Saturday, April 18, 2009

Umpisa Na!

Last day na nang bakasyon ko ngayong araw na ito, taena bukas umpisa na nang pinaka aabangan nilang summer class. Ang sked ng klase namin mula pag sikat nang araw hanggang pag lubog ng araw 7:30 am to 6:30 pm badtrip ang haba ng oras, ganyan kase talaga pag summer class potaness. Mababawasan na ang oras ko sa pag papalaki ko nang bayag pag tulog nang pagka haba-haba. Hayyy chalap chalap talaga matulog iyan ang pinaka pa borito kong gawin sa buhay kong ito liban sa pag chibog.

Panibagong set nang mga kaklase ko na naman ang makakasalamuha, Papa Jesus sana naman wala na po akong kaklase na mukhang gunggong, galunggong, mungo at pagong. Ayoko na po nang bigla biglang mangungulangot pag di mo siya kaharap tapos pag harap mo sa kanya ngingit ngiti siya, kala niya naman di ko napansin na pinahid niya sa hilalim ng hupuan niya ang yayks. Sabagay kesa naman nguyain niya yun. "Alam mo ba kung ano ang sabi ni tinga kay kulangot? "Hoy! Kulangot anong ginagawa mo dito?!" Pasintabi po sa mga chumichibog.

- - - -

Nag iisip kame ng bebe ko nang wedding song namin, matagal na matagal pa naman ang wedding namin kase wala pa nga kaming monthsary eh. Pero may magandang suggestion na kanta ang bebe ko, yung habang nag lalakad siya sa aisle papunta sa bebe niya upang magpakasal gusto namin ang tumutugtog na kanta ay yung "Pag dating ng panahon" ni aiza seguerra. Tamang tama sa araw nang kasal ang lyrics eh. Pag dating ng panahon, baka ikaw rin at ako, baka tibok ng puso mo'y maging tibok ng puso ko" Nakakabaliw pala maging asawa ng bebe ko. Nabaliw at na adik ako sa kanya. Aylabyu po! bebe ko!

Gusto mo iyan di ba?? Ha? Di ba?

3 comments: