Wednesday, May 5, 2010

BAGONG HUKBO


Hindi ako jejemons. Noong nasa Pilipinas pa ako hindi ko talaga gusto ang pag tetext o pag type sa social networks ng mga jeje words at jeje styles. Sa kadahilanang nahihirapan ako umintindi ng ganoon ding mga salita. Tatlong taon o higit pa nag exist ang mga jejemons, ngayon ngayon lang sila napangalanan.

Ngayong napangalanan na sila, lumabas naman ang mga jejebusters. Ito yung mga taong ginugugol ang oras nila sa pag sugpo ng mga jejemons. Sila din ang mga taong hambog na pilit pinamumukha ang kabobohan ng mga jejemons. Ano naman ngayon kung batiin ka ng "GuDMmmOrneeNgSzWH PfUhHnheW KagzHMuZTaHZA pkAnAHZ ha?.. .?! jeje ".

Noon e natatawa tawa pa ako sa mga jejemons at jejebusters. Pero nung mapadpad ako sa isang jejebuster site sa facebook e - mas karumaldumal pa sila kumpara sa mga jejemons. Narito yung mga you tube video nila na pinapakitang pumapatay sila ng mga jejemons, kung paano nila husgahan, mag capture ng mga taong gumagamit ng jeje words at kung ano ano pang kajejemonsteran.

Para sa mga jejebusters - gusto ko lang sabihin sa inyo na tama na! sobra na! OA na!. Sige kayo na ang matatalino, kayo na ang may baso ng starbucks kayo na!. Sa mga jejemons naman gusto ko ding sabihing bawas bawasan niyo ang pag papacute, ang kyut kyut niyo na e.

At dahil sa tulad kong naiinis sa mga jejemons at jejebusters. Pinakikilala ng kablogstugan ang mga . . . (drum rolls)

Wala lang kami lang yung mga epal sa away ng
jejemons at jejebusters
. je je je este hehehe

28 comments:

  1. Natawa ako sa post mo sabi ko hihihihi este ajejejejeje

    ReplyDelete
  2. ako naiinis ako sa mga ibang jejebusters na kung manlait kala mo kung sno samantalang sa nakaraang buhay nila, jejemon din naman sila.

    ReplyDelete
  3. wala namang pinagkaiba sa mga jologs at konyo dati yan. yung isa, pilit na mas mataas ang ihi habang yung isa naman ay panay ang pa-cool kahit hindi naman talaga.

    jologs ako kapag jologs kasama ko. pero kaya ko ring umintindi ng mga konyo. pareho akong asar sa kanila sa ibang bagay pero pareho kong ginagawa yung mga inaasta nila paminsan-minsan.

    lahat ng OA, pangit na ang dating.

    ReplyDelete
  4. Tama! Masyado nilang binibigyan ng attention ang jejemons, masyado silang nagagalit without realizing na they look stupid in the process. Kung "lower life forms" ang jejemons, bakit sila lumelevel?

    ReplyDelete
  5. i don't even want to go there.....

    ReplyDelete
  6. sikat na sikat na nga ang mga jejemons...
    sikat ba o usong-uso?
    wahahaha... jejeje pala..lols

    ReplyDelete
  7. agree..oa na masyado yung mga jejebusters..masyado na silang mapanlait at mapangmata ng kapawa nila..tsk tsk

    ReplyDelete
  8. basta di pa ako naapektuhan bahala sila magkagulo lolzz

    ReplyDelete
  9. @ELAY: gusto ko yung term na samantalang sa nakaraang buhay nila e jejemon din sila

    @nobenta: oo nga no parang rebirth lang ng jologs at konyo

    ReplyDelete
  10. @glentot: natumbok mo parekoy

    @yj: where?

    ReplyDelete
  11. @kosa: uyy jejemon ka. :)

    @superjaid: yep

    ReplyDelete
  12. haha. korek. nakakairita na sila pareho. pero mas nakakayamot na tlga ang mga jejebuster! tsk.

    ReplyDelete
  13. hahaha may jejebusters na rin pala..ang kulit!
    basta ako..hinde ako kabilang sa kaninuman sa kanila!

    ReplyDelete
  14. Bakit parang naririndi na ako pagnakikita o naririnig ko yang topic na yan (sorry naman!hahaha!)

    Ibalik na lang ang mga Jologs! at ang mga Jumping Jologs!

    ReplyDelete
  15. hehehe katawa naman yang mga jejemons and jejebusters!!!!!!!

    ReplyDelete
  16. @keso: oo mas sobra ang jejebusters

    @silentassasin: haha- kala mo lang hindi

    ReplyDelete
  17. @drake: kakarindi haha good term to

    @ezeley: jejeje

    ReplyDelete
  18. may coniomon na
    laging may "dude", "bro", etc sa pagtetext :D

    ReplyDelete
  19. hohoho. . .let's just forget about them.

    sobra na nga e, ayun. =P

    at sa palagay ko, mga 8 years na din yang jejemons, anu lang, ngayon lang talaga naleybelan, tsaka mas nakakahilo't nakakairita yun mga words nila, dati slight lan.*hmf*.

    at kung sino man yung nagcoin ng term na "jejemon", kudos kid!

    (at gusto ko ang audio file mo, sagoey!anu daw?)

    ReplyDelete
  20. @alitaptap: nakakatawa id mo a, ano

    ReplyDelete
  21. Hay naku! Naiinis lang ako sa mga yan sa totoo lang. Iba kasi namumulatan ng mga kabataan sa klase ng mga lenguahe at pagsulat ng mga jejemons. At alam ntin na masyadong matalino ang pinoy na khit di tama eh ginagaya na. Kaya sana tigilan na ang mga ganyang uri ng kalokohan.


    Solo
    Travel and Living
    Job Hunter

    ReplyDelete
  22. nakakita na ko ng jejemons pero jejebusters di pa. ok wait mag google lang ako.

    ReplyDelete
  23. teka. . .aba, aba, at anung nakakatawa sa id ko? hmmm? pakiexplain.. kthnksbye =P

    ReplyDelete
  24. @solo: tama.

    @random: sige balitaan mo kame

    ReplyDelete
  25. @napundi- bihira kase ako makakita ng pundidong alitaptap,

    ReplyDelete