Tuesday, August 4, 2009

Banidoso ka ba?

Ang lalaking nagpupulbos sa dyip ay walang kinabukasan. Tapos mag lalabas pa iyan ng salamin, mag tataka ano wala siyang dalang bag pero may dala siyang pulbos, gel, facewash,toner,salamin, bath towel etc. Mabuti sana kung babae. Naalala ko yung isang grupo ng babae kong kaklase, parati silang nakamake-up kakakapal po ng make up at parang naka lunok ng lipstick,pero pag tinanong ng prof kung anong masasabi nila sa topic wala daw silang ka ide-idea. Pero kung lalaki sagwa kase sir.

Matatawag daw na banidoso ang isang lalaki kung naliligo siya ng one hour, twenty minutes and 30 seconds at tatlong beses sa isang araw. Hindi normal iyan kung papasok lang siya sa school at ganun katagal maligo (ang bitter ko naman porket limangminuto lang ako kung maligo).

Mga senyales na ang isang lalake ay banidoso.

1. Nabura na ang mukha sa kaka-kuskos nito sa loob ng banyo.
2. Pudpod na ang paa at kamay hindi lang ang kuko gamit ang nailcutter.
3. Isang oras, bente minutos at tatlumpong minutong nasa banyo kakakuskos (hindi pa kasama rito ang pag titikol)
4. Magka-iba ang gamit na sabon sa mukha at sa katawan
5. Pagka ligo may ipapahid na toner tapos astringent tapos cream tapos sunblock tapos. . . (di ako makahinga sa dami)
6. May buo buong gel sa mag kakahiwalay na parte ng buhok niya sa mag kakahiwalay na araw.
7. Napapalingon sa tuwing nakakakita ng salamin, kasama na rin dito ang tubig baha.

Gusto ko lang kase malaman kung ayos ba sa mga babae ang pagiging banidoso ng isang lalaki. Pag ayos bibili na ako ng mag kaibang sabon sa mukha at sa katawan. Tapos bibili na rin ako ng master ang sekreto ng mga pogi. Para pogi na rin ako.

36 comments:

  1. Potaena naman yang pagkakaenumerate mo ng mga instances ng pagiging banidoso, bading na ata yan eh ehehe!!

    ReplyDelete
  2. Wait lang, kelangan kong kunin ang Tagalog-English dictionary ko para malaman ang ibig sabihin ng Banidoso.

    Pero binasa ko ang post mo na nagsilbing context clues para maintindihan ko ang salitang Banidoso. Edi slightly Banidoso pala ako, dahil Meron akong Dove na sabon para sa aking katawan. Apricot naman para sa Muka.Nizoral Para sa buhok.High Endurance Old Spice para sa singit kilikili at Etits. Pero 10 minutes lang ako naliligo at wala akong baon na salamin at hindi ako tumitingin sa salamin pwera nalang pag nag wax ng buhok. Therefore, hindi ako banidoso.

    Satiingin ko Banidoso=Metro Sexual; Metro Sexual=Isang hibla nalang ng buhok Bakla na.

    ReplyDelete
  3. oo nga nose bleed,, hehehe, pero di ako ganyan,,

    ReplyDelete
  4. @homer: haha. kaya nga yan ang banidoso. di mo alam kung bading na.

    @ jepoy: so ilang percent ka lang na banidoso. . hmmm 45 % ?

    @bosyo: nakaka nosebleed pala ang banidoso.

    ReplyDelete
  5. wag naman uber. nakaka turn off saming mga babae kung mas maarte pa samin ung lalake. namannn.. pero sanay ako sa mga lalakeng matagal maligo. ganun ung kuya ko saka ung ibang guy friends ko. other than that un lang naman. wala na ung ibang unnecessary palamuti sa katawan. hehe.

    ReplyDelete
  6. Yung mga nakaenumerate sa listahan mo... sobra na sa pagkabanidoso... pero wala rin namang masama kung gusto mo na maayos yung hitsura mo diba? Ikaw din naman ang makikinabang...

    -defensive!!! hahaha

    ReplyDelete
  7. @jepoy: naman. sensiya di ako marunong sa math

    @chiklets: ahhh ayos lang pag dating sa pag ligo. wag lang ung may mga pulbos pa. :)

    @gillboard: hahahaha. sabi nga po ni chikletz ayos lang wag lang sobra sobra

    ReplyDelete
  8. eew, turn off na turn on for me mga guys na vain. hehe, gulo. maganda tignan pag maayos ang lalaki, pero kung sobrang arte, ibang usapan na yun! yuck na. hahaha.

    ReplyDelete
  9. siguro okay lang magin ganyan basta wag mo na lang ipapakita sa ibang tao habang ginagawa mo ang mga ritwal na yan haha

    mas okay ata kasi yung mukang mabango at yummy na walang masyadong effort.

    ReplyDelete
  10. ok lang naman kapag banidoso ang isang lalaki, yung matagal maligo, maraming product ang ginagamit sa mukha, buhok at katawan, kahit na nga nagpapaspa at facial pa sya ok lang, pero kung tulad na sya ng mga babae sa kaartehan lalo na kung wala sya sa bahay eh sobrang dami pa ring ritwal..nakakaturn off na rin, kasi mapapaisip na kaming mga gurls kung lalaki ba talaga sya o bading na..hehehe Ü dapat kasi talaga maging pogi ka at yummilicious ng walang kaeffort effort..Ü

    ReplyDelete
  11. hahaha. ok lng naman nga kung ganyan, wag lang masyadong o.a! basta ko mas gusto ko ung simple. haha..

    ReplyDelete
  12. @okray: hmmm. eh ayos lang ba magpulbos sa iyo at toner haahha

    @usapang lalaki: hmmm ganda ng sinabi mo ah. mas maganda kase kung walang effort. Tipid pa

    @superjaid: hahaha. ganda din ng walang ka effort effort mo. :)

    @kox: so ayos lang kay koxkox

    ReplyDelete
  13. yung description mo, akma di lang sa mga vain na lalaki kundi pati sa mga Metrosexual (for PLUs, Metrosexual may mean Isang Metro na lang, Bading na.. lol)

    personally, okay lang ang vain wag lang yung exag katulad ng nabanggit mo. i have guy friends kasi na gusto e parate silang Wafu or Pogi tingnan kaya nagsusuklay/gel parate.. And maalaga din sila sa skin kaya magkaiba ang sabon sa face at body.. Nagpapaderma pa nga yung 2 dun e.. ehehe

    ReplyDelete
  14. Alam mo Pabs, kasalanan natin sa Pilipinas yan eh. Dahil sa komersyalismo(pagpopotray sa tv na ang pagiging banidoso ay ineequate sa kagwapuhan), pagkahilig sa artista (magbigay ka pangalan ng artista babae o lalaki na hindi nagpapasalamat kung kani-kaninong duktor), pagkahilig sa koreanovela (ang mga koreans talagang malilinis sa katawan) at pagbabago ng standards ng babae sa isyu ng kagwapuhan (tulad sa ibang babae mas gusto nila ang maputi at maayos na lalaki).


    Minsan kasi sobra na talaga. At ang lahat ng sobra ay masama (pwera lang ang sobrang yaman,hahaha)

    Okay din palang maging siryus minsan,hehhehe

    Drake

    ReplyDelete
  15. okay lang maging banidoso. Senyales ito ng pagiging malinis sa katawan. Pero kung mas makapal pa ang powder nya sa mukha ko well iba na yan baka magsabunutan na kmi.haha. banidoso ka ba paps?

    ReplyDelete
  16. Kung ako ang tatanungin, di na banidoso yun. Sandali lang naman ako maligo (mga 5-7 minutes), Gumagamit ako ng master. Pero bukod dun wala na. Meron ako nakikita sa restroom ng school namin, nagpaphid ng ponds cream. Ewan ko kung banidoso na ba talaga sila. Pero sabi ng mga kaibigan kong babae, okay namn daw kung ganun. Huwag lang sosobra.:-)

    ReplyDelete
  17. okay yung 1,3 at 4...yung iba medyo weird na.lalo naman yung 5, mapapataas ako ng kilay nun daig pa ko na halos walang nilalagay sa mukha.=D

    ReplyDelete
  18. @raye: ahahaha isang metro na lang bading na nice

    @drake: isang magandang panukala yan sir. galing mo talaga

    @rohan: okay po. hehehe. salamat sa pag daan sa kbt

    @avegirl: hahaha. mas ayos kase nga ang natural

    ReplyDelete
  19. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  20. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  21. I guess there's nothing wrong with being vain. It's the social norms that defines the deed as kinda' gay. Syempre, para sa ating mga tao, ang normal eh babae lang ang may kung anu-anong eklat sa katawan.

    As a model, we need to take care of ourselves, our physical appearance. But then I never said to show it anywhere, 'yung iba kasi pa-susyal! Papakita pa nila sa madla na vain sila for the sake of being called 'vain'. Meron pa 'yan yung mga gusto lang eh sumunod sa uso...

    ...bottom line, being vain is not about choosing to be such, but a lifestyle.

    ReplyDelete
  22. Parang ang OA ng pagkakaenumerate mo siguro oo yung iba maraming ginagamit pero sa totoo lang ang banidosong lalako sa pananamit pa lang makikita mo na at naku brod, ibang manlait ng girl at napakaselan sa babaeng magugustuhan may kakilala ko ganyan..pero okey naman...

    ReplyDelete
  23. PP:

    Kung magkaminsan naman kasi, GAYA-GAYA PUTO MAYA lang ang iba.

    Halimbawa sa malalamig na lugar tulad ng north America, kapag winter, kailangan mong maglagay ng:

    • LIP BALM, lalo na kung winter, patay ang labi mo kapag hindi mo nilagyan nito, magsusugat iyan

    • SKIN CREAM, lalo na sa mukha mo. Kapag napakalamig, ang ihip ng hangin ay todo sa mukha ng tao. Magda-dry, kaya hahapdi iyan.

    • Kung lalabas ka't 30 degrees below zero, siyempre, kailangan mo ng toque sa ulo mo.

    • Kung snowy sa labas at mataas at maliwanag ang araw, makabulag sa silaw, kaya magsa-sunglassess ka.

    • Kung malamig, kailangan mo ng makapal na coat. Either trench coat, leather jacket, ski coat. Kung maglalakad ka sa kalye, kailangan mo ng gloves kung ayaw mong masugat ang mga kamay mo.

    Dahil siguro sa mga nakikita sa tv at films, ang mga gaya-gaya puto maya diyan sa RP, nakikita ko sa TV, ito:

    NAPAKAINIT ng panahon at HALOS MALIGO NA SA PAWIS ang mga tao, pero:

    • naka-touque sa studio yung mga artista
    • Naka trench coat
    • Naka-leather jacket
    • Naka-ski attire
    • Naka-lip gloss (to look like a lip balm)
    • Naka skin cream

    Napupuna ko, ang mga kabataan ngayon ay mahilig na i-PAMPER ang kanilang mga sarili. Mga teenagers dito, lahat ng garbo sa katawan ay kailangang gawin. Laging mga bago at designers attire. Ang mga sapatos ay mahigit isandaan ang pares. Mukhang ginagaya na yata sa sapatos si Imelda Marcos. Maglakad sa malls, kapag nakasalubong ka ng mga teenagers, magugulat ka. Bihis na bihis ang mga iyan, at pagkababango. Puro naka-designers perfume ang mga hinayupaks. Tingnan mo ang mga kotse ng mga iyan. Lahat ng luho ilalagay. May kung anu-anong BORLOLOY na mga ikinkabit sa sasakyan, maluluma si JEEPNEY ni SARAO.


    However, wala akong nakitang nagdadala ng mirror sa mga kalalakihan. Pero lahat sila maayos sa katawan. Lging malinis at mabango., which is good. Maganda kung titingan dahil alaga nila ang kanilang katawan. They swim, they jog, they work out in gyms.

    Pero kapag nagpapagupit, MABUSISI sa mga style ng buhok nila.

    Ganito ang mga teenagers dito sa north America, na dahil madalas makita sa TV at films ng mga kabataan diyan, kaya ginagaya. Kaya lang, ang kaibhan lang dito, SANTAMBAK ang mga POGI at mga NAGGAGANDAHAN na mga babae't lalaki. Dahil siguro diyan, yung mga hindi nagkapalad na mabigyan ng maamong mukha ay kailanang asikasukin ang kanilang mga faces para ma-improve o mapaganda man lang para makahabol sa karamihan. Sa north America, bawa't corner ay may maganda at may guwapo. Very healthy looking pa. Siyempre, hindi pahuhuli sa eksena yung mga gaya-gaya diyan.

    Ito lang siguro ang dahilan kaya sumobra naman yung nanggagaya at NAIRITA ka tuloy. Pero, di ba't mas maganda kung natural lang ang pagdadala natin sa atying katawan? Basta alagaan ang sarili, keep fit and healthy, mabango ang katawan, mabango ang hininga, mabuti sa kapwa-tao, this way, you can't go wrong.

    Sige na. Magpahid na ng kung anu-anong kalechehan sa mukha, pero huwag na magdala ng salamin. Nakakailang na iyan.

    ReplyDelete
  24. @chio: ala akong masabi. :)

    @seaquest: hahaha. nanlalait ng mga babae? hindi na ata banidoso un banidosa na un

    @coolcanadian: wow. grabe po. salamat sa comment. appreciate it sir.naalala ko tuloy nung nauso ang scarf sa mga emo. kahit taas ng sikat ng araw naka scarf sila

    ReplyDelete
  25. HAHAHA alala ko tuloy ung kakilala naming sobrang banidoso, may kikay kit na nakalagay sa plastic bag. Minsan sumambulat ang plastic bag sa kalsada. Bwahahahha. Wrong!

    ReplyDelete
  26. marami pa ring babae ngaun na mas gusto ang malinis tingnan at mukhang mabangong lalaki. hindi ako against sa taong banidoso. sa case ko lang, prefered ng misis ko ung lalaking mukhang madungis. kaya pinapangatawanan ko na ang pagging ruggedly handsome ko.

    ReplyDelete
  27. Prang mukhang ok naman ang ganyan. Pero wag lang ung nakikita ng maraming tao. Maybe you should just keep it to your self. =D

    Summer
    A Writers Den
    The Brown Mestizo

    ReplyDelete
  28. @kuri: hahaha. tigas! ruggedly handsome. ganyan din ata ako este rugged lang pala ako

    @summer: sabagay nga wag lang makita ng ataong bayan

    ReplyDelete
  29. wala namang masama dyan, minsan kelangan na din natin nyan dahil sa sobrang dumi sa kalsada. pero minsan lang dapat, hindi palagian hehe

    ReplyDelete
  30. @joco: hahahahaha gandang panukala

    ReplyDelete
  31. minsan matagal maligo kasi alam mo na hehe *off-topic* anyway, kaya nga may mga babae para sila magpaligo sa lalaki. sponge bath woot-woot *off-topic pa rin tsk-rsk*

    ReplyDelete
  32. @random: haha. gets ko yan. woot woot

    ReplyDelete
  33. hindi masama ang paglilinis ng katawan. mas nakakaakit nga ito sa babae eh. pero yung tipong ganyan sa sinasabi mo, eh kaOAyan na yan. hindi rin natin masisisi yung ilan kung ganyan sila. walang pakialaman ng buhay. hahaha.

    OA naman yung 1:20:30 ++ na oras ng pagligo? pinakamatagal ko na yung 1 oras kasama na ang pagaahit, pagiiskrab ng katawan at pag...alam mo na... hahaha.

    metrosexual = isang metro na lang, homosexual na...huhlols

    ReplyDelete
  34. Para sakin ok nman ang maging banidoso. That only means na care ka sa itsura moh lalo na kapag may maganda kang trabaho. Natural lang bigyan moh ng layaw at ingatan ang kapita-pitagang itsura hahaha..;D Sa panahon ngayon eh natural na sa mga lalaki ang asikasuhin at maging maarte sa kanilang mukha at katawan. Wag nga lang ung kahit sa daan eh naglalagay ng lotion at namamahid ng lipbalm. Wuahahaha...Grabe na yun, iba na yun haha..;D

    Solo
    Travel and Living
    Job Hunt Pinoy

    ReplyDelete