Saturday, April 4, 2009

Paru-Paro

Paru-Paro

Nais kong sabayan ang indayog mo
Isang nilalang na nakapag-bibigay saya
Makulay ka subalit mailap
Masayang lumulutang lutang sa hangin
Sa aking pag lapit ay ang bilis ng iyong paglayo sa akin
Palipad patungo sa luntiang kawalan
Kay sarap pagmasdan ang paglapit mo sa akin
Unti unting nabubuo sa isip kong ako'y gusto mo rin
Subalit nililinlang mo lamang ang aking damdamin
Sapagkat alam kong ikaw ay lalayo rin
Ikaw ay parang paru-paro
Maganda sa aking paningin
Subalit mailap sa akin

3 comments:

  1. pabz, may awards ako sa iyo. check it out! thanks!

    ReplyDelete
  2. pabs, parehong award ang natanggap mo... ;p

    ReplyDelete