Saturday, February 21, 2009

SUMMER CLASS

Nakakabadtrip. Sanamabits talaga hindi ko makuha ang pag ba back-float sa swimming class namin. Alam ko naman talaga sa tuwing may swimming kami kahit nung bata ako hindi talaga ako matuto-tuto ng back-float. Bakit ba hindi ako nasabugan ng talento sa pag back-float baka naman jumejebs ako nung panahong iyon nang magsabog si papa Jesus ng talento sa pag-backfloat.

Nananakot pa ang prof namin sa swimming na nambabagsak daw siya. Nakoh wala akong balak i summer class ang swimming after all ng initim ko sa swimming i susummer ko pa. Pambihira negro na kung negro alas dose ba naman kase ang swimming class namin. Argh. Sanamabits talaga. . . tanggap ko na talaga na ang laki ng initim ko. Pwede na akong tawaging Tall, Dark and never mind, o di naman kaya Tall , Dark and Carabao.

Papa Jesus sige na naman po oh pwede niyo pa ba ako buhatin at kahit palutangin sa tubig sa tuwing kailangan ko mag back float, sige na naman po oh alam ko namang malakas ako sa iyo eh. Taas niyo lang po tummy ko kase lumulubog talaga siya ng kusa eh, lumulubog talaga ako eh.

1 comment:

  1. tsk... gudluck on ur upcoming classes and prActical tesTS! hahaha ^ ^

    kumain ka ng bonggang bongga para tumaba ng konti para float galore! HAHAAH
    chorVa lAng...
    truSt me, nka 1.0 ako dito... hahaha
    im so taba kasi...LolZ

    ReplyDelete