Friday, November 13, 2009

BUHAY PA AKO!

Tae kayo. R.I.P na ako ni manong jepoy. Hahaha. Syet madalian lang itong post na ito. Nandine na ako sa esteyts mag parekoy, kalamig dito grabe tatlong patong ang damit ko. Wala pa akong internet at pc sa lugar na tinitirhan ko, dito ako sa pinsan ko ngayon kaya madaliang post lang ito. Magkakaroon din ako net at pc konting pray pa kay papa Jesus.

Dami ko na makukuwento- iba pala dine sa esteyts pag baba ko ng airport as usual natatae ako, pero tiniis ko hanggang makarating ng bahay. Umihi muna ako pag bukas ko ng cubicle wewww! Tae ang nakita ko. Kaya labas ako agad cubicle. Ayos na ayos ang pag welcome ng United States sa akin, isang ubod ng tumpok na tae sa bowl. Very Nice. Malamang isang pinoy ang gumamit nun at hindi flinush.

Nag mamadali ako sa mga panahong ito, kaya sang mabilisang post lang, masabi lang na buhay pa ako. Dami ko nang kwento, natambak na sa utak ko, yung ibang kwento umalis na, na miss ko ang mga blog niyo syet di pa ako makadalaw sa inyo ngayon. Next time pag nagka pc at net na ako sa bahay, babalik ako sa mundo ng pag boblog bwahahaha.

Miss ko na makasama ang chowkingko. Alam ko balang araw magkakasama kami dito sa lintek na malamig na lugar na ito. Pero masaya dito mura ang food- mura kase wala ako binabayaran sila nag papalamon sa akin dito,. tapos mag aaral pala ako dine. Sana ma credit mga grades ko sa pinas.

GEh po. SMILE muna kayo jan habang wala pa ako.

27 comments:

  1. Kaya pala naglaslas ng singit- I mean, pulso si YJ, nakaalis ka na pala... Critical condition po sya ngayon...

    ReplyDelete
  2. GLEN PUTANG INA MO... hindi ako suicidal noh!!! che!

    hi Paps, sana dalawin mo ako sa ospital.... ayaw ako palabasin eh, kailangan daw ng counseling baka daw kasi kung ano nanaman gawin ko pag nakakita ako ng lubid at blade... ahahahahaa joke lang

    ingats.....

    ReplyDelete
  3. Waw paps, magiging markano ka na hehee! sa susunod na post mo english na yan...

    Ingat prati!

    ReplyDelete
  4. ingat jan, baka makabalita kami sa news...isang pinoy sa esteyts, namatay sa nosebleed!!!hindi sa lamig, bagkus sa english...joke lang, hehehehe

    anyways gud luck & enjoy life there...

    ReplyDelete
  5. naks naman... welcome to US of A.... yey!.. san kah parekoy?... baka magkasalubong tayoh sa daan... haha.. or makitah moh si ms. chikletz.... ingatz... Godbless! -di

    ReplyDelete
  6. nice naman paps, hehehe.. ingat k dyan ah! gudlak :D

    ReplyDelete
  7. Paps ako na bahala kay chowking mo, bigay mo sakin full name tsaka address bilis. LOL

    Nga pala, pag nag ka part time ka na pwede mo akong padalhan ng tsokoleyts yung malalaking bar para naman makatikim ng tsokolate ang mga mapupula kong labi.

    Tenchu! RIP ulet :-D

    ReplyDelete
  8. Paps:

    Fall pa lang iyan. Tapos, nasa Southern Cali ka pa (Oxnard, di ba?), kaya kung tutuusin, MAINIT pa iyang lugar. Remember, mag-wi-winter pa! Doblehin mo ang lamig ngayon, gan'on iyon. He-he. But who gives a rat's ass? Pagmakapal naman ang coat mo ay halos di mo na maramdaman, di ba?

    So, welcome to north America. Enjoy your stay.

    ReplyDelete
  9. @glentot: umayos ka. hahaha

    @yj: ano ba kase ginawa mo ... wag ka pupunta sa mga may bagay na matatalim

    @yanie: hindi ako marunong mag english. pag tatawanan niyo ako. haha

    @scofield: hahaha. mas gusto ko na mamatay sa lami. baka maubusan ako dugo pag patay na ako

    ReplyDelete
  10. @dhianz: sa kwan po ako sa crestline, saka hollydale southgate. Parang awa niyo na dalawin niyo ako dito. haha

    @kox.salamat po kaw din ingat lage

    @jepoy: kung red ang labi mo bibigyan kita pero parang hindi talaga siya red. malabo.

    @coolcanadian: tawagan niyo at pntahan niyo ako ni kosa dito nakakabato na dito. sa crestline ako pag weekends sa southgate hollydae ako pag weekdays

    @

    ReplyDelete
  11. Isa ka nang Kano Paps! Kaya pala medyo nawala ka kasi nandyan ka na sa esteyts! Medyo mamimiss mo talaga ang pinas, mga 3 buwan ang homesickness, pero after naman nun makakarecover ka na rin!

    Sana sa pag-uwi mo pasalubungan mo ako ng SNOW,hehehhe!

    Ingat parekoy!

    ReplyDelete
  12. gudlak sayo dyan sa esteyts! magkumot ka para di kalamigin! ayusin mo ko ano mangkalokohan ang gagawin mo dyan wag ka magiiwan ng ibidensya!

    ReplyDelete
  13. miss ka na namin kuya..ako na lang ang bigyan mo ng tsokoleyt wag na si kuya jepoy..marami na siyang pambili nun..ako taghirap..hehehe

    ReplyDelete
  14. uy malamig jan! masarap kayang magtikol jan hahaaha!...Ingatz na lang sila sa u papz! :D

    ReplyDelete
  15. Paps:

    Holy Cripes on toast!
    Diyata't nag-a-adventure ka ng 7 and a half hours every weekend?

    From Crestline (San Bernardino) to
    Southgate Hollydale (Santa Rosa) will take you at least that long to drive.

    Maganda mag-long driving diyan kung summer. Yan nmang lamig, after a year, masasanay na rin ang katawan mo.

    Mas grabe pa kami dito ni Kosa dahil malapit na kami sa tuktok ng mundo. Pero sapak naman ang 3 months summer namin. Parang Southern France ang weather dito kung summer.

    Huwag mong masyadong isipin ang Pilipinas for now. Assimilate yourself to your new surroundings and enjoy. Marami kang makikilalang tao at magiging mga kaibigan. By then, you won't be too homesick anymore.

    Good luck to your studies. Once you become a nurse, you'll be making tons of moolah.

    :)

    ReplyDelete
  16. yoe man, wazzup? haha nandyan ka na pala..

    wui mga bloggers, wala na pala si paps sa pinas, tara mag eb tayong lahat na nandito sa pinas.. Ü

    ingat lagi dyan paps, godbless!

    ReplyDelete
  17. waw paps, baka makalimutan mo na magtagalog niyan at english na ang mga posts mo, hindi na namin maarok. :) nakikitingin ulit

    ReplyDelete
  18. Weeeee...Congrats sa stay jan sa states. ;D Buti kapa Paps haha Ako nalang padalhan mo ng chocolate. ;D Naku yan gsto ko ung lamig saka snow lolz. Saka nga pala english ang sunod na post ah haha. ;D Take good care of yourself, wag muna isaisip ang pinas. Kaw din mahohome-sick ka nyan. Enjoy lang. ;D

    April
    Stories from a Teenage Mom
    Chronicles of a Hermit
    Mom on the Run

    ReplyDelete
  19. tangina di ko binasa ng buo...

    mamamatay lang ako sa inggit

    dati malayo layo ang gusto kong marating...naging dubai...ngayon singapore na lang, kaso mukang hindi talaga papalarin na magkatrabaho duon!

    ReplyDelete
  20. what state ang crestline? mustah naman dyan?... weather?.. lamig na noh?... nahohomesick kah bah?.. musta naman adjustment moh?... balitaan moh akoh.. i was gonna say tawagan kitah.. haha.. pero feeling close naman tayoh noh... eniweiz.. yeah... laterz.. Godbless! -di

    ReplyDelete
  21. papsikol
    nasan kna?
    hehe anak ng sisig na pusa
    nasa esteyts ka na ba?
    wow anep pala
    mga 1 month din ako di nakatambay dito...

    ReplyDelete
  22. welocome to north america pareko!
    tama si Cool Canadian...

    at welcome back na rin sa Blogworld

    ReplyDelete
  23. welcome to USA! san ka dito? cali ba?

    ReplyDelete
  24. oisttt.. every one must join here.. it used to be fun!!!!!

    ReplyDelete