Dahil sa bakasyon na pag usapan natin ang mga titser.Sa tinagal tagal kong naging estudyante
may iisang common na ugali ang mga guro. Ito ay yung pamatay nilang banat sa unang araw ng klase "kilala ko na ang mga ugaling bawat estudyante kaya wag niyo akong susubukan, ang ayaw na ayaw ko ay yung tamad at kahit mayor pa ang magulang mo hindi ako natatakot na mambagsak dahil nambabagsak talaga ako.
Nung nasa elementary ako e takot na takot ako pag nakaka rinig ako ng mga ganyang kataga mula sa mga guro dahil napaka tamad kong batang mag aaral. Pero pagtungtong ko ng highschool e medyo sumipag na ako, kung nung elementary ako e hindi ko talaga ginagawa ang assignments ko, nung highschool e nauumpisahan ko na ang assignments ko, nung college naman
e nakakakalahati na ako. Nag sisisi nga ako kase ang bobo ko sa math, bobo talaga kase di ko natutunan ang basics katamad ko nung elementary kaya nahihirapan pa rin ako sa sa 6 x 9 equals kwan hmmm...calcu nga.
Ilan sa mga gurong tumatak sa isip ko sina. . .(di tunay na pangalan)
1. Mrs. Sue - Ito ang guro na ang sungit sungit sa estudyante. Namamahiya ito sa recitation at
kakabahan ka sa tuwing ikaw ang nahirang na sasagot sa kanyang malupit na
humahagupit na tanong.
2. Mrs. Tal - Bukod sa isa rin siyang masungit na guro tulad ni Mrs. Sue. Parati pang tumatalsik
ang laway niya sa aming mga nasa first row. Minsan naming binoycot ng katabi at kaibigan kong si pareng oliver ang gurong ito dahil sa patuloy na pagtalsik nang laway at pamamahiya niya sa amin. Nasanay na rin kami sa kanya kaya sa tuwing may tumatalsik sa mga kamay, notebook,buhok at mukha namin e napapatingin na lang kami sa tumalsik sa amin. Nang mag kakwentuhan kami nung isang taga second row gulat na gulat siyang malaman na "pati pala kami ay natatalsikan". Malamang kung siya nga na nasa malayo e nakaka tanggap ng blessings kami pa kaya na nasa harap.
3. Mr. Dee - mala demonyo ang dating niya kase hindi siya naniniwalang may Diyos.Founder ng
atheism sa U.P dati.Hindi ko akalain na mag kakaroon ako ng guro na ganito. Ang masasabi ko lang ano naman ang pag babagong magaganap sa buhay ko kung totoong wala ngang Diyos. Hindi ko sinasabing masama siyang tao in fact napakabait niya siya ang tinuturing ko na the best teacher ko kase aside from follower siya ng ka blogstugan e magaling na guro at naka flat one ako sa kanya.
4. Mr & Mrs Hee - sobrang hina ng boses. Kailangan mag kabit ng hearing aid ang mga
estudyante twing klase niya.
5. Ms. Boo - mahilig sa bunutan. Pag nabunot ka humanda ka na sa itatanong niya. Kasama ka
lagi sa raffles.
6. Mrs. Ter - kala mo Mrs. terror ano? hindi. Mrs. Ter kase palaging terno ang suot niyang damit sa bag,sapatos, pamaypay, kuko,buhok at malay mo sa bra at panty pa. Malupit! Masakit sa mata.
7. Mr Miss - baklang propesor - tinext niya ako matapos niya ako maging estudyante.
8. Mrs. Zzzz - nananaginip ako tuwing klase niya. Kung di ka makatulog pasok ka lang sa klase
niya.
9. Mrs. Chick - kinalahig ng chicken ang sulat sa pisara. Maraming estudyante ang nag tatanong "Mam ano po ito" kung di makahalata e sana nag dictation na lang siya o nag pa xerox
ng kopya. Nakikipag kompetensya sa mga estudyanteng kahig manok ang sulat.
10. Ms. Hotee- pare ang sheksi. Buhay na buhay ang mga kalalakihan at tomboys sa klase niya.
Pag kausap mo siya hindi ka nakatingin sa mukha niya kundi dun sa medyo sa may baba ng leeg.
11. Mr. Hotee- buhay na buhay naman ang mga kababaihan at girlalus dahil sa fit na fit na polo ni prof.
12. Mr & Ms Green - hindi mawawala sa klase niya ang mga Green Jokes. May mga classmate ka namang nakatanga kapag nag biro na siya, hindi nakakagets ng aritmitik.
13. Mr. at Ms. Haha- Ganito ang gusto naming propesor para lang kaming nasa comedy bar.
Magaling magturo kase di ka mababagot sa kakatawa habang natututo. Si Ms haha ay kamukha daw ni Chocolate at Dugong.
14. Ms. Habam- nung kinder ka single siya, nung graduate ka na ng highschool single pa rin
siya patapos na ako ng college ganun pa rin habambuhay na lang siyang
single. Nawili na lang sa pag papa straight ng buhok twing akinse at
katapusan.
Ilan lang yan sa mga naging propesor ko, kung ikukwento ko pa lahat e aantukin na kayo. Hindi ko sinisira ang mga prop ko napag kukwentuhan lang, sila rin naman pinag kukuwentuhan tayong mga estudyante so patas lang, mahal na mahal ko ang mga prop ko at madami sa kanila ang pwede natin ituring na bayani dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi tayo aasenso at matututo.Pinupugay ko lahat ng mga titser sa buong mundo. Naway dumami pa ang tulad niyong matiyaga sa aming mga estudyanteng pinag uusapan ang mga guro pag walang maisulat sa blog.
yehey,nauna na naman akong mag-comment..
ReplyDeleteidol mo po ba si Bob Ong??hehe,nice
...nice....
ReplyDelete....pwede ka na magpublish ng libro....
Ayos! halos lahat nang titser na nabanggit mo, meron akong naalala. hahaha!
ReplyDeleteMabuhay ang mga TITSER!!!
Kun di dahil sa mga turo nila, wala tayo sa mga kinlalagyan natin ngayon. =)
mabuhay ang mga titser tlg kasi titser nanay ko hehehe..la lang papromote lng ako hehehe..
ReplyDeletehaha, may naalala ako sa katauhan ni mrs tal,ung titser ko nung hs, hndi lng laway ang tumatalsik kndi pustiso. tsk.
ReplyDelete"Nawili na lang sa pag papa straight ng buhok twing akinse at
ReplyDeletekatapusan."
LOL wtf hahaha
Naku! Lagot ako. Lolz. Di kaya pinag-kukwentuhan din ako ng mga student ko noon? Haha. Ganda ng post, kaaliw! Meron din ako ng mga titser na yan during my school years. =D
ReplyDeleteJules
Soloden.Com
The Brown Mestizo
@pearl: oo idol ko .
ReplyDelete@raymund: basta ba kaw publisher
@stone: baka mag kaklase tayo
ReplyDelete@rico: lutooo
@keso: ahhaah pustiso!muntik na ako mapatambling sa kakatawa
ReplyDelete@glentot: hahaha
@jules: oo naman.
ReplyDeletetawa ako ng tawa dito may kahalintulad sa mga naging teacher ko rin nung hiskul at college.
ReplyDeletegaling
@anonymous: ano name mo
ReplyDeleteok to ah,kakatuwa magbasa.hehehe(=
ReplyDelete