Saturday, September 5, 2009

DROGA


Now playing : Ugoy ng duyan

Gay beauty contest na nadaanan ko sa basketball court malapit sa amin. Talent portion. Napadaan ako may hawak akong ensaymada at putok na binili sa bakery. Napatitig ako sa isang baklang nakasuot ng pantulog, nakaupo at may hawak na laruang manika habang inaantok.

Tumutunog na ang background music - ugoy ng duyan. Umaarte siya na inaantok. Unti unti siyang pumipikit, sumasandal sa upuan nang nakapikit, humihigahiga sa upuan at tuluyan nang bumaba sa upuan at nahiga sa sahig.

Tahimik na pinapanood siya nang mga manonood. Walang imik dala na siguro ng pagkamangha sa talentong ipinapakita ng bakla. Napatigil din ako at pinanood muna ang ginagawa niya.

Maya maya pa'y. . .

Mga bente segundo siyang tulog sa sahig habang tumutunog ang ugoy ng duyan. Bumangon siya at umuugoy ugoy ang ulo. . . antok antok pa din. Mga dalawang minuto siya sa ganoong pusisyon. Umiingay na ang mga manonood, kung sa talentadong pinoy siya sumali eh nasaraduhan na siya ng kurtina.

Natahimik na naman ang manonood nang lumapit siya sa mikropono at nag wikang "Iwasan natin ang droga, nakasasama ito" sabay nag bow siya sa mga manonood.

28 comments:

  1. ang weird naman ng talent nya, haha at di ko nagetz ang konek ng pinaggagawa nya sa sinabi nya,hahaha Ü pero infairnez tama naman sya sa sinabi nyang iwasan ang droga..Ü

    ReplyDelete
  2. ay adik. hahaha

    honga, iwasan ang droga. bad for our MIND and BODY.. nkakasira ng buhay yan..

    ReplyDelete
  3. ha?
    sabagay sa mga panahon ngayon... kesa naman sa magdroga eh matulog nalang.

    talent din ang pagtulog paps. hehe
    may mga tao ngang hindi alam kung paano matulog eh.lols

    ReplyDelete
  4. siguro pag nagdroga ka magiging groggy ka..un ung konek nung tlent nia sa huli niang sinabi heheehe

    ReplyDelete
  5. @superjaid: haahha weird nga

    @madame k: parang siya. haha ung ginawa niya nakakasira ng utak

    @kosa: hahaha tama. pero masqarap din mag droga. LOLS!

    @rico: ayun nag konek parang nag dodroga siya sa ginaga niya

    ReplyDelete
  6. may batang baklang naglalaro... tinanong ko siya...

    "kung magiging laruan ka, ano gusto mo maging?"

    "Barbie doll po" sagot niya...

    "bakit naman?" tanong ko ulit...

    "para hinding hindi ako paglalaruan ng mga lalake..." banat niya sabay irap at flip ng hair....

    gusto kong tumambling.... bata pa umaariba na... kinabog si miss Venezuela...

    TSE!.... hahahaha

    ReplyDelete
  7. @YJ; ahahaha! gusto niya panay babae ang maglaro sa kanya. parang mali din ata hahahahaha

    ReplyDelete
  8. haha.. oo nga trulalu pagkapikit pa lagn nya siguro sa talentadong pinoy eh curtain close na agad... haha... ayos sa talent ahh... at least now i know may talent den akoh.. kaya koh ren gawin 'un... lolz.. bigla akong inantokz... *hikabz*... haha... ingatz... Godbless! -di

    p.s. natawa akoh.. akala koh nasa page akoh ni ms. chikletz for some reason... oh kc sya ang dadalawin koh next.. nagtaka akoh parang nag-iba ang lay-out nang page... at nagtaka akoh ba't nakikireply kah.. kc nabasa koh yang sa taas koh.. to @YJ... haha... ewan... nag-micro sleep atah yutakz koh... laterz =)

    ReplyDelete
  9. ay adik sya! haha! panalo ang talent! LOL! ang kulet naman nun..

    bangag na si dhianz noh? nakahithit ata ng katol. hahaha! jk!

    ReplyDelete
  10. ano yun?
    ahehe

    nice talent :)

    "kung magiging laruan ka, ano gusto mo maging?"

    "Barbie doll po" sagot niya...

    "bakit naman?" tanong ko ulit...

    "para hinding hindi ako paglalaruan ng mga lalake..."


    -PANALO!!! :)

    ReplyDelete
  11. nyek! nak ng talent yan! hahaha.. iwasan talaga ang droga. maluloka.

    ReplyDelete
  12. Dapat ng split na lang sya at sumipa sipa pataas!!Hahhahaha

    ReplyDelete
  13. ay dapat standing ovation yan...

    tapos batuhin ng kamatis! LoL

    ReplyDelete
  14. Bravo!...mga bading lang ang nakakagawa ng ganung klaseng talent at kayang kaya ko rin un! hi hi!...at least my moral lesson ang talent niya! :}

    ReplyDelete
  15. @dhianz: antok na antok ka ha. naliligaw ligaw ka pa hahaha

    @chikletz: oo nga eh. bangag pede na sumali sa gay contest

    @anthony: hahahaha. @

    @kox: parang siya nga ang nag dodroga

    ReplyDelete
  16. @drake: walang basagan ng trip! haha

    @ming: ang morbid mo naman. pede na granada

    @vonfire: ahahahaha! sige nga!

    ReplyDelete
  17. ahahahaha.. ano raw?!!! adik yun.. ahahaha.. ehehehehe... nang minsan nanood ako ng gay beauty contest, may isang contestant na nag sabing "hindi man ako kasing ganda ng ate mo, o kasing kisig ng kuya mo, pero malay mo.. ako ang katabi sa kama ng tatay mo.." ehehehehe.. :)

    ReplyDelete
  18. anu ba'ng talent yun, parang lahat naman ata kayang gumawa ng ganun haha ayan nagbalik nanaman ako hahaha

    ReplyDelete
  19. @arian: lols. labit

    @patola: hahahaha! mas nakakatakot yun!

    @elay: welcome elay. di rin lahat. kaya ba nila ang kahiyahiyan talent na iyon? hahaha

    ReplyDelete
  20. Paps:

    Kung ako ang naroon, hindi lang KAMATIS, PANDESAL O PUTOK ang ibabato ko sa kaya. SANTOL ang ibabato ko sa talent na iyon. At least santol ay matigas. MABUBUKULAN siya para matauhan sa kanyang mga kahunghangan.

    ReplyDelete
  21. @coolcanadian: hahaha! matigas tigas ang santol. sakit niyan awts!

    ReplyDelete
  22. aminin mo na mesmerize ka ha-ha medyo adik nga

    ReplyDelete