yung katabi ko nagsabi mam eto o wala. Mabuti napigil ko ang iyak ko - so tiningnan na ang balot box kung sino ang nakabunot sa akin. Ayun umattend ata ng ibang christmas party at hindi pumasok ang naka bunot sa akin. Letse te charo

24 comments:

  1. kal;a ko ba summer post? bat jump sa christmas? kulet.hehe

    ReplyDelete
  2. uhmmmmm bakit hindi nabanggit ang mga picture frames? hihihihihii

    usong-uso yun ipangregalo nung araw....

    aaaaaaaaay..... ibang generation pala yun....henerasyon ni Glentot

    ReplyDelete
  3. ako din nung bata ako sabik na sabik akong makatangap ng regalo pero never naman akong nakatanggap ng mga namention dito..madalas kasi figurin or damit ang natatanggap ko..hehehe

    ReplyDelete
  4. ayy pati pala pictur frame na katanggap ako..hehe

    ReplyDelete
  5. paps, hindi uso sa amin ang gift na alarm clock. never pa ako nakatanggap. ang madalas ko makuha ay face towel, panyo, at picture frame. walang candy pero may barya palagi na kasama.

    ang pinakamalufet na natanggap ko ay isang set ng hot sauce na nakabalot sa box ng hopia. galit na galit si ermats nung nakita niya ang dala kong regalo.

    ReplyDelete
  6. wahahaha...digress..

    buti nga sayo papz, kay ate charo ka pa nagsumbong.

    sa wish ko lang sana..ok pa..

    ReplyDelete
  7. @pusang: ganun talaga

    @yj: di ako nakatanggap ng picture frames, pero yes oo tama uso nga rin yun

    ReplyDelete
  8. @superjaid: wahahaha. ayoko ng figurin...

    @superjaid: ikaw din picture frame

    ReplyDelete
  9. @no benta: hahahahahaha. hot sauce amp......baka naman may galit sa iyo ang nagbigay

    @mjomesa: wehhh kapuso.

    ReplyDelete
  10. kulet lang, summer na summer ang post ah! Merry Christmas sa'yo!

    ReplyDelete
  11. ouch naman paps.. damang dama ko ang pagdadalamhati mo ngayong summer. dapat sinumpa mo ung kaklase mong un..dapat kinuha mo na lang ung regalo sa kanya.. diba dapat meron pang isang regalong natira para sa kanya??

    ReplyDelete
  12. Face towel ang bad trip sa exchange gift

    ReplyDelete
  13. wala nang mas babadtrip pa pag makatanggap ka ng deodorant!..bwiseet!!!

    ReplyDelete
  14. swerte pa nga ang alam clock. kabad trip pag porcelana ng pusa o vase na maliit. kainis i can still remember those days.

    ReplyDelete
  15. @bulakbol: happy new yr tol

    @chiklets: oo yung gift para sa kanya e para sa kanya talaga un, di ko na alam nangyari basta ang alam ko masakit

    ReplyDelete
  16. @khanto: sinabi mo pa. ;)

    @vonfire: hahahaha nakatanggap ka niyan? alam na

    ReplyDelete
  17. @random: porselana ng pusa? ano un

    ReplyDelete
  18. @jaid: picture frame na yan ang pinakaayaw kong natatanggap nun elementary ako sa tuwing xchange gift sa skul, grrrr buti nauso angfigurin :D

    @paps: maswerte yung pusa, lalo pag kumakaway :) chinese cat

    ReplyDelete
  19. bad trip pag natangap mo cash? nilagay pa sa kahon ng posporo. Tamad lang siguro bumili...Merry Christmas and a Happy Summer...

    ReplyDelete
  20. ang saklap naman ng pngyayaring ito! lol, ako nman, puro bimpo lng ntatanggap ko. aww!

    ReplyDelete
  21. @anthony: aanhin mo naman ang pigurin. . . mas maganda na ang picture frame. :) - ah un pala un

    @Ghie: hahaha. . mas oks ang cash sa akin kase ako na lang bili ng gusto ko

    ReplyDelete
  22. ok lang naman ang umiyak ahhh..lols

    bawas pogi points nga lang....hehe

    ReplyDelete