Tuesday, March 3, 2009

Words of Wisdom nang Makabagong Pablo

"Huwag natin i-kumpara ang sarili natin sa iba
sapagkat lahat tayo ay may kanya-kanyang kalakasan at kahinaan"
____________________________
"Komento ka ng komento
hindi ka naman si boy, kris at ruffa
ano ka nasa P.O.V ?"
_____________________________
"Huwag mo ituring na kalaban ang mga tao sa paligid mo
sapagkat pag nagkagayun
makakalaban mo ang mundo"
____________________________
"Matuto kang makipag-usap sa mga tao
ang baho kaya ng laway pag na iistak!"
________________________________
"Huwag ka masiyadong mayabang
hindi mo alam pinagtatawanan ka lang ng iba"
__________________________________
"Huwag ka umutot sa maraming tao
pwede pala umutot
pag may sipon na ang lahat ng tao sa paligid"
__________________________________
"Pag hindi ka naman kagwapuhan o kagandahan
huwag nang ipag-pilitan
nagmumukhang clown"
______________________________
"Huwag mong siraan ang kaibigan mo
sapagkat baka may blog siya
tulad ko"
(sabay ngiti)
_____________________________________
"Oo nga maka-Diyos ka!
Maka-tao ka ba? "
______________________
"Huwag humingi ng tawad
kung alam mong wala kang kasalanan
para saan ang patawad mo"
___________________________________
"Hindi naman masama mag-tikol
ang masama
mangopya pag exam"
____________________________
"Huwag mo i group message
ng igroup message
ang mga walang kwentang pangyayari
sa buhay mo
baka murahin ka na nila"
_______________________________________
-ilan pa lang yan sa mga words of wisdom ng makabagong pablo, wala akong pinatatamaan well kung may tamaan,buti nga! loko lang!umaray ka na lang!

1 comment: