Sabi niya sa akin kanina "Open it wider. Come on, open your mouth wider." Binuka ko pa ang bibig ko, hindi talaga magkasya, masyado yatang malaki, hindi magkasya yung aparato na ginagamit niya sa pag pasta sa ngipin ko, umiilaw ilaw pa iyon eh. Inaamin ko, hindi talaga ako sumusunod sa sinasabi ng mga dentist na dapat daw eh binibisita mo sila every 3-6 months para naalagaan ang ipin, kanina nagpa-pasta ako dahil sa kailangan ko siya sa medical requirement para sa u.s visa ko (naks). Dalawang taon na ang nakaraan nang huli akong magpunta sa kanya.
Sa tuwing nakakakita ako at tuwing papalapit na ako sa dentist chair. Kakaiba na ang nararamdaman ko, parang gusto ko na lang mamatay muna at sumailalim sa general anesthesia para pag gising ko eh tapos na ang dapat nilang gawin sa ngipin ko. Medyo hindi kase maganda ang impression ko sa mga dentista, parang tuwang tuwa sila sa tuwing nangingilo ang mga pasyente.
Ang unang karanasan ko sa pag papasta ng ngipin ay noong grade 6 ako. Sabi ng erpat ko hindi daw masakit, malamig daw sa ipin pag nililinisan at pinapastahan. Wala akong kakaba-kaba ng mga panahong iyon, pangiti ngiti pa ako sa tomboy kong dentista na ngayon ay sumakabilang buhay na, sumalangit nawa. Naupo na ako sa dentist chair at nag umpisa na siyang magtrabaho sa ipin ko, bandang kalagitnaan na, kung ano anong pangyayari na ang nangyari sa buhay oral cavity ko. Sa sobrang sakit akala ko sa silya elektrika na ako umupo at ilang oras na lang tatagal ang buhay ko. May ipinasok siyang parang pang hangin sa ipin, pota@!#* ayoko na talaga!!!! napapamura talaga ako sa sobrang
Pagkatapos ng malagim na pangyayaring iyon. . . . na trauma na ako. Ayoko na makakita ng dentista at lalong ayoko na umupo sa silya elektrika este dentist chair. Pero nahubog na rin ako ng panahon, ilang beses na ako pinastahan simula ng una kong ekspiryens, kanina swabeng swabe ang pag pasta sa akin. Konting ngilo lang then poof kokokrans! Tapos na agad. Ready na ako sa medical exam bukas. Yehey!
hahahaha.. chinika mu pa ung dentist nyo! :] gudlak bukas :))
ReplyDeleteewan ko rin ba, meron talaga sa dentist chair, at gusto ko rin maupo dun kahit papano... at kalikutin ng magandang dentista ang ipin ko... (impluwensya ng mga napapanuod na japanese movie) :D
ReplyDeleteatleast naka raos ka na! congrats paps lilipad ka na naks!
ReplyDeletemortal enemy no. 1 ko din ang mga dentista. Tila anghel ako mula sa langit pag kaharap ko sila.. baka murderin gums ko ng mga dentista hehe
Naks US Visa na talaga... Paps picturan mo nalang ang malilinamnam na tsokoleyts at bebot mo sa tate at ipost dito para ma experience namin ang American dream :-D
ReplyDeletepapunta ka ng US? huwaw.. yngat!
ReplyDeleteako din, ayoko din ng pumapasyal sa dentista eh.. pero hindi talaga maiiwasan.. madali din kasi akong mangilo.
hmmmmmmmmp naexcite pa naman ako sa title....
ReplyDeleteso kelan ang despedida? imbayted ba ako jan?
nyahahahaha blep :P
ang chuchal US visa , wahhh takot ako sa dentist
ReplyDeleteako din minsan takot mgpadentist.pro yung dentista namin may scretary sexy kaya ok lang,lols
ReplyDeletepaps medium yung tshirt ko, 10.5" paa ko, waistline 33-34. yung adress ko email ko nalang,salamat.haha
kala ko naman anu na yang ipinapasok sa bibig mo haha!!
ReplyDeleteAko tagal na ata di nagpadentist taon na sh*t, kailangan pala isked ko na din to hehe!
wow punta ka pala US inggit ako sama naman! :D
ReplyDelete@kox: siempre, bwisit ang mga yan eh
ReplyDelete@anthony: parang ang bata bata mo pa ha, di ka pa ba naka upo diyan
@ms.guided: hahahahah... tila anghel hahaha nice one...... dapat talaga mabait tayo sa kanila.
@Jepoy: hays sana nga makapasa din po ako sa interview....
@kheed: meron kayang ibang nag aayos ng ipin liban sa dentista haha
@YJ: sige mag papa dispidida ako pero ikaw gagastos wahahay! hindi ka lang invited organizer ka pa ng event haha
ReplyDelete@Korki: kakatakot sila talaga....huhuhu
@hari ng sablay: madami namang seksi sa ibang lugar. . . dun isa lang tapos may multo pa.
@Homer: homer nakakatakot yan wag na po pls lang. . . haha.
naks. First time... :)
ReplyDeletehaha! tomboy din ung dentista ko eh.. wala lang.. kinonek ko lang.
ReplyDelete@acrylique: grabe di ko naman po first time haha
ReplyDelete@chikletz: dami siguro talagang tomboy na dentista. mahilig sa bunutan
huli kong cleaning was 5 years ago...
ReplyDeletepero ang malupet sa post na ito, eh yung hindi naman siya requirement sa US visa! pamatay!
@ abe: oo nga di man lang tiningnan ang ipin ko, tinanong lang kung may sira ipin ko. hahaha. tapos pinag hubad hmp. haha
ReplyDelete