Dear Granma,
Magpagaling na ho kayo. Please lang baka magutuman na ako - ala ako trabaho. Nakakabato ho kase mag palaki ng bayag sa bahay. Saka na mimiss ko na rin po ang mga kalokohan mo tulad ng pag bato mo sa akin ng remote control ng minsang ayaw mo ng tv show na pinapanood natin sa hapon. Na mimiss ko na rin na gisingin ka sa hapon pag nanonood tayo ng tv - loko ka po kase nanonood tayo tinutulugan mo. Pasensiya kung kunwari e may tumatawag sa cellphone ko, pinapa ring ko lang po talaga ng sobrang lakas ung phone ko para di kayo makatulog. Kase po pag natutulog ka sa hapon e kawawa naman yung nag shishift sa gabi hindi niyo pinapatulog. Minsan nga e ang lakas lakas na ng ring ng phone ko dinededma mo na lang talaga, nalaman mo na ata ang style ko na ginigising lang kita, kaya pasensiya na kung binabato kita ng tsinelas pag di ka nagigising. Patawad po. Utos lang talaga na wag ka patulugin sa hapon.
Siya nga pala - na tatats naman po ako sa inyo. Hindi ka kumakain pag iba ang nag papakain sa iyo na nurse. Pero pag ako nag papakain sa iyo e inuubos mo pati plato, natatakot ka po ba sa akin o dahil lab mo ako. Sensiya naman kung ako lang ang mukhang tao sa mga nag papakain sa iyo. Hayaan mo mag aanak kami ni tetebols para dumami ang tulad ko. Hayaan mo po dadalhan ulit kita ng banana at yogurt di ba paborito mo yun?
Hindi ko po masabi sabi sa inyo na nalulungkot at naiyak ako kase sabi ng doktor e malamang lamang ay hindi na po kayo makakatayo. At baka hindi na kayo makabalik ng bahay :( malapit lapit na daw ho kase ikaw kay papa Jesus e, basta pag nagkita kayo e- i kumusta mo ako sa kanya at sabihin na pag pasensiyahan ako sa mga kakulitan ko. Umaasa pa rin ako na sana e makabalik ka pa rin sa bahay kaso kung mahihirapan ka na lang po e mas maganda pang matapos na pag hihirap mo.
Sabi ng kaibigan ko e - kantahan daw kita kase gustong gusto daw ng matatanda ng kinakantahan sila so nag pa praktis na po ako ngayon ahem! "and now the end is here, and so i face the final curtain la la la la la ayyyyyy diiiidddd iiiitttt myyyyyyyy wiiiiiyyyy. " Ay parang di ata maganda ang choice of song ko. Hanap na lang siguro ako ng iba.
Sige po. Magpagaling na po kayo ha. At nang magkulitan ulit tayo sa bahay niyo. Sana nga ay makabalik pa po kayo. Kase kung alam niyo lang e naluha ako sa inyo kanina ng magkahawak tayo ng kamay e parang nag papa alam ka na. Wag naman ganunan, e yung lola ko ngang dalawa hindi ako naiyak nung namatay, kase hindi ko nasubukan mag alaga sa kanila at malayo ako sa kanila, ngayon papaiyakin mo ako e di naman kita ka anu anu. Huhuhuhuhuhuhuhuhhu.
Nag mamahal,
Paps
- - - - -
MGA KATUGA SA TINGIN KO HULING POST KO NA ITO TUNGKOL KAY GRANMA
MGA KATUGA SA TINGIN KO HULING POST KO NA ITO TUNGKOL KAY GRANMA
awww...nakakalungkot naman kung huling kwento mo na ito bout kay granma kuya paps..haaayy..but then everything happens for a reason..
ReplyDeletesa lahat ng ito, ang mahalaga'y naging tapat ka sa iyong trabaho at pakikipagkapwa-tao... mabuhay ka!
ReplyDeletesana parekoy eh nag-ingles ka para maintindihan ni Granma.. oh naturuan mo ba sya ng Tagalog sa loob ng ilang buwan ninyong paglolokohan?
ReplyDeleteganun talaga ang buhay parekoy.
Mamimiss ko rin si Granma dito sa blog mo:D
nalungkot naman ako. parang feeling ko close narin kami ni granma. sana nga gumaling siya pero kung ang will ni God eh mapunta na siya dun, sana mapayapa.. ;c
ReplyDelete"BLOGERO LANG AKONG POGI"
ReplyDelete-tama!
-nalungkot nga rin, pero anjan si Bro para kay grandma, ilang post din ang nasubaybayan ko kay grandma, well ganun talga, at alagaan mo mabuti si grandma paps!
nagiging dramatic na talaga ang posts mo. at totoong drama pa talaga. tsk. hindi na ako bumibisita dito para matawa. para maiyak na. ang kewl diba? haha
ReplyDelete@jaid:yep yep yep
ReplyDelete@chingoy: kinilabutan naman ako haha
@kosa: kaya nga unsent letter kase di rin niya maiintindihan kaya di ko na lang sesend hahaha
@city: yep. hirap na hirap na rin siya e. wala man lang dumalaw na pamilya niya
ReplyDelete@anthony: tama inulit mo pa. thank u lols
@soei: hayaan mo huli na ito pramis. tama na iyak. hahahaha
Paps na lungkot ako at na teary-eyed din. Nag kakaroon talaga tayo ng attachment sa mga taong nakaksaluha natin parati, eh yung inalagaan mo pa kaya?! That only means na isa lang taong may puso. Hindi lang saging ang may puso pati tayo meron.
ReplyDeleteSabihin mo kay Granma I kamusta din nya ako kay Papa Jesas, sabihin mo pag pa sensyahan narin si Jepoy kasi bad boy din sya minsan.
@jepoy: may mga exemptions din si papa Jesus e
ReplyDeletehay..kawawa nman si lola ...at least naging caregiver ka niya..u touched her life..
ReplyDeletengayon pa lang ako napapatambay dito tapos last na...kakalungkot. cool pa naman si lola!
ReplyDelete@rico: yep. parang di naman parang nan touch niya ang buhay ko ehehehe
ReplyDelete@no benta: hahaha sorry naman. nataon ka pa sa kalungkutan mo
Hirap talga kapag masyado ka naging attach sa trabaho parang ang hirap bitawan lalo na ung mga taong involve..
ReplyDelete@Jam: uu, hayst
ReplyDeleteNakakalungkot naman... pakiramdam ko pa man din eh close na kami ni Lola. Lagot ka pagdating nga sa langit mababasa nya blog mo...
ReplyDelete@glentot: lols.
ReplyDeletesasandaling panahon pa lang ang pagsasama niyo ni grandma ah.. kawawa naman. di ka ba pamamanahan nyan? hehe. jk!
ReplyDelete@chiklets: lols. malay ko ahaha
ReplyDeleteAtleast, there was a time in her life na naalagaan mo sya at dumating ka sa buhay nya. Edi nakatulong ka sa kanya at pinasaya mo sya kahit papano. =D Ganyan tlga, pag para dun na sya la na tlga makakapigil.
ReplyDeleteJules
Soloden.Com
The Brown Mestizo
"kung ako lang ang mukhang tao sa mga nag papakain sa iyo."
ReplyDelete- natawa ako, san banda? lols.
@jules: yep yep ye.
ReplyDelete@anonymous: ikaw na naman. haha. pamilyar sa akin yang san banda. hahaha. kaw talaga. pede ka naman hindi mag basa dito