Thursday, April 16, 2009

Ang Quantum Theory

Mga katuga mag bibigay lamang ako ng isang pogi move para sa mga kababayan nating torpe at walang ka-kulay kulay ang love life. Ito ang aking Quantum Theory move.

O edi mag papakyut ka na sa babaeng pinopormahan mo. Sabihin mo sa kanya "Naniniwala ka ba sa Quantum Theory?" Ang unang reaksyon na makikita mo sa kanya eh mag iisip siya kung ano ang Quantum Theory. So mag tatanong siya, "Ano nga ulit ang quantum theory nakalimutan ko na yan grade school pa siguro nung itinuro iyan" (sabay ngiti yan na parang nahihiya kase hindi niya alam ang quantum theory)

Ipaliwanag mo agad ang Quantum Theory. Quantum Theory states that only metals attract the magnet. Ang mga dumidikit lang daw sa magnet eh puro metal lamang. Hantayin mo ang sagot nang babae. 95% ng mga babae sasagot na oo naniniwala sila na lahat ng dumidikit sa magnet ay puro metal lamang, pag humindi naman naniwala, sabihin mo totoo na ayon sa Quantum Theory lahat lang talaga nang dumidikit sa magnets ay puro metal.

Mapapamangha at mawiwirduhan sa iyo ang babae. Sabihin mo agad na ikaw hindi ka talaga naniniwala sa Quauntum Theory, na ang Quantum Theory ay mananatiling theory na lang talaga sapagkat ikaw malabong maniwala na lahat lang nang na aatract ng magnet ay metal.

Tatanungin ka niya kung bakit di ka naniniwala. Ito lang ang isasagot mo katugang torpe na walang lovelife "Di ako naniniwala kase bakit ako sobrang na aatract sa iyo". Mapapangiti si babae, pwede siyang ma sweetan kung gusto ka niya, pwede rin siyang ma badtrip pag kinasusuklaman ka niya. Ipaliwanag mo lang kaagad sa kanya na hindi totoo ang Quantum Theory. Wala naman talagang Quantum Theory at gawagawa mo lang talaga yaon.

"sana ay makatulong ako sa inyo mga katugang torpe"...!

6 comments:

  1. ang tanong, pano kung physicist pala yung pinopormahan mo... patay! nyehehe!

    -deejay

    ReplyDelete
  2. quantum-quantum pa.. hahahaha.. :)) dami cgurong chickas ni Pa-Pa,, nag bibigay pa ng pa theory2 eh! lol =))

    ReplyDelete
  3. kaya nga nakulimbat ko ang bebeko eh dahil jan hahaha

    ReplyDelete
  4. onga pag physicist ung pinopormahan mo gudlak na lang sayo. haha!

    ReplyDelete
  5. pwede namang sabihing"

    may bagong theory (tapos invent ka ng mala german na pangalan)

    hahaha. graduate na siya nung lumabas yung theory na iyon.

    ReplyDelete