Sakit nang katawan ko. Galing kasi kami sa overnight swimming kanina, napakasaya naman ng swimming na iyon kahit konti lang kami, kaya nais kong pasalamatan ang mga mahal kong kaklase. . . unahin natin ang mga hindi nag cutting. Pareng jem ( na nag saing nang maraming maraming kanin), pareng derick (na nag dala ng maraming maraming ulam), kumareng jelly(na nag asikaso ng kalahat lahatang plano), ericka (na sumama), ate sally (na nag asikaso sa amin), florame at czarina na (natulog nang bonggang bongga lols). At ang mga nag cutting, carmina, jellica at josanne. Maraming salamat.
Ano ba ang mga maaring gawin sa overnight swimming? Isang tanong na naisip ko bago ako pumunta sa overnight swimming namin. Pero ang rason talaga ng pagpunta namin ay para matuto kami ng back stroke para sa aming praktikal exam, na mukhang di ko naman natutunan pero ayos na iyon enjoy naman.
Ito ang mga maaaring gawin sa overnight swimming. (Hango sa aming mga ginawa sa o.s)
1. Magbaon ng tuyo, kamatis, itlog na pula, hotdog, singkamas, saging, ponkan at sangkaterbang kanin. Pagkatapos ay kainin ito nang pakamay.
2. Mag bayad nang entrance fee at cottage at pagkatapos ay matulog hanggang umaga.
3. Mag laro nang mataya-taya
4. Mag tulakan sa pool at mag lunuran sa tubig
5. Maghawak hawak, gumawa ng bilog at magpaikot ikot.
6. Mag-untugan sa ilalim ng pool
7. Mag floating ng sabay sabay
8. Maghalikan sa pool at ituloy sa banyo
"Huwat? ano yun? Hindi kami iyun. Ginawa yung nung isang babaeng sanamabits na lumba lumba at isang lalaking bokalbo. Mag halikan ba naman sa pool nang laplapan talaga. Tapos nawala na sila sa pool nag punta ako sa banyo para jumerbaks subalit di na natuloy dahil may naririnig akong umaalulong sa banyo at ayun may mga pangyayari na dun sa isang cubicle.
No comments:
Post a Comment