Saturday, May 23, 2009

Hubog. Ikatlong Yugto

%#@!

May naririnig akong usapan sa schoolbus, kwentuhan ng mga highschool student na barako pero nag iischool bus pa rin. Grade 5 ako noon. Wala pang muwang, fresh na fresh, may pulbos at sapin sa likod *bulilit bulilit sanay sa masikip kung kumilos kumilos ang liit liit*. Engks. Bumalik tayo sa usapan. Ganoong edad ako ng una kong marinig ang salitang j*k** sa mga highschool students. May sipa nung una kong narinig eh, may iba't iba pang mga kung ano anong pinag sasabi sila tulad na lang ng may lumalabas daw na puting likido na tinatawag na ****d at masarap daw pag ginagawa iyon.

Sa mga panahong iyon, gusto ko na malaman kung ano iyon at kung paano ba iyon. Wala akong ideya kung paano at kung ano iyon, hanggang sa naitanong ko na sa kaibigan kase wala naman akong pwedeng pag tanungan sa loob ng bahay, nakakahiya naman kase kung sa kapamilya ko itatanong. Ang kaibigan kong iyon ay laking esteyts at mas matanda sa akin ng dalawang taon. Tinanong ko kung ano ang j*k** ang sabi niya sa akin bata pa daw ako hindi ko pa daw ba alam iyon. Kaya nga nag tatanong hindi po ba?

Sa madaling salita (ayoko na ikwento ng buong detalye baka mamasa ang paligid) itinuro niya sa akin kung ano at kung paano iyon ginagawa. At iyon nagawa ko naman. (sabay ngiti)


ASO'T PUSA

Simula grade 5 nang simula kaming palaging nag aaway ng kuya ko, pag naglalaro, at lahat talaga ng bagay pag aawayan namin. Isang beses nag away kami sa harap ng daddy namin, sabay kaming inihulog ni daddy sa fish pond namin. Tanda ko pa nun na nakainom ako ng tubig galing sa pond, ang lalim kaya nun! Hindi nakatulong ang pag hulog niyang iyon sa pag babati namin, sa halip umabot ng 7 years ang hindi namin pag uusap ng kuya ko! 7 years? opo mga paps nasa loob kami ng isang bahay pero hindi kami nag kikibuan.

Normal lang daw sa magkakapatid ang mag away, pero ang paabutin nang ganoon katagal ay hindi normal. Pero sa awa ni papa Jesus ngayon nag uusap na kami ng kuya ko. Astig!

PAGTATAPOS

Gagradweyt na ako ng elementary ayos magiging high school na ako. Badtrip! Bago ang graduation tinubuan ako ng bulutong, ako ang sinisisi ng ilang kaklase sa pag kakaroon din nila nang bulutong. Ako kase ang unang nag karoon noon. Nandito pa ang graduation picture ko butas butas ang mukha ko kase kakagaling lang sa bulutong. yaks ang pangit! Ibang iba ang itsura ko parang paint brush na butas butas.

Graduation day, nakakahiya sa magulang ko kase nag handa pa sila sa graduation ko, kumpleto ang pamilya, lolo, lola, tita , kaibigan kapitbahay at kung sino sino pang mahugot. Nakakahiya kase wala man lang akong award na nakuha ni isa. Yung diploma lang talaga. Ni ha ni ho wala samantalang yung ibang kaklase ko akyat baba sa stage.

HIGH SCHOOL

Dahil sa pag babagong nagaganap sa aming katawan, madalas kami nang kaibigan at ilang kaklase na nagkukumpulan sa isang bahay para manood ng %$@!. Tinitiis namin ang pakiramdam hanggang sa dumating kami sa kanya kanyang bahay at doon mag pasabog ng lagim.

Unang araw ng first year sa highschool, may mga bagong kaklase mas marami ang luma. Hindi naman ako lumipat ng iskul. Magaling ang adviser nung first year ako, sa sobrang galing nabansagan na siyang "Terror" yun bang tipong pag nandun siya nanaisin mo na lang maging kuto. Bawal ang batang maingay, bawal ang walang assignment, bawal ang tamad.

Naparusahan ako minsan nang teacher kong yaon dahil ahhh ehh hmmm.. (after 2 minutes ng pag iisip).... hindi ko na talaga maalala kung ano yung dahilan kung bakit niya ako pinarusahan. Ang parusa kailangan kong tumalon talon pa akyat baba sa hagdan. Tatlo kaming naparusahan.

ANG PAARALAN

Ang paaralan na pinasukan ko ay parang kumbento. Christian school ito, puro doktrina ang tinuturo kailangan parati kang mabait at sumusunod kay papa Jesus.Madaming patakaran ang eskwela. Madaming kalokohan. Masamang masama ka na kapag sa babae nagsuot ka ng pantalon, sa lalaki naman masamang masama ka na kapag nagpakalbo ka. Parang diretso impiyerno ka na. Natatandaan ko pa dati na nag pa semi kalbo ako, kinabukasan naka upo na ako sa assistant principal's office para ipaalala na bawal magpagupit ng mas maikli sa 2x3.


MUKHANG TAO

Iba't iba ang itsura ng mga kaklase ko pero may pag kakahawig hawig din sila. Pare parehas may mata, ilong, bibig, tenga at etc. Ang mga nag kakasundo magkakasama sila sila ang nagiging mag kakabarkada. Napabilang ako sa barkada ng mga lakwatsero araw araw na na adik sa lugaw at tokwa. Para sa akin may apat na grupo lamang ng mga tao na matatagpuan sa isang klase sa high school.

Una, pogi look sila ang grupo ng mga kalalakihan na kumakain ng gel, ang kikintab ng mga buhok, ang tutulis ng buhok, matatagpuan mong may karatula sa buhok na bawal butiki nakamamatay. Kadalasan din silang nakikipag agawan sa mga babaeng nag dadala ng johnsons baby powder dahil kailangan pogi sila palagi. Isa pa bukod sa pogi sila ang laman lang ng utak nila ay gel.

Pangalawang grupo ay ang pussycat dolls mga estudyanteng ang kakapal ng make-up at lipistik. Bawal sa babae ang naka make-up pero dahil sa pcd sila dapat naka make up pa rin sila kahit araw araw sila nasa opis. Kadalasan silang may hawak na songhits at updated sa sa topchart 20 ng myx at mtv. Sila din ang karaniwang makikita tuwing may school program sa paaralan, malas lang nila kase sa school na pinasok ko bawal ang makamundong awitin. Kailangan yung kanta nila "alive alive alive forever more my . . . "

Pangatlong grupo ang the straw group sila ang nasa top 10 ng klase, oo ang iba sa kanila matalino talaga at masipag pero ang marami sa kanila sumisipsip lang talaga. Maaga pa sila sa teacher at sa tilaok ng manok para buhatin ang bag ni mam papunta sa classroom. Sila din ang teacher's pet. Hindi dahil sa mukha silang hayup, bagkus sila ang katulong ng teacher sa kung ano anong aktibitis. At dahil sila ang madalas na nauutusan ang tataas ng grades nila.

Pang apat ang aliens wala silang kaibigan, may sariling mundo, hindi nakikipag usap at hindi nakikisalamuha sa mga tao. Pumapasa lang sila sa klase dahil mabait at tahimik lang sila, sila kadalasan ang mabilis makalimutan ng klase. Hindi mo mapapansin kung present ba sila o absent.

Nadagdagan pa iyan nang tumuntong ako sa kolehiyo.

SHOPPING LIST

Karaniwan lamang na pag katapos ng klase siempre lalabas ka ng gate. Ilang oras mo rin hinantay ang pag ring ng bell, hindi mo alam ang sayang mararamdaman mo pag labas mo ng gate, pag labas mo nang gate para kang nasa mini divisoria. Kumpleto ang sari saring pagkain at kung ano anong mabibili sa halagang abot kamay ng mga estudyante. Ilan sa mga popular na mabibili sa tapat ng gate namin ay ice scramble,cotton candy,santol, singkamas at manggang may bagoong, fishball, squidball, kikiam, chicken balls, tokneneng, calamares, mga stickers, mga kwintas at singsing na peke atbp.

Madalas kong bilhin pagtapos ng klase ang lugaw at tokwa. Dinadayo pa namin iyon sa medyo may kalayuan sa aming paaralan.

GAWAING PAGSASANAY:

1. Isulat sa isang papel kung saan ka napapabilang sa mga grupo ng estudyanteng nabanggit, ipaliwanag kung ano ang ginawa mo nung highschool kung bakita ka napabilang sa kanila.

2. Isulat sa kartolina ang "Bawal Magtinda Dito" at idikit sa noo ng nag titinda ng fishball sa tapat ng gate ng paaralan.

3. Mag hanap ng may bulutong sa inyong lugar, siguraduhing mahawa ka. At pag nahawa ka na magpakuha ng litrato na naka suot ng toga.

8 comments:

  1. grade 5 din ako nun..pinaalala mo pa.haha. medyo may kinky twist nga lang

    ReplyDelete
  2. kinky twist? paki explain. hahaha

    ReplyDelete
  3. ako po ay kabilang sa pcd! maaga nag dalaga at nag inarte!haha. paps san ka kabilang? I bet sa PCD din...kabilang ka sa'min kc pink yung baboy mo eh. juk lng.hehe

    ReplyDelete
  4. hahahaha. miss guided. .
    hindi naman ako nag dadala ng songhits dati

    ReplyDelete
  5. Ay ako din napabiling sa pcd.
    pero di ako updated sa music [[:

    lahat na ng klase ng grupo nasabi mo na
    pero di mo sinabi kung san ke belong.mygas [[:

    ReplyDelete
  6. haha.. meron din mga pogi smen, tska pussycat dolls! kokorni! lol :))

    ReplyDelete
  7. pablo, buti ka 7 taon lang kayo hindi nagusap ng kuya mo...

    kami ng kuya ko inabot ng 15 taon. seryoso. naguusap na kami ngayon, kaso pa-sign language sign language muna...

    ReplyDelete
  8. papas puro kamunduhan ata yung mga yun ah.haha

    ako siguro nung hs aliens ako nabibilang dahil di naman ako pogi look at strw group lalung lalo ng pussycatdolls. wala kasi akong frens nun pero fans madami,nyayyysss...gawa-gawa ko lang yun,lols

    ReplyDelete