Thursday, March 12, 2009

Sick Leave

"Mag bioflu ka babangon ka sa sakit". Thanks kay papa Jesus kase hindi niya ako hinayaan na tuluyang magka-sakit. Bawal mag ka sakit ngayon, nung huling post ko sinisipon lang ako hindi ko naman sukat akalain na magiging trangkaso iyun. Sumakit katawan ko at nilagnat ako umabot ng 39 degree celcius ayun buti na lang salamat sa bioflu naka- apat din ako nun bago ako tuluyang gumaling. Aba epektib pala talaga ang bioflu, kaya sa may mga trangkaso, lagnat diyan mag alaxan na! este bioflu! babangon ka sa sakit.

Di ko naman naisipan mag sick leave sa school kase wala namang sick leave absent ka na pag di ka pumasok, napaka halaga pa naman ng mga topic ngayon dahil malapit na ang finals at saka ang daming mga long kwiz di talaga pwede umabsent.

Speaking of sick leave, meron ding maternal leave, death leave at kung ano ano pang leave sa opisina. Bakit kaya hindi na rin lagyan ng break-up leave? Eh kase pag nakipag break up sa iyo ang labidabs mo para ka na ring namatayan, nag dadalamhati ka, namumugtong mga mata at parang gumuho ang mundo mo. Paano ka makakapag trabaho ng maayos kung hindi okay ang mundo mo?

Kaya nananawagan ako sa mga employer diyan maglagay kayo ng break-up leave. At saka sa mga school naman mag lagay kayo ng sick leave na pwedeng pumasok kahit walang dalang excuse letter. . . . :)


**special shout outz kay marT na nag prescribed ng bioflu** salamat po

No comments:

Post a Comment