Sunday, March 1, 2009

Bakit hindi nawalan?

Sabi ko na nga ba hindi magandang nanonood ng balita. Nanood kase ako ng balita last friday inannouce dun na mawawalan ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila. Habang binabanggit ang mga katagang iyon napadasal ako "Papa Jesus sana hindi po kasama ang lugar namin". At ayun pag katapos kong magdasal eh binanggit na nga ang lugar na kinalalagyan ko. "kamalas naman oh! Taena badtrip! . . .Mawawalan daw ng tubig Feb. 28- Mar.1 11pm to 3pm.

So ayun nag imbak ako ng limpak limpak at galon galon na tubig, di ko kase yata kakayanin na wala kaming tubig ng ganoong katagal na panahon. Well kung inumin lang may sopdrinks naman pero yun nga lang di ko afford mag hugas ng pinggan (as if nag huhugas ng pinggan) gamit ang sopdrinks yung sprite para white.

Kaya nag-announce ako sa mga kasambahay na mawawalan ng tubig, imbak naman din sila. Ayun nga lang badtrip may tubig, hindi nawalan, sayang ang effort sa pag iimbak ng tubig, lahat ng timba, palanggana at kaldero may tubig. O sabi na nga di dapat nanonood ng balita.

Sa umaga nga eh . . ang title ng palabas. Umagang kay Ganda (mega ngiti pa ang mga host) pero watta oh may gad ang balita patayan! "Batang limang taong gulat nireyp bago pinatay" . . o gaganda ba naman ang umaga pag yan ang nabalitaan.

Ano kaya ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi nawalan ng tubig? Napahiya tuloy ako sa mga kasambahay niloloko ko daw sila. Kaya ito ang mga naisip kong dahilan kung bakit di nawala ang tubig

1. baka nalipat na kami ng tirahan ng di ko nalalaman..
2. baka nagwapuhan sa akin ang maynilad, mawawalan ng tubig sa lugar namin except sa bahay
namin.
3. mali ang aking mga pag karinig at pagkabasa sa tv, pawang imahinasyon ko lang ang lahat
ano sa tingin mo?

No comments:

Post a Comment