Wednesday, October 7, 2009

MAAKSIYON!

"Ang babaeng hindi tumutumba ay dating kondoktora"

May aksyong naganap kani-kanina, hapon nang maganap ang pangyayaring ito. Sumakay ako ng bus sa north ave station MRT. Isang babaeng kondoktora ang aking nasilayan sa loob ng bus. Mataba siya, may kaitiman, maikli ang buhok at mukhang kasapi sa tiburcio family.

Bumaba ang babaeng kondoktora upang magtawag ng pasahero sa labas. Malanday Malanday! ang isinisigaw niya. Biglang umandar ang bus na aking kinasasakyan. Naiwan ang kondoktora sa labas. Hindi ko man marinig subalit nakikita namin ng mga pasahero na tumatakbo siya at humahabol sa bus, subalit tuluyan nang umandar ang bus. Natatawa ang mga pasahero na mga nakakita. Ako mismo natatawa.

Huminto ang bus sa tapat ng SM North Edsa. Hinahanap na ng driver ang kondoktora. Tawa kami ng tawa ng mga katabi ko dahil nababadtrip ang drayber sapagkat wala ang kondoktora sa loob ng bus. Walang nag sasabi na iniwan niya ang kondoktora sa may sakayan sa Trinoma. Napapakamot siya at may ibinubulong bulong, sandaling hininto ang bus upang maningil ng ticket.

Naniningil na siya ng ticket nang biglang pumasok ang tibong kondoktora. Eto na ang aksyon.

Drayber: (Pagkakita sa Kondoktora) San ka ba nag punta? walang naniningil ng ticket!
Kondoktora: (Malutong at malakas ang pagmumura) Tang ina mo pala eh! Iniwan mo ako sa sakayan. Putang ina ka! (Sabay batok sa drayber)

Nagtatawanan ang mga pasahero, ang iba may umaawat - kasama na ako na sumigaw pa ng "ooo sige gantihan mo, papatalo ka ba diyan" wohooo. Sulit ang pamasahe ko may live action pang naganap.

8===D

Siya nga pala. Nakakatuwa kase FINALIST PO ANG KA-BLOGS-TUGAN sa TOP TEN BEST POST OF THE YEAR ANG SINULAT KONG "YOW NIGGAH" sana makapasok sa sampu. Pero tintingnan ko ang ibang ka kompetensiya kagaganda ng post nila. Pero masaya na rin ako at napasama sa finalist. Aatend ako ng awards night. Gusto ko lang, haha kahet di manalo. Click niyo na lang sa upper right side para makita niyo ang iba pang finalists. Salamat mga ka-blogs-tugan!

32 comments:

  1. haha sayang sana napanuod ko rin to,wahaha congrats pala for your nomination..^__^

    ReplyDelete
  2. di kaya mag-asawa mga yan?...

    wow congratz papz!...ibang level na talaga ang kababuyan mo a este kabulastugan mo! :D

    ReplyDelete
  3. haha.. kakatuwa naman yang article mo.. gudlak sa awards night ha.. ako nga gusto ko rin sumali eh.. kaya lang pag-click ko ng JOIN NOW NA eh, laging nomination is closed yung naaabutan ko.. huhuhu... keep on blogging kaibigan.. ganda ng blog mo..

    ReplyDelete
  4. Kitakits tayo Paps! haha ako rin gusto ko lang umattend kahit di manalo..=D

    ReplyDelete
  5. Ha-ha-ha.

    Ganda ng eksena. Parang sine! Tunay na comedy.
    Extremely hilarious, indeed!

    Sana dalasan mo ang pag-post ng ganitong mga pangyayari. Astig na tiburcio, ano?

    Lol.

    ReplyDelete
  6. LoL Ang saya!

    Mang gugulo ako sa awards night kasi hindi ako kasali sa finalist, mag papasabog ako ng dinamita, para ako nalang ang maiwang blogger. Ahahahaha! Joke lang iyon! Congrats sa Inyong lahat!

    Iboboto ko ang Yo Niggah :-D Teka pwede bang bumoto?! LoL

    ReplyDelete
  7. Haha natawa ako naimagine ko ung kkonduktorang tumatakbo... dati naimagine ko kung nangyayari ba na maiwan ng bus ang konduktor, now I know nangyayari pala talaga...

    ReplyDelete
  8. @superjaid: salamat salamat po

    @vonfire: sabagay may punto ka. hmm... pero pag naiiisip kong mag asawa sila. ang sagwa

    @dangeerus: salamat salamat. di bale may 2010 pa naman

    @klet: salamat salamat. mabuhay ang pilipinong makukulit

    ReplyDelete
  9. @pink note: congrats nga pala sa nomination mo. ganda naman layout ng blog mo.

    @cool canadian: salamat salamat

    @jepoy: dinamita? ano kami isda? ahaha

    @glentot: lahat posible sa globe

    ReplyDelete
  10. @Jepoy: walang boto boto po pala diyan. salamat

    ReplyDelete
  11. hahahaha i could just imagine... sureness hiningal siya ng bonggang bongga.... hahahahaha

    ReplyDelete
  12. hahaha! natawa ako dito.. naimagine ko si aling kondoktora! haha... congratz nga pala sa nomination! im enjoying your posts.. :D

    ReplyDelete
  13. @YJ: haha di naman siya siguro tumakbo. baka sumakay ng bus haha

    @christine: salamat sa dalaw at sa lahat

    @andrei: uu naman . para sulit lalo

    ReplyDelete
  14. Wow! Kasama ka pala sa mga nominee, congrats na agad yan hehe. =D Sulit pala bayad moh, may live shooting hehe. =D

    Summer
    A Writers Den
    Brown Mestizo

    ReplyDelete
  15. @paps: congrats paps! di talaga tumutumba ang dating kundoktora nyahaha

    ReplyDelete
  16. @summer: salamat salamat salamat

    @chkiletz: salamat salamat salamat din

    ReplyDelete
  17. haha natawa ako sa magsyotang drayber at kundoktora, magsyota nga ba sila? ahehe

    sana manalo ka papz, ilapit mo yan kay papa jesus.

    ReplyDelete
  18. haha, napatawa mo ako...you made my day...kanina pa ako naghahanap ng mgandang mabasa..nice post..

    ReplyDelete
  19. @kheed: di po ako nanalo. hahaha

    @aninipot: salamat po balik ka ah

    ReplyDelete
  20. benta to, paps! LOLOLOLOLOL! yan ang pinoy comedy! may slapstick! nyahaha!

    teka paps, andun ka ba kagabi? :D

    ReplyDelete
  21. asteg na aksyon na! sana nagkarambolan pa sila sa bus at may audience participation. haha.

    congrats sa yong nominasyon! sayang wala ka nung pba night, masarap ang pagkaen.hehe

    ReplyDelete
  22. dapat sinabihan ang driver ng bus na naiwan ang konduktora..di ba kung ikaw na pasahero ay may naiwan din na kaibigan sa labas dahil umiihi o may binibili sinasabihan ang driver na huwag muna umandar dahil may sasakay pa na umiihi lang o may binibili..

    ReplyDelete
  23. oii, congrats and gud luck sa awards night.. sana manalo ka, lolz!

    ReplyDelete
  24. @manek: ow? may pagkain. sayang naman haha

    @avin: ok

    @batang henyo:salamat hehehe di po ako nanalo

    ReplyDelete
  25. wahahahaha! major LOL ako dito. naiimagine ko kung pano nagmumura ang konduktora at pano niya binatukan ang lekat na driver.

    ReplyDelete