Hindi ko alam ang pangalan mo, hindi ko alam kung saan ka nakatira at kung ano ang ginawa mo bago mo maisipang basahin ang kwentong ito. Subalit nais kong ipaalam sa mga mambabasa na dapat tandaan mo ang araw, petsa at ang oras na ito sapagkat makikilala mo na ang pag hubog ng pablong pabling. *bwahahahaha*
PAGSILANG
Buwan ng oktubre, ika-dalawampu't walo, taong siyam na raan walumpu't walo. Alas diyes ng gabi. Natigil ang pawang kapaligiran. Nabalot ng nginig ang kalawakan. Sa loob ng paanakan sa Maynila may nag sisigawan, nag papalakpakan at naghihiyawan. Ang wika ng doktor "hay isang poging sanggol na naman ang isinilang". *palakpakan*
FAST FORWARD. Wala na akong naalala pag katapos akong tanggalan ng umbilical cord. Nabadtrip pa nga ako sa nars na nag alis nang u.cord ko, hindi man lang inayos ang pag gupit. Kung nakapag sasalita na ako nun mapag sasabihan ko iyon na paki ayus ayos naman ang trabaho niya. Subalit sadyang mailap ang mundo, hindi niya ang maintindihan ang iyak ko.
KINDERBOY
Wala ako masiyadong maalala noong edad 1 yr old hanggang 5 yrs old ako. Ikaw ba meron kang naalala sa sarili mo? Kung meron tatlong bagsak na palakpak para sa iyo. Pero kwento lang ng ermat at erpat ko, itinatabi daw nila lahat ng papel, libro at tissue sa bahay kasi pinupunit ko iyon tapos bibilutin at isisiksik ko daw lahat iyon sa gitna ng daliri ko sa paa at kamay. Sabi ng kasambahay naming matanda na may pag ka arbolaryo "masinop na bata daw ako". Ahem. Parang hindi naman.
Anim na taon ako nang pinilit akong ipasok ng ermat ko sa kinder school. Ayoko. Takot ako. Kinakabahan. Tingin ko ang mga titser namamalo pag di ka naka sagot, ayun namamalo nga. Dati bago ako ipasok sa school nakakakita na ako ng mga batang may dalang bag at baunan, alam kong kailangan pumasok ang bata sa paaralan tulad na lamang ng kuya kong isang taon ang tanda sa akin. Dahil sa isang taon lang ang tanda niya sa akin lahat ng kailangan niyang gawin bilang tumatandang bata eh sinasabay na ako. Tulad na lamang ng pag tigil sa pag mamam sa baby bottle. Dapat sa baby bottle pa ako dumidede eh, pero dahil inaagaw ni kuya ang dede ko eh pati ako kailangan nang huminto sa pag dede. *iyak ako*
Hindi ko malilimutan ang baunan kong ninja turtle na pag binuksan mo ay punong puno ng biskwit na tinatawag na hi-ro at marie plus zesto juice yung hapol pleybor. Naaalala ko din na may dede ako sa baunan, isang paraan iyon na maka dede ako sapagkat hindi ko naman kasama ang kuya ko sa kinder school grade 1 na siya noon. Swerte may dede ako. Badtrip lang nang minsang agawin yun ng katabi kong parang tingin ko eh inaagawan din ng dede ng kuya niya.
Pinalaki akong masunuring bata, ang erpat ko military training ang pag papalaki sa amin kulang na lang sa kanya ay pito at pituhan ang bawat pag galaw namin kaya lumaki akong tahimik at matatakutin. Hindi rin ako lumaki na nakikipag salamuha sa mga batang amoy araw sa labas ng bahay, tanging kuya ko at alagang aso at pusa ang mga nakakalaro ko. Marami akong laruan, mahilig ako sa tau tauhan at mga sasakyan. Pati yung mga sundalong plastik na kulay green ang dami ko nun nagawan ko na nang kwento lahat ng mga tau tauhan ko. Puro imahinasyon lang lahat. Ang resulta ng pag papalaki sa akin? Hindi marunong makisalamuha sa ibang bata, matatakutin sa ibang tao at tahimik.
Saan ka pa "most behave ako nung kinder 1 and 2" Hindi talaga ako nakikipag usap sa mga kaklase ko hanggat di nila ako kinakausap. Dapat lang talagang ako ang most behave. Pati nga ang titser ko hindi ko rin daw kinakausap. Minsang tinawag ako ng titser. Pablo! Tumayo ako takot na takot. Sa dami ng kaklase ko bakit ako pa ang tinawag ng titser linshak na ito. May tinatanong ang titser ko hindi ko maintindihan ang tanong, parang mali ata ang tanong niya. Sa sobrang kaba ko hindi ko talaga alam kung ano ang tinanong niya sa akin kaya umupo na lamang ako at umiyak. *kawawang bata*
Hindi ko rin malilimutan ang bag kong power rangers, tambak iyon ng nilukot na papel at plastik ng hi-ro, marie at zesto tumatagal ang mga basurang iyon sa loob ng isang linggo. Hindi ko kase binubuksan ang bag ko pag wala ako sa school. Marami ding educational chart sa silid paaralan. A- apple. B-Banana C-Candy D-Dog E-Egg F-Flower G-Girl H-hubog I-Iglo J-Jar K-Ka-blogs-tugan and so on.
Lumipas ang buhay kinder school hindi ko namalayan. ABNKKBSNPLKO?!
GAWAING PAGSASANAY:
1. Isulat sa blog mo ang natatandaan mo nung una kang lumabas sa pudayday nang ermat mo. Kung meron kang maalala. Kung wala zero ka na. Wag mo na ituloy ang susunod na gawain.
2. Kabisaduhin ang alpabeto A-Z
3. Isulat nang sampung beses ang buong pangalan sa pad paper na pang kinder at pag tapos ay lukutin at itabi sa bag sa loob ng isang linggo.
after ko basahin naalala ko din yung kabataan ko!lols
ReplyDeletenakaka aliw ka paps!
ps. pwede mag post ka ng pic mo nong bata ka? kung hindii ka cute wag na!hehe kung maari lang naman?
adios!
hahahaha.. miss guided. . baka mawalang ako ng readers. hahahaha. . .
ReplyDeletesalamat sa pag basa
hehe kakatuwa naman istorya ng buhay mo,ang kulit.aabangan ko to.kakaaliw.hehe
ReplyDeletenung bata ako ay mahilig din ako maglaro ng tautauhan sa may tumpok ng buhangin sa lapat ng bahay namin na ginagawa pa lang noon. Imahinasyon lang din lahat. :D
ReplyDeleteSana may part2 na agad bukas.
ReplyDeleteBITIN :))
paps! nakapag aral ka pala? hehe
ReplyDeletepareho pala tayong naging takot sa guro natin nung kinder garDen tayo. iyakin pa ako nung mga panahon na yun.
Haha! Ok to ah. Ako baliktad naman yung pagpapalaki sa akin, hindi batas militar. Nagpeperform ako sa harap ng maraming tao kasi gusto ko daw maging artista! Hahaha. Parehas din pala tayong mahilig sa tau-tauhan, yung akin nga lang, pinupugot ko yung mga ulo ng barbie doll ko. Ala lang, bayolente ako nung bata pero eto ngayon, hindi na ako masyadong bayolente. :D
ReplyDelete'stig... hehehe
ReplyDelete-enJAYneer-
JAYtography: An Online Travelogue
Magaling magaling! Ipapakita mo din ba kung pano nahubog ang katawan mo! hehe!! ;)
ReplyDeletetawa ako ng tawa.
ReplyDeletegaling galing mo sumulat paps
nice! hahaha.. apo ng apo ng apo ni BO! :)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletegusto ko sanang sabihin, pero hindi ko na lang sasabihin na ang paraan mo ng pagsusulat eh kahawig/katulad/ginaya/nagmula sa paraan ng isang sikat ng pinoy writer na ang tunay na katauhan ay di parin alam ng karamihan.
ReplyDeleteay sorry, nasabi ko rin pala.
wala bang kwento ng binyag jan??
ReplyDeleteahaha
@yffar: di ko naman tinatangging ginaya ko si bob ong haha
ReplyDelete@rchizen: wala