Tuesday, September 22, 2009

Malaking Pagbabago!

Alam kong hindi ako kabutihang tao, tingin sa akin ng iba ay suplado, mayabang at gwapo. Lapitin ako sa gulo ewan ko ba kung bakit wala naman akong balat sa pwet. Wala nga ba, check! wala. Dapat yata ay magpa convert na ulit ako sa kristyanismo. Loko lang di naman nawala yun. Sabi kase sa Bibliya (naks) "Kung hindi mo kaya maging mainit sa paglilingkod kay Papa Jesus eh magpakalamig ka na lang kase sinusuka niya ang maligamgam". Kaya ang nangyari sa akin eh nagpakalamig na lang ako. Patawad po papa Jesus ah. Lab lab ko po kayo.

Maraming nag daan nitong mga nakaraang araw na ikinalungkot at ikinatakot ko. Nais ko lang mag pasalamat sa mga taong nandiyan na hindi ako iniwan. Special mention na talaga kita kaibigang serjohn ah. Buti na lang binagsak ka ni Papa Jesus dito sa earth bawal ka kase doon. Hayaan mo may 1 pc chikin juy ka po sa akin, bawal ka lang order ng another extra rice.

Kanina habang namumuke nagmumulaymulay, naisipan kong magbago. Ewan ko kung bakit basta may malaking pagbabagong magaganap sa buhay ko. Mag papaka buting tao na ako. (sabay hagis confetti) Hindi na ako gagamit ng mga bad words. Ay pota! nalaglag cellphone ko! Pramis papakabait na ako. Saka sa mga susunod na darating na tao sa buhay ko hindi ko na sila sasaktan. Pramis ko yan. I guess I already learned my lesson. I'll try to be a better person. Yung mas nicer at mas pogi.

30 comments:

  1. hehe nice ka naman paps ah? baka insecure lang yung mga nagagalit ng walang dahilan..hehe

    ReplyDelete
  2. paps ikaw ba nagsulat nito? ahehe good luck bro. yakang yan at tutal naman lab lab mo si papa jesus eh.. c",)

    ReplyDelete
  3. tingin ko, di ka naman bad ah? ehehe

    btw, goodluck sa pagbabago.. :)

    ReplyDelete
  4. Gudlak! [Insert sarcasm here]

    Gusto ko lang ipalala sayo na hindi natin kayang mag bago sa sarili natin hayaan mong kumilos si Papa Jesas sa buhay mo. At wag ka ng ma mumuke minsan minsan nalang pala ok

    Chillax!

    ReplyDelete
  5. @pinknote: - hindi ako nice. hahaha.

    @kheed: oo ako. ako sumulat nakapag tataka ba. haha

    @raye: uy salamat ah..... yey. may naniniwala na di ako bad. hahaha

    ReplyDelete
  6. ay wag kang magbago baka sa susunod e puro verse na sa Bibliya ang ipost mo dito't di na ko makarelate he he!...

    kidding aside,kung pagbabago para sa iyong kabutihan, sige lang papa pabz! and2 lang ako sa likod mo! :D

    ReplyDelete
  7. @vonfire: hahaahha. ayaw mo ng bible verse hahahaha!

    ReplyDelete
  8. Pabs, pareho tayo ng persepsyon ng tao sa atin, suplado at gwapo daw tayo!hahahha!Pero ang kaibahan ako gudboy ikaw hindi!heheh joke lang!

    Sana magawa mo yan pabs!gudluk!

    ReplyDelete
  9. Goodluck sama ka sa aming Bible Study para bumait ka...TULAD KO.

    ReplyDelete
  10. hahaha
    sabi nga nila!
    kailangan talaga,
    Pogi inside and out! lol

    good luck Parekoy.
    kaya mong maging mas-pogi..

    ReplyDelete
  11. good boy ka naman ah kuya, di ka lang nila maintindihan or inggit lang talaga sila, pero ok lang din naman na magpakabait wag lang mapapasobra at ipipilit,Ü at tungkol dun sa pagpapagwapo lalo, aprub ako dyan!Ü

    ReplyDelete
  12. papakabait ka na? bakit bad ka ba dati? chige na nga papakabait na rin ako... para bagay na tayo... yan ha...

    ReplyDelete
  13. Luke 14:11

    "For whosoever exalt himself shall be humbled, and whosoever humble himself shall be exalted. For to be the first, you must be the last.

    Paps, this is my fave Bible quote from Pareng Luke.

    No, you weren't that bad to ARVIN. Not at all. This quote is for Arvin as a wake-up call.

    Though I'm glad for you, my man. It's good for a man to realize how ephemeral our existence in this world is, and therefore we have to make it a better place for everyone.

    You're not only handsome, you're also VERY EXOTIC-LOOKING and that's a gift to you by our creator. Take care of your body. Keep it healthy all the time.

    And don't expose it to some BAD PUKE! Just to GOOD PUKE.

    Allrighty? Yeah!

    :)

    ReplyDelete
  14. @drake: oo nga parekoy eh. hirap pag pogi ang impression nila sa iyo

    @glentot: aw. Bible study. pass lols

    @kosa: nice ah. pogi inside and out.

    @superjaid: hanggang ngayon eh naniniwala ka paring mabuting tao ako. haha

    ReplyDelete
  15. @baklang maton: papaka sama na nga lang ulit. haha joke po

    @coolcanadian: wahh??? -exotic lols... naman! haha salamat sir appreciate it. nga pala sa san bernardino ako punta puntahan niyo ko ni kosa. haha

    ReplyDelete
  16. @paps: anak ng teteng, ke barbaridad! walang bago bago! ika nga sa tvc ng pbb double up, "mas doble ang pagmamahal sau ng tao, kung nagpakatotoo ka" mura lang ng mura, di kaba magmumura sa lintik na mga pulitiko na yan na namumuke <*ngisi*> lang sa kanilang mga pwesto sa gobyerno hehe

    ReplyDelete
  17. try mo magkasyotang born again baka sakali... or baka sya ang mabago mo, naku

    ReplyDelete
  18. tsong, mas mabuting gawin na lang natin ang gusto nating gawin. ipagpatuloy ang pagiging mabuti. gayahin mo ako. napakabuti kong tao. wala akong kaaway. lahat ng tao minamahal ako. ok. joke lang yan. hahaha.

    basta. pakaisipin, ang taong ubod ng bait, kinukuha agad ni Papa Jesas. :P

    ReplyDelete
  19. San Bernardino. It's in Southern California. It can actually get cold in the winter, though not as cold as San Francisco. It is a nice city, not too far away from Los Angeles. If you drive on I-10, without traffic is just 1 hr and 10 minutes to LA. However, with traffic, it could take you 2.5 hrs.

    You'll enjoy living there, my friend. I like the ambience of Southern Cali. Less population than LA. Once Kosa becomes an immigrant, he'd be able to apply for a US visa and we'll drive there and see you. There's a small place closer to San Bernardino, called ESCONDIDO where vineyards and fruit trees abound. That's where I've picked the sweetest mini oranges when I drove there one summer.

    Are you taking your CGFNS in Manila before you move to Cali? Nurses used to do that, now I'm not sure what's the policy. Some take the exam here. Once you become a nurse, you'll become a very rich guy.

    :)

    ReplyDelete
  20. congrats..gudlak sa napili mong bagong lndas paps

    ReplyDelete
  21. goodluck sa pagbbgo :D keri yan :D

    ReplyDelete
  22. @anthony: hahahaha! napatawa mo ko dun.

    @ramdom: born again kaya ako. hahaha

    @popoy: papakasama na lang ulit pala ako. masamang damo matagal mamatay

    @cool canadian: 3rd year college pa lang po ako. :(

    ReplyDelete
  23. @rico: salamat tsong

    @chaizka: weeee. salamat po sa dalaw

    ReplyDelete
  24. uy may ganun..totoo ba yan? baka sa makalawa... ah wala. hehe..

    goodluck sa endeavors mo ah :D

    ReplyDelete
  25. @paps: seryoso ko, namumuke lang talaga cle, daming koneksyon hehe

    ReplyDelete
  26. Good luck nalang haha. =D The question is can you hamdle it?! Ooopss, kanta pala yun haha. =D

    Summer
    A Writers Den
    Brown Mestizo

    ReplyDelete
  27. hindi ako naniniwala sa iyo hehehe

    singungaling ka nyahaha!

    peace!

    ReplyDelete
  28. ganyan na ganyan ang litanya ko two weeks ago.... nadisgrasaya kasi ang taxing sinasakyan ko.... hindi ako nasaktan.... ayun... nagpasalamat ako kay papa Jesus and i kinda promised Him i'll be a better person from then on.... hirap pala.... mas madaming nanligaw sakin eh hahahahahaha

    ReplyDelete
  29. tama yaaaannn magbago ka na no!LOL

    parang kilala kita e no haha.

    pero tama yan go lang!

    ReplyDelete