Monday, March 1, 2010

WALANG INOM INOM


Sinubukan ko mag laro ng dota noon kaso pang matatalino lang daw ang larong iyon. Tae. Hindi ko talaga malaro ng maayos ang larong iyon hanggang sa napag lipasan na ng panahon hindi ko pa rin na master iyon. Kaya natawa ako sa larawan na iyan - mag dodota na lang ako kahit hindi ako marunong. Ibig sabihin hindi lang ako ang nag iisang boplogs sa pag lalaro ng dota. (Kaway sa mga kumpareng nag turo sa akin ng dota noon diyan). Taena miss ko na kayo.
-----
Mga katuga - Salamat sa pagsali niyo sa FACEBOOK FAN SITE natin. Nakakataba ng puso - dumami ang readers natin at dumami rin ang mga anonymous na nag cocomment ng kung ano anong kakwanan. Ito lang masasabi ko - may IP ADDRESS ang bawat computer. Bow.
-----

Hirap din pala talaga dito sa esteyts pag bago ka, kung sa pinas e pag may problema ka ang sinasabi lang ng barkada mo dun e "tara pre iinom mo na lang yan". Tas ayun bili ng boy bawang sawsaw suka mahuli taya, bili pulutan tas inom kung kaninong bahay pede na. Dito mag isa lang ako pag gusto ko uminom e itutulog ko na lang - di bale dadating din yung panahon na mag kakaroon ako ng mga barkada, kaibigan dito. Whew. Ang sinasabi ko lang sa post na ito e - MISS KO NA MGA KAIBIGAN KO DIYAN. =)

special shoutoutz kay bebe ko : hello hello po. aylabupo

29 comments:

  1. ayy.. honga, ang daling magtawag ng kainuman dito sa pinas. lalo pag emo ka na, asus!

    gusto ko rin maglaro ng dota kaya lang, tamad ako. haha

    ReplyDelete
  2. @choknat: hahaha. . . nakakatamad nga naman.

    ReplyDelete
  3. never pa ako nakakalaro ng DOTA.. sa barkada, ako lang yng di marunong maglaro kaya sa nila.. "tol, kawawa ka namn.. napag-iiwanan ka na ng panahon.."

    di lang talaga ako mahilig ng mga online games.. kahit nga yung farmville ba yun na halos lahat naglalaro na.. ako never pa.. as in never. di ako marunong.. hehe!

    ReplyDelete
  4. @ram: ayos yan! parehas lang tayo. hahaha. ewan bat ba mahirap yan hahaha

    ReplyDelete
  5. Hehehe :D Kala ko rin mag isa lang ako...anjan ka pa pala lolzz

    Di naman kasi ako mahilig sa mga computer games :D

    ReplyDelete
  6. Hirap din ako makaintindi ng DOTA. TADO, pwede pa. Ito ang code namin ng barkada kong si Pungak. Miss ko na nga ang inuman sa Pinas. wala kasi dito sa Saudi!

    ReplyDelete
  7. masayang magdota pero may trip ko pa rin ang plants versus zombies..wahahaha

    ReplyDelete
  8. dahil sa picture na yan! Alam kong magugunaw na talaga ang mundo.hehehe

    Di ko rin alam ang DOTA, dama lang!

    Ingat

    ReplyDelete
  9. hahaha. **sabay bilang ng Isa**
    dumarami pala ang kapareho kong hindi rin naging bihasa man lang sa dota.

    Ayus lang yan parekoy. masanay ka ng uminom nag-isa..lols

    at dahil dyan, additional Fan na si Kosa sa FB..lols

    ReplyDelete
  10. Kampay!!! Dota nalang kahit na ngangapa pa!

    ReplyDelete
  11. di bale, sasamahan kitang uminom dito hehehe... tagay na!

    ReplyDelete
  12. imba! anak ng, ano yan paps?? parang undead ah hehe, dota na lang din, sama ako sa inyo, senti tayo!

    ReplyDelete
  13. natawa naman ako sa pic. kahit ako man hahaha dota na lang kahit sa pangalan ko lang alam :P

    ReplyDelete
  14. kelangan ba talagang pagpilian ang pagdodota at sa isang gay?...hummp!

    ReplyDelete
  15. kailangan may aylabyu at the end? hehe

    uwi ka na. tagay ka namin. :D

    ReplyDelete
  16. tama tama.. dadating ang araw namagkakaron ka ng barkada at wala kayong gagawin kundi gumimik at uuminom. haha! gawain ng barkada ko.. tsk. jk!

    ReplyDelete
  17. tama!!! dali maghanap ng inuman dito. parang ngayon lang kahit tanghali may pupuntahan na akong inuman hehe. -isnab

    ReplyDelete
  18. Ano ba yan? sana good person na lang...

    comment by: The Rookie Blogger

    ReplyDelete
  19. masarap kaya uminom mag isa..... mas ramdam ang emoness....

    ay sorry, si Glentot lang pala gumagawa nun... deadkid kasi bwahahahahahahaha

    ReplyDelete
  20. @Lord: ako medyo adik e lols sablay lang sa dota

    @no benta: oo nga dami natin kaka miss ng inuman sa pinas

    @superjaid: hahaha alam ko yan.

    ReplyDelete
  21. @drake: hahahaha kagunaw gunaw ba?

    @kosa: hahaha salamat parekoy

    @jepoy: wag na.

    ReplyDelete
  22. @chingoy:asan ka ba parekoy

    @anthony: undead lols

    @klet: haha tara dota

    ReplyDelete
  23. @vonfire: haha pagtanggol daw ba

    @city: kung pepede lang sana e

    @chiklets: sana dumating na ang araw na un. ee ano kaya kung isama mo ko senyo haha

    ReplyDelete
  24. @isnab: nakakataba ng puso ang mga comment mo ahahaha

    @solo: oo ala!

    @rookie: good person? ano raw

    ReplyDelete
  25. @YJ; lols hindi ka naman umiino para langmag emo

    @kalorki: lols

    ReplyDelete