Monday, March 15, 2010

Nakatikim ka na ba ng ipis?


Sa ibang kultura kinakain talaga ang ipis. Ikaw na pinoy akala mo lang hindi ka pa nakatikim pero oo mga katuga nakatikim ka na. Naaalala mo ba nung bumisita ka sa isang bahay - pinagamit sa iyo ang pinaka magandang baso at pinaka mamahaling plato at ang pinaka makikintab na kutsara at tinidor. Nakita kong pinag lipasan na ng panahon ang ininuman mong baso na galing sa aparador, sa pag mamadali e hindi na hinugasan at ipinagamit sa iyo. Nilakaran ng ipis yun.

Napadalaw kase ako sa isang bahay - ayun nga pinipilit saking ipainom yung juice na tinimpla nya kaso nga e yung baso amoy ipis. Titiisin ko na lang uhaw ko. Alam ko amoy ng ipis ewan ko ba pano ko nalaman, di ko pa naman inamoy mismo ang ipis.

Karaniwan sating mga pinoy itinatago ang mga babasagin at mamahaling gamit at ginagamit natin ang pinaka nakaka awang gamit sa mundo. Tapos kapag may bisita saka ilalabas ang magagandang gamit. Magaling.

Kapag nakabasag ng baso ang bisita.

"Ayos lang yan ikaw naman. Madami pa naman tayong baso diyan pwede ka pa mag basag" (nakangiti pa yan)

Kapag nakabasag ng baso ang anak o kahet sinong naka tira sa bahay.

"Put#@!S&#$" Nakabasag ka na namang hayop ka! Mamahalin pa naman yan.

Naalala ko nung bata ako e sa kaibigan kong bahay - madami siyang laruan kaso ang mga laruan niya lahat naka balot at naka display sa aparador - bawal laruin kase baka malaro este masira. Kaya ayun nag lalaro kami ng tsinelas at bato.

Bakit hindi natin gamitin ang mga gamit na hindi ginagamit kaya nga tinawag na gamit para gamitin sayang naman kung hindi gagamitin. Kapag na dedbols ka hindi mo rin naman magagamit yan hindi mo tuloy na enjoy ang mga gamit mo.
Panahon na upang ilabas ang mga nakatagong gamit! Gamitin na yan! Gamitan na!

20 comments:

  1. hahahaa, yung mga bago at magagandang gamit nakadisplay sa tukador! very PInoy! :)

    ReplyDelete
  2. hehe ako yata ung bata na ayaw pagamitin ng laruan kasi nga naman baka raw masalaula.. ampp di pala laruan un.. display un heheheh..

    nice one (^_^).v

    ReplyDelete
  3. ako nakatikim na ng ipis. lol. minsan kasi nakakain ako ng tinapay sabi ko lasang ipis. tas may sumabat, "bakit, nakatikim ka na ba ng ipis?!".

    yung mga plato naming display, niluma na ng panahon. haha

    ReplyDelete
  4. ang mga pinoy nga naman..tsk tsk isa ata to sa mga weirdo na ugaling pinoy..hehehe yung lola ko nga eh..pati mga lotion na pinapapackage itinatago hanggang maexpire na lang..tsk tsk..

    ReplyDelete
  5. you are so right! haha isama mo na diyan ang mga sala set na naka-plastic pa. lol

    parang pabango din although i think di lang pinoy gumagawa. we save the expensive ones for special occasions. di nila alam, may expiration date to. haha paalala ko lang sayo, teh. hindi yan alak na tumatamis over time.

    ReplyDelete
  6. pinoy nga naman.. natawa ako kase kahapon lang sinesermunan ni ermat ang kapatid ko.. "binuksan mo na naman ang laruan mo.. di ba sabi ko sayo wag aalisin sa lalagyan, baka marumihan??" kaya nga laruan eh.. dapat laruin.. singit ko sa usapan.. ayun nahampas tuloy ako!

    ReplyDelete
  7. hahahaha. grbe tlga mga pinoy. naalala ko ung kama namin, nkplastik pa. lintek. hndi masarap sa pakiramdam.

    ReplyDelete
  8. kaya nga sobra kong na-eenjoy magbasag ng mga plato at baso kapag nagtatantrums ako... pero pinaka enjoy ko talaga pag may hinahagisan ako at umiilag ilag pa... pero dati yun... kasi ngayon puro paper plates na gamit namin... naubos na mga babasagin eh.... im sad....

    ReplyDelete
  9. Korek! Naku OA naman yung nakaplastik yung laruan amf... Bumili pa sila kung di naman pala ipanglalaro sa anak nila!

    So far konti palang yata nababasag ko na gamit hahaha..

    ReplyDelete
  10. Nakarelate ako sa lasang ipis pare. hehehe.. Minsan nga, parang hinahanap hanap ko na yong lasa e.. lol. joke..

    ReplyDelete
  11. Paps wag ka nang mag tampo. Naka save naman ang baboy badge mo kahit ang gusto kong baboy talaga ay yung nas header mo ahahaha.

    At parang nasasanay narin ako sa kapeng lasang ipis :-D

    ReplyDelete
  12. @chingoy:very pinoy.

    @pink: naka relate haha

    @choknut: uu galing no alam natin amoy at lasa ng ipis

    ReplyDelete
  13. @superjaid: hahaha koreks patif foods

    @cityboy: solid!

    @ram: hahahaha wag kase nag oopinyon.

    ReplyDelete
  14. @keso: kamusta naman ang plastik hindi ba mainit.

    @yj: hahaha. try mo mag punit ng paper plates

    @meq: ganun talaga di pede laruin ung mga laruan

    ReplyDelete
  15. @tiano: hahaha jokes are half meant. oo parekoy ganun talaga nga minsan nakaka adik ung amoy na un

    @jepoy: nag tatampo pa rin ako pramis. hahaha

    ReplyDelete
  16. yung mga mamahalin at lumang babasagin na gamit pangkain namin dati nakatambak sa isang cabinet. ang dami. mga regalo pa yun sa nanay at tatay ko nung kinasal sila. pero nung nag-general cleaning kami dito, pinauwi ko sa probinsya mga yun. dagdag alalahanin lang yun dito, baka mabasag pa pag nagamit.

    at yung sa amoy naman ng ipis. alam ko amoy ng ipis dahil dati nakaapak ako ng ipis nang walang suot yung paa ko. crunchy! tapos naisip ko lang amuyin. wow! nakaka-high. hahaha!

    ReplyDelete
  17. @paps

    Ang landi landi mo! Hindi nga ko marunong mag html shit! Sige kakabit ko sa lalong madaling panahon...

    ReplyDelete
  18. @isnab: yayks. ma gata gata ba

    @jepoy: hahahahaha!bat yung iba nandun madugas.

    ReplyDelete
  19. That's what Pinoys are. hahaha Ako nmn, ine-enjoy ko lahat ng gamit ko. At bkit? Bkit ko nmn sa mga bisita lang ipapagamit eh ako ang bumili nun noh? Kaya dapat mauna ako hndi ang iba, lolz. ;D

    April
    Stories from a Teenage Mom
    Mom on the Run

    ReplyDelete