Tuesday, May 5, 2009

PAGOD KA NA BA?




Nakaka-buang matulog sa dyip itong nakasabay naming babae, nung una pumipikit pikit lang siya, maya maya yung ulo niya sumasabay na sa pag bagsak ng mata niya at maya maya pa'y voila kinareer ang pagtulog sa dyip. "Ate gusto mo po ng banig at unan?"bente bente lang po. Salamat kay pareng Dingdong sa pag tulog sa akin sa pagkuha ng larawang iyan, buti na lamang maganda ang design ng phone ko di mo mahahalata nakukunan ka na ng picture kaya ingat ka. (sabay ngiting demonyo).

Pagod ka na ba? Parang pagod na po kase ako, daming dapat gawin sa buhay buhay, tambak na gawain lalo na't nahalal akong presidente upang mamuno sa isang gawain ng aming paaralan. Nung araw mismo nung botohan na iyon, nananalangin ako kay papa Jesus. Bro! please naman po, ayaw ko po maging presidente alam ko pong mahirap at nakaka bwisit na trabaho ito. Masisira po ang pag boblog ko at mawawalan po ko ng time sa beybi ko kung busy po ako please po papa Jesus, wag po sana topakin ang mga ito na iboto ako. Amen.

Ayun walang nangyari. May nag nominate sa akin tapos ayun. Badtrip. Panalo. Kaya eto busy, pagod, problemado, stressed, tulala. Pero kakayanin! Ako pa nag alaxan if are yata ako. Di lang iyon nag tongkat ali pa up up up down down down.

Pagod ka na ba? Sabi ni Papa Jesus. "Come to me, all of you who are weary and loaded down with burdens, and I will give you rest"Matthew 11:28.

Papa Jesus penge po akong rest. Wag po muna yung rest in peace. Lab you po.

8 comments:

  1. very nice post...

    pwede ka na talaga paps.

    ReplyDelete
  2. salamat reign iba ka talaga. ahahaha.
    baka ma debelop na ko niyan

    salamat salamat.

    sana yung ibang nag babasa diyan mag comment din kahhit papano. "_"

    ReplyDelete
  3. ano ba naman iyang babae na yan. bwahahaha.

    ano yang pag hubog na yan? mukhang ka abang abang ah.

    . . president hahahaha

    ReplyDelete
  4. paps alam ko yang verse na yan dhil lagi ako nbabasa ng bible

    ReplyDelete
  5. opo. abangan niyo ang pag hubog. :)

    malapit na malapit na po. (hahaha prang nasa tv lang)

    ReplyDelete
  6. naks naman bible reader,

    tama yan mr hari ng sablay. :)
    ipagpatuloy

    ReplyDelete
  7. congrats president! haha

    pagod na ba ko?

    oo, dami ko ng pagod. sanay na lang. hehehe

    ReplyDelete
  8. Ako din. Madami ng pagod. :D

    ReplyDelete