Simula pagka bata ko ay iba't iba na mga pangalang nai-tawag sa akin. Nasa isang masusing imbestigasyon pa ako kung bakit nga ba nag iiba iba ang mga pangalan ng tao sa ibat ibang lugar at iba't ibang panahon ng buhay. Nung bata ako tinatawag akong bolingkingkay at sa paraang pakanta pa iyon "bolingkingkay nam bulingkingkay" hindi ko alam kung saan nag mula ang pangalang iyan tunog hukluban.
Noong kapanahunan ni papa Jesus (naks parang buhay na) ay nag babago-bago ang kanilang pangalan depende sa nagawa nila sa kanilang buhay tulad na lamang ni papa Jesus. Madami din siyang pangalan isa na dito ang "Emanuel" na ang ibig sabihin ay Tagapagligtas.
Noon magaganda pa ang ibig sabihin ng mga ipinapangalan sa tao subalit ngayon medyo nag bago na ang mga pangalan. Tatawagin ka nilang "pimps" na ang ibig ipagkahulugan ay marami kang pimples. "Tatang" ang tawag sa iyo kahit disisyete anyos ka pa lang dahil mukha ka nang matanda. "Gigi" ang tawag sa iyo na ang ibig sabihin ay gaga o kaya naman ay gago. Bamer (bomber) naman kung malakas ang putok mo.
Pagkalaon nung nagbibinata na ako ang tawag na sa akin ay "aki" na ang ibig sabihin sa bikol ay anak na bunsong lalaki. Pero ang iba kong mga kaibigan pinag lalaruan ang aki ginagawang kikz, akikz at pag trip lang nila ang tawag sa akin kiki. Nang magtarbaho ako sa call center ang itinawag sa akin ng superbaysor ko ay jake, hindi naman dahil sa hawig ko si jake kwenka iyon ay dahil may kapangalan na ako sa kompanya. Mahirap naman na pag may tumawag sa kompanya. . .
Caller: "Hi I would like to speak with arzy."
Arzy: This is Arzy who's this?
Caller: Oh this is James your client
Arzy: James who? Blunt?
Caller: No. James Blurre
Arzy: Who the hell is that? Maybe you are referring to another arzy. Please call him at local 143
eh sampu kayong arzy dun sa kompanya so matatagalan bago may makakilala sa client mong iyon at hassle din pagkat parang tumataya sa lotto ang client mo, jumakakpat kung sino ang nakakakilala sa kanya. Ewan ko ba kung bakit jake ang ipinangalan sa akin dahil siguro iyon na lamang ang natitirang poging pangalan sa kompanyang iyon. Kaya hanggang ngayon eh may tumatawag pa sa akin ng jake. Minsan nga nakalimutan kong ako pala si jake.
Jake: Thank you for calling. . . .
Caller: I would like to speak with jake please.
Jake: Who's this?
Caller: Mary anne
Jake: Hold on mam! . . Jake phone! Mary Anne daw
Superbaysor ko: (sabay batok sa akin) Sino ba si jake?
Jake: Ay sir ako ! Hello?
May mga ibang tawag pa sa akin "bo" tawag sa akin ng mga tita ko yan, hango yan sa bolingkingkay. Nakakabadtrip di ba? Nasa harap ka ng kras na kras mong chiks tapos tatawagin ka nila ng bolingkingkay nakakabawas pogi points, mag nenegative 1 na. Madapakeeng sheeeet bakit ba nag iiba iba ang mga pangalan natin?
No comments:
Post a Comment